NARINIG ni Laura na nag-start na ang third quarter ng pinapanood nilang PBA game kaya itinigil niya ang pagtugon sa mga halik ni Lance. Bahagya niya itong itinulak mula sa pagkakadagan sa kanya sa sofa sa loob ng inookopa nilang silid sa Farm house. “Third quarter na,” bahagyang hinihingal na sabi ni Laura. Half time nang magsimula silang maglambingan. Nagpaawat naman si Lance. Umayos na sila ng upo. Maganda ang laban dahil game four na ng best of seven championship series. Dalawa sa pinakasikat at pinakamagaling na team sa PBA ang naglalaban, ang Energy Lightnings at Neon Spikers. Two – one ang standing in favor of the Lightnings. Pareho silang fan ni Lance ng Energy Lightnings dahil naglalaro doon sina Troy at JD. Na-focus ang screen kay Ram nang ilabas ito sa game para makapagpahinga. Pinalakpakan naman ito ng audience. Mainit na sinalubong din ito ng mga teammates nito at coaching staff. Dahil sa depensa at mga puntos na ginawa ni Ram,
KUMILOS sa ibabaw ng kama si Lance. Pinagapang niya ang kamay para damhin ang babaeng nakasama niya sa buong magdamag. Pero wala siyang nakapa. Nagmulat siya ng mga mata. Nang hindi niya makita sa paligid si Laura ay bumangon na siya at tinungo ang banyo. Matapos gumamit ng banyo ay muli niya itong hinanap. Natagpuan niya ito sa kusina at kasalukuyang nagluluto. “Hey, good morning,” nakangiting bati ng dalaga nang makita siya. “Good morning.” Niyakap niya ito at siniil ng halik sa mga labi. Gumanti ito ng halik pero kaagad ding tumigil. “Masusunog ang niluluto ko,” malambing na sabi nito. Kumalas si Laura at in-off ang stove. “Dapat hindi ka muna bumaba. I would love to see you first when I wake up.” “Nagugutom na kasi ako, eh. Pinagod at pinuyat mo naman kasi ako kagabi.” Tumatawang muli niyang niyakap si Laura. Anyong hahalikan niya ito pero napatigil siya dahil narinig nilang bumukas ang gate.
“Ma’am Laura, ano pong sasabihin ko kay Ms. Candice kapag tumawag o pumunta ulit siya dito?” tanong ni Argeline nang pumasok ito sa kanyang opisina. Napabuntong-hininga si Laura sa tanong. Ilang beses nang tumawag at nagpabalik-balik ang ex-wife ni Ram na si Candice para lang makausap siya dahil may importante daw itong sasabihin sa kanya. Sinubukan din nitong magpa-appointment sa kanya pero lagi ay tumatanggi siya. Para kasi sa kanya ay walang dahilan para mag-usap sila ng babae. Hindi siya interesado sa sasabihin nito. “Do you have her number?” Dahil tila walang balak ang babae na tumigil sa kakapunta at katatawag sa opisina niya, nagdesisyon na siyang kausapin ang babae. “Yes, Ma’am,” mabilis na tugon ni Argeline. Inilapag nito sa desk ang isang calling card. Ilang sandaling binasa muna ni Laura ang nakasulat sa card. Candice was a general surgeon. At sa St. Francis General Hospital na pag-aari ng pamilya ni Lance nagtatr
NAGULAT si Laura nang makita ang pagdating ni Lance sa badminton center ng Friend Jungle habang kausap si Jio sa cell phone. Ang alam niya ay bukas pa ang balik ni Lance mula sa Olongapo. Halos katatapos lang niyang maglaro ng badminton doubles kasama si Daena at ang magkapatid na Kate at Kirsten. Nagpaiwan siya sa concrete bleacher nang magpatungo ang tatlo sa kiosk dahil kausap pa niya si Jio. Sinundan ni Laura ng tingin si Lance. Naglakad ito patungo sa kiosk pero nang batiin ito ng grupo ng naggagandahang mga babae na mga mukhang mga modelo ay huminto ito sa paglalakad at nakipag-usap. Naningkit ang mga mata ni Laura nang makitang hinaplos ito sa braso ng isang chinitang babae. Nginitian naman ni Lance ang babae. Hindi niya inaasahan ang pagsalakay ng selos sa kanyang dibdib. Tinapos niya ang tawag at tinawagan si Lance. Kaagad naman nitong sinagot ang tawag. “Hey, babe. Where are you?” tanong nito. “I see that you’re surrounde
“SAAN TAYO?” tanong kay Laura ni Lance habang nakasakay sila sa kotse nito. Kalalabas lang ng kotse ni Lance sa maluwang na parking lot ng Friend Jungle. Matapos magbihis at makuha ang bag niya sa locker room ay lumabas na sila sa Badminton Center. Hindi na sila nakapag-alam kina Kate dahil wala na sa kiosk ang mga ito nang magpunta sila roon. “Sa mall. Treat mo ako sa eat all you can restaurant. Grabe ka kadarating mo lang pero pinagod at ginutom mo ako kaagad.” “Sino kayang humirit ng second round?” “I missed you, too. Okay?” Tumatawang inilapit ni Lance ang mukha sa kanya at mabilis na hinagkan siya sa pisngi. “I missed you more, babe. Sure, kakain at pupunta tayo kahit saan mo pa gusto.” “Dapat lang. Kumusta nga pala ang trabaho mo sa Olongapo? Babalik ka rin ba doon kaagad?” tanong ni Laura. “Yes. Pero sa isang araw pa at uuwi rin ako kaagad.” “Okay.” “Hindi mo pa ikinukuwento sa
NAPANGITI si Lance nang makitang tumatawag si Laura sa kanyang cell phone. Kaagad niyang sinagot ang tawag. “Hi, babe. Nakabalik na kayo sa office?” “Yup. Busy ka ba? Baba ka naman dito. Let’s go somewhere to eat. Nagugutom ako,” tugon ni Laura. “All right. Just a sec,” tugon ni Lance at tinapos na ang tawag. Parehong silang busy ni Laura pero nagagawan nila ng paraan na magkita kahit sandali lang kung pareho silang nasa opisina. Matapos magbilin sa sekretarya n’ya ay bumaba na sa ground floor si Lance. Nasa reception na siya nang makasalubong niya si Jay-Jay. “Bro!” bati ni Jay-Jay. Nakangiting naghi-five sila at tapikan ng balikat. “Hinatid ko lang si Kate. Pupunta ka ba sa bar mamaya?” tanong ni Jay-Jay. “Hmm… I’m not sure.” Ilang araw na ang nakalilipas nang magkayayaan sa group chat nila na mag-boys night out sila mamayang gabi. Nasa Pilipinas na naman kasi ang Kuya James niya. Marami na ang n
“MABUTI naman at naisipan mong pumunta dito,” sarcastic na sabi ni Tamara kay Laura. “Grabe ka. Naging busy lang naman ako kaya hindi na ako nakakapunta dito.” “I don’t believe you. Kung hindi pa siguro nag-boy’s night out sina Ethan hindi ka pupunta dito. Laging si Lance na lang ang gusto mong kasama.” Tumatawang niyakap ni Laura si Tamara. “I miss you.” Her best friend was so cute kapag nagtatampo. Ang ganda nitong buntis. Halatang hindi naii-stress at alangang-alaga ni Ethan. Malaki na ang tiyan nito at konting panahon na lang ay lalabas na ang inaanak niya. “I miss you, too.” Nagkuwentuhan sila ng kung ano-ano habang kumakain. “Nakausap ko nga pala si Johannes kahapon,” naalalang sabihin ni Tamara. “Really? How is he?” “Well, he’s doing good. He just finished a new novel. He tried to call you daw pero hindi mo sinasagot.” “Hmm… for sure busy ako kapag tumatawag siya.” “
MATAMLAY at halos wala pang tulog na lumabas ng hospital suite si Laura para tumawag at magbilin kay Jio at sa assistant niya. Hindi siya makakapunta sa opisina dahil wala siyang balak na iwanan si Lance hangga’t hindi ito nagigising. Gusto rin niya na kapag nagising si Lance ay naroon siya. Ilang oras na lamang at bente kuwatro oras ng natutulog si Lance kaya hindi nila maiwasang mag-alala. Ang paliwanag ng doctor ay marahil ay tumama rin ang ulo ni Lance sa car seat headrest o kung saang parte ng kotse nito at nagkaroon ito ng head injury. Nangyayari talaga na matagal magising ang pasyente na nagkaroon ng head injury. Magdamag na binantayan ni Laura si Lance kasama sina Gian at Kirsten. Mabuti na lamang at kahit hindi niya hiniling ay nagkusa na si Tamara na dalhan siya ng mga damit kanina. Naiwan ang mga magulang ni Lance sa silid at mga kapatid nito at ilang kaibigan nang lumabas siya. Tinungo ni Laura ang deserted reception area at tinawagan na si