Share

Chapter 6

Tessa's POV

KITANG-KITA ko ang pagkadismaya sa mukha ni Mamang Olga. Hindi ito nagsasalita, ni hindi niya ako pinagalitan o pinayuhan sa mga dapat kong gawin. Nanatili siyang tahimik habang inaasikaso ang mga damit ko.

"Dadalhin ko na sa magiging kuwarto mo sa itaas itong mga damit mo. Ayaw ka nang patulugin ni Don Enrico sa maid's quarter."

"Mamang... "

Tumayo ako para lapitan siya pero iniwasan niya ako at walang imik na lumabas ng silid. Malungkot akong bumalik sa kama ko at naupo sa gilid.

Hindi ko masasabing malungkot talaga ako sa nangyayari dahil ito naman ang pinangarap ko mula pa noon. Pero siguro nakokonsensya ako. Matapos akong pagkatiwalaan ni Mamang Olga, ito pa ang igaganti ko sa kaniya.

Narinig ko ang pagbukas at muling pagsara ng pinto. Buong akala ko ay si Mamang Olga ito kaya mabilis akong tumayo at humarap doon, pero natigilan ako nang makita kung sino ang dumating.

"Miss Martha, ano pong ginagawa n'yo rito?"

Matagal niya akong pinagmasdan na parang kinakabisado niy
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Riesha Sabdanie
ang babaeng malandi Gawin ang lahat para lng mapasakanya ang lalake sobrang kakatihan Darius iparanas mo sa kanya ang buhay mperyeno hwag mong kaawaan ang ganyan klseng babae dpat cyang mgdusa alilain mo pgtulungan nyo ni Marta Darius ng dahil sa kanya dnaging Kyo ni marta ... charrr
goodnovel comment avatar
Rhona Durangparang Benologa
update po author
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status