Tessa's POVMATAGAL akong nakasandal sa pinto ng mansion matapos ng mga narinig. Naramdaman ko ang panghihina ng mga tuhod ko. Gusto kong bumagsak sa sahig at umiyak, pero hindi ko ginawa."Ginusto ko ito. Bakit ako iiyak?"Huminga ako nang malalim at umakyat sa hagdan. Hindi na ako bumalik sa reception dahil paniguradong kukutyain lang ako ng mga bisita. Dumiretso ako sa silid ni Senyorito Darius, pero agad akong natigilan nang makita ang taong nasa loob.Si Martha, nakaupo ito sa gilid ng kama ni Senyorito Darius at namumutla. Namumula rin ang mga mata niya na parang galing sa pag-iyak. Nang mabaling sa akin ang paningin niya ay mabilis na nag-iba ang kaniyang reaksyon."Anong ginagawa mo dito?"Uminit agad ang ulo ko. Kinukutya na ako ng mga kaibigan ni Senyorito Darius, at pinagtatawanan ng mga bisita nila. Hindi ko hahayaan na pati siya, bastusin ako."Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan. Anong ginagawa mo sa kuwarto ng asawa ko?""Asawa mo?" Napatayo siya mula sa pagkakaupo.Pina
Tessa's POVNAPABALIKWAS ako ng bangon nang marinig ko ang sunod-sunod na katok sa pinto. Dali-dali akong tumayo at pupungas-pungas na tiningnan ang orasan sa sidetable ko.12:51 AM."Open this door! Damn it!"Napasinghap ako nang marinig ang galit na boses ni Darius. Nagmadali ako sa pagtayo at nilapitan ang pinto saka ito binuksan."S-senyorito Darius?"Nakatayo ngayon sa harap ko si Senyorito Darius—ang asawa ko na hindi ko man lang matawag na akin. Magulo ang buhok niya, nakabukas ang tatlong butones sa itaas ng damit, nakaluwag ang necktie at pulang-pula ang mukha."Lasing ka?"Napadaing ako nang tinulak niya ako palayo sa kaniya."Umalis ka sa dinadaanan ko! Ba't nandito ka sa kuwarto? Get out of here!"Kagat-labi ko siyang sinundan ng tingin hanggang sa bumagsak siya sa ibabaw ng kama."Pero senyorito, kuwarto ko ito. Nasa kabila ang kuwarto mo."Hindi siya sumagot. Maya-maya ay nakaring na ako ng mahihinang paghilik.Bumuntonghininga ako bago lumapit sa kama. Sandali kong pina
Tessa's POVMADALING-ARAW na pero gising pa rin ako. Hindi na ako nakatulog matapos ng nangyari kanina. Ang bawat salitang lumabas sa bibig ni Senyorito Darius, parang kutsilyong bumaon sa likod ko.Ang sakit pala. Mas masakit ang mga salitang binitiwan niya kaysa sa totoong sugat. Mas mahapdi, mas malalim.Pagsikat ng araw, huminga ako nang malalim at saka naligo. Pagkatapos no'n ay bumaba na ako sa kusina at nag-umpisang magluto.Hindi ako basta-bastang susuko na lang. Ano ako? Hilo? Matapos ko siyang pikutin, susuko na lang ako sa ganitong kaliit na bagay? Mas lalo niya akong pinagtutulakan palayo, mas lalo lang akong kakapit sa kaniya.Habang nagluluto ay nakarinig ako ng mga yabag na pababa ng hagdan. Napangiti ako nang maisip si Senyorito Darius.Nakangiti akong lumingon nang marinig kong pumasok siya sa kusina. "Gising ka na pala."Tiningnan niya lang ako gamit ng seryosong paningin. Kahit na parang kakainin niya ako nang buhay sa paraan ng pagtitig niya, masaya pa rin ako. Bum
Martha's POV"Tessa, huh? That's the name of that bitch? Don't tell me, hinayaan mo lang na agawan ka ng lalaki ng kung sinong babae?"Mariin akong umiling habang nagpapabalik-balik ng lakad sa harap ni Ate Dahlia. Nasa loob kami ng malawak niyang living room."Of course, not. I tried to stop Darius, and I even talked to that woman but she didn't listen, ate. Nagmakaawa ako sa kaniya.""My God!" Tumayo siya mula sa pagkakaupo at lumapit sa akin. Now she's standing right in front of me, disappointed. "You did what? I swear, if our parents were alive, malalagot ka sa kanila. We don't beg, Martha!""E, ano ngang magagawa ko? Ayaw kong mapunta sa kaniya si Darius kaya ko nagawa iyon!"Mabilis kong pinahid ang luhang biglang kumawala mula sa mata ko. Naiinis pa rin ako sa fact na hindi nagawang humindi ni Darius sa papa niya. He chose to obey him than me."Mahirap kalaban ang magulang, ate. Ayaw suwayin ni Darius si Tito Enrico.""Well then he doesn't have balls! How could he do this to yo
Tessa's POV"Alfred, are you sure this is the address?""Yes, Don Enrico. Kinumpirma mismo ng tauhan ko."Nagbuga ng malalim na hangin si Don Enrico bago bumaba ng sasakyan. Dali-dali naman akong sumunod sa likuran niya."You don't have to come, Tessa," sabi nito habang patuloy sa paglalakad."Sasama po ako," matigas kong tugon kaya nilingon ako nito.Sinalubong ko ang mga mata niya na parang sinasabi na sigurado na ako sa gusto kong gawin. Bumuntonghininga ito bago tumango.Pumasok na kami sa malaking building sa may Makati City at hinanap ang unit number na ibinigay ng utusan ng don.Matatanggap ko kung isa o dalawang araw, pero ang mahigit isang linggo na hindi pag-uwi ni Darius? Hindi ko kayang palagpasin na lang iyon.Halos mabaliw ako sa kakaisip na magkasama sila ng Martha na iyon buong linggong hindi siya umuwi.nAraw-araw, para akong pinaparusahan habang naghihintay sa kaniya. Ni hindi na nga ako makatulog nang maayos kasi iniisip ko kung ano ang ginagawa nila.Hindi na ako na
Tessa's POVMAY pagmamadali ngunit puno ng pag-ingat akong pumasok sa loob ng private office. Maagap ko rin isinara ang pinto sa takot na makagawa ako ng kahit kaunting ingay."Hello?" Malaki ang ngiti sa labi ko nang sagutin ang tawag. "Don Enrico?""Oh, hija! How's the two of you? Okay naman kayo? Is my son... behaving?""Naku! Mabuti naman po, Don Enrico! Behave rin si Senyorito Darius. Maraming salamat po sa inyo," excited kong sagot. Malaki rin ang ngiti sa mukha ko."That's good to hear.""Opo! Sa nakalipas ma dalawang araw, umuuwi na po si Senyorito Darius. At saka, kinakain na rin niya ang mga luto ko."Inipit ko ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng aking tainga. Paano, naging mabuting asawa talaga sa akin si Senyorito. Hindi na siya masungit, at nasisiguro kong umiiyak na naman ngayon ang Martha na iyon.Isa na lang talaga ang problema. At iyon ang dahilan kaya tinawagan ko si Don Enrico."Pero may hihingin po sana ako sa inyo. Sana po, matulungan n'yo ako.""Anything, hij
Tessa's POVSA sobrang panginginig ng kamay ko, hindi sinasadyang napihit ko ang pinto at nabuksan iyon. Nabaling sa akin ang paningin nilang lahat.Nakita ko kung paano natigilan si Darius nang makita ako. Napatayo ito mula sa pagkakaupo sa table niya.Kagat ang labi, pumasok ako sa loob at isa-isang tiningnan ang mukha ng mga kaibigan niyang puros kunsintidor."Tessa," tawag ni Darius sa pangalan ko."And what is this woman doing here?"Napatingin ako sa lalaking nagsalita. Lukot ang noo nito habang nakatingin sa akin. "Kayo ba iyon? Kayo ba iyong mga kasama ni Darius sa hacienda? Tama ba na nagsasalita kayo nang masama sa likuran ko? Asawa na ako ni Darius, kahit hindi niya ako mahal, wala kayong kaparatan magsalita nang kung ano-ano tungkol sa akin. Tao pa ba kayo? Bakit madali lang sa inyong mang-insulto ng iba? Porke ba mayaman kayo at katulong lang ako?"Nagkatinginan ang mga ito at hindi nakaimik. Hindi siguro nila inaasahan na narinig ko ang mga pang-iinsulto nila sa akin noo
Tessa's POVNAKAUPO ako sa gilid ng kama habang tulala sa kawalan. Hindi agad umalis ang mga kaibigan ni Darius, kinailangan kong maghanda ng pagkain para sa kanila kasi ginabi na sila rito. Nagluto pa tuloy ako.Nagmukha lang tuloy akong katulong dahil sa nangyari. Ewan ko kung pumunta sila para humingi ng tawad, o ipamukha talaga sa akin ang lugar ko. Na kahit kasal kami ni Darius, hindi mababago ang katotohanang katulong pa rin ako nito.Natigilan ako sa malalim na pag-iisip nang may kumatok sa pinto. Bumukas iyon at iniluwa si Senyorito Darius. Hindi agad ako nakaimik nang magtama ang mga mata namin. Hindi kasi ako sanay na pumupunta siya rito."Can we talk?"Umiwas ako. Pagagalitan niya ba ako sa inasal ko kanina sa mga kaibigan niya? O sa ginawa kong pag-amin?Kahit hindi pa ako sumasagot, lumapit na siya sa akin at tumayo sa harap ko."Kung pagagalitan mo ako, gawin mo na agad. Inaantok na ako."Narinig ko siyang bumuntonghininga. Lumuhod siya sa harap ko para magpantay ang muk