Tessa's POVKANINA pa ako pabalik-balik sa harap ng pinto. Hinihintay ko ang pagdating ni Darius, pero lumipas na ang mahabang oras, wala pa siya.Nakapagluto na nga ako ng lunch kanina at ngayon naman ay dinner, pero hindi pa rin siya bumabalik."Buong araw na siyang wala. Bakit ba wala pa rin siya? Anong emergency ba kasi ang nangyari? Nakakainis naman!"Pagsapit ng gabi at wala pa rin ito, pumasok na muna ako sa kitchen para initin ang mga pagkain."Sayang naman, malamig na. Mas masarap ito kapag bagong luto."Habang iniinit ang mga pagkain, panay silip ako sa labas ng bintana. Kinakabahan kasi ako na baka hindi umuwi si Darius."Ganoon ba siya ka-busy sa opisina nila para hanggang ngayon, hindi siya makaalis? Sana man lang, umuwi muna siya kahit sandali para sabihan ako, nang hindi ako nag-aalala nang ganito!"Inis na inis ako dahil pakiramdam ko, may kinalaman ang Martha na iyon dito. Nagkita lang sila, nagbago na naman ang ihip ng hangin."Okay na kami ni Darius. May nangyari na
Nakatayo ako sa harap ng pinto ng aming kuwarto at nagpabalik-balik ng lakad, habang ang aking asawa na si Darius, abalang nag-aayos ng mga gamit niya sa loob. Ang mga mata ko ay namamasa sa luha, ang aking puso ay nadudurog sa sakit."Martha... papunta na ako."Sa narinig ay nagmamadali akong pumasok. Naabutan ko siyang katatapos lang na mag-impake kaya natigilan ako. Parang gustong sumabog ng puso ko sa sakit habang iniisip na iiwan na niya ako para kay Martha... ang kabit niya.Nang tuluyang matapos sa ginagawa, humarap siya sa pinto kung nasaan ako. Sandali siyang natigilan nang magtagpo ang mga mata namin, pero parang wala lang sa kaniya ang mga luha ko't nilagpasan ako. Ang bawat hakbang na ginagawa ni Darius papalapit sa pintuan ay parang mga tusok sa aking puso. Napapikit ako, sinusubukang pigilan ang mga hikbing gustong kumawala sa labi ko."Saan ka pupunta?"Natigilan siya sa paglalakad. Hindi siya sumagot kaya tumakbo ako sa harap niya at pilit kinukuha ang atensyon niya.
Tessa's POVNAPAPITLAG ako nang marinig ang malakas na busina ng kotse sa labas ng malaking gate. Nagmamadali kong binitiwan ang hawak kong walis at dustpan at saka mabilis ang mga hakbang na lumapit sa bintana."Si Senyorito Darius!" bulalas ko habang may malaking ngiti sa aking labi.Gusto kong tumalon sa labis na tuwa nang matanaw ang pagpasok ng kulay abong sasakyan sa gate ng Altagrasia Mansion. Si Mamang Olga pa ang nagbukas ng pinto dahil excited rin itong salubungin si Senyorito Darius.Ang totoo niyan, sa lahat ng anak ni Don Enrico, si Senyorito Darius at Ate Isabella ang pinakapaborito ni Mamang Olga. Nasa ibang bansa na si Ate Isabella, at si Senyorito Darius naman ay madalang na lang kung bumisita rito. Pero dahil nalalapit na ang kaarawan niya, umuwi ito sa Hacienda Altagrasia upang dito ipagdiwang ang kaniyang 30th birthday.Dali akong lumabas ng malaki at malawak na living room upang salubungin ang senyorito. Hindi na nga mabura ang ngiti sa mukha ko dahil sa wakas, ma
Tessa's POVARAW ng kaarawan ni Senyorito Darius. Lahat ay nagsasaya sa labas, habang ako ay nandito sa isang sulok ng kusina, pinagluluksa ang patay kong puso."Condolence, friend."Nilingon ko ang nagsalita at nakita si Sasa, ang isa sa mga katulong na kaibigan ko rin. Magkaedad lang kaming dalawa, at alam niya ang nararamdaman ko para kay Senyorito Darius."Excited pa naman ako sa pag-uwi ni Senyorito Darius, Sasa. Buong akala ko, masasabi ko na sa kaniya ang tunay kong nararamdaman."Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa balikat. "Ikaw naman kasi, e. Buong buhay n'yo, magkasama na kayo. Pero hindi mo man lang naisip na magtapat sa kaniya nang mas maaga?""Sino ba naman kasi ako para gawin iyon, Sasa? Isa lang akong katulong sa pamilya nila. Walang-wala ako kumpara sa mga babaeng nagkakagusto kay Senyorito.""Ayan, kaya ka nasasaktan ngayon dahil sa mindset mo na iyan."Lalong bumuhos ang mga luha sa pisngi ko nang marinig ang masayang tawanan sa labas. Hindi ko yata kakayaning
Tessa's POVHINDI mabuti ang pakiramdam ko at napansin iyon ni Mamang Olga kaya pinayuhan niya akong magpahinga na lang sa kuwarto. Matamlay ako nang pumasok sa sarili kong silid sa maid's quarter. Lahat ng katulong dito ay may kani-kaniyang tulugan na may sariling aircon at banyo.Pabagsak akong naupo sa kama ko at parang maiiyak na kinuha ang unan at niyakap ito. Gusto kong maiyak dahil sa pinaghalong sakit at sama ng loob. Ikakasal na nga sa iba si Senyorito Darius, doon pa sa babaeng maldita na iyon!Bakit siya pa? Mas matatanggap ko ang kasawian ko sa pag-ibig kung napunta sa mabuting babae si Senyorito Darius, pero sa kaniya? Nakakainis!Natigilan ako sa pagmamaktol nang makita ang maliit na boteng nasa ibabaw ng side table ko. "Ano ito? Wala naman ito dito kanina, ah?"Dinampot ko ang bote at binasa ang maliit na sulat na nakadikit doon. Nang maunawaan ko kung para saan ang laman nito, dali-dali akong tumayo at patakbong bumalik sa kitchen."Sasa!" tawag ko sa kaibigan ko. Agad
Tessa's POV"Senyorito Darius?"Natigilan ako nang matanaw sa bungad ng pinto ng mansion si Senyorito Darius. Hindi ito makalakad nang maayos at parang babagsak na ano mang oras.Lumingon ako sa paligid, nang masiguro kong walang tao, agad ko siyang nilapitan at inalalayan. "Senyorito, anong nangyayari sa inyo? Ayos lang po ba kayo?"Sinagot niya ako ng isang ungol. Kahit sa pagsasalita ay parang nahihirapan ito. Kinuha ko ang braso niya at nilagay ang sa aking balikat. Kamuntikan pa kaming mabuwal dahil sa kaniyang bigat.Mabigat at matangkad si Senyorito Darius. Batak sa gym ang katawan nito at nasa 6 plus yata ang height niya. Habang ako naman ay 5'5 lang. Hanggang kili-kili niya lang ako.Nag-umpisa na kaming maglakad. Nang malagpasan namin ang hagdanan ay muli akong luminga sa paligid para masigurong walang nakakakita sa amin. Abala kasi ang ibang katulong sa kusina, habang ang iba pa ay nasa labas at tumutulong sa party.Dumiretso kami sa maid's quarter—sa kuwarto ko. Nang makap
Darius' POVNAPIGILAN ang tangkang pagbangon ko dahil sa biglang pagsakit ng ulo. Napaupo ako sa gilid ng kama at wala sa sariling sinapo ang aking ulo gamit ang kamay ko."Fuck this hangover."Gaano ba karami ang nainom ko kagabi at bigla na lang akong nawalan ng malay? Ni hindi ko maalala ang mga nangyari. Kumapit ako sa sidetable at tuloy na sana akong tatayo nang mapansin kong hindi ako nag-iisa sa kama.I glanced around my surroundings. Nanlalaki ang mga matang napatitig ako sa babaeng katabi ko. "Shit!" Hindi ko napigilan ang mapamura. It's Tessa, ang pamangkin ng mayordoma namin. Nakadapa ito sa kama at mahimbing na natutulog."What the fuck happened?"Katulad ko ay hubo't hubad din ito. At malaya kong nakikita ngayon ang maganda at makinis niyang katawan na nakalantad sa akin.Damn it! Bakit nasa kuwarto ko ang babaeng ito? Bigla akong natigilan nang mapansin ang paligid ko. Oh, shit. I'm not in my room, at sa tingin ko ay nasa kuwarto niya ako!"Oh, fuck!" I groaned when I n
Tessa's POVKITANG-KITA ko ang pagkadismaya sa mukha ni Mamang Olga. Hindi ito nagsasalita, ni hindi niya ako pinagalitan o pinayuhan sa mga dapat kong gawin. Nanatili siyang tahimik habang inaasikaso ang mga damit ko."Dadalhin ko na sa magiging kuwarto mo sa itaas itong mga damit mo. Ayaw ka nang patulugin ni Don Enrico sa maid's quarter.""Mamang... "Tumayo ako para lapitan siya pero iniwasan niya ako at walang imik na lumabas ng silid. Malungkot akong bumalik sa kama ko at naupo sa gilid.Hindi ko masasabing malungkot talaga ako sa nangyayari dahil ito naman ang pinangarap ko mula pa noon. Pero siguro nakokonsensya ako. Matapos akong pagkatiwalaan ni Mamang Olga, ito pa ang igaganti ko sa kaniya.Narinig ko ang pagbukas at muling pagsara ng pinto. Buong akala ko ay si Mamang Olga ito kaya mabilis akong tumayo at humarap doon, pero natigilan ako nang makita kung sino ang dumating."Miss Martha, ano pong ginagawa n'yo rito?"Matagal niya akong pinagmasdan na parang kinakabisado niy