Share

Chapter 45

KUMILOS sa ibabaw ng kama si Lance. Pinagapang niya ang kamay para damhin ang babaeng nakasama niya sa buong magdamag. Pero wala siyang nakapa. Nagmulat siya ng mga mata. Nang hindi niya makita sa paligid si Laura ay bumangon na siya at tinungo ang banyo. Matapos gumamit ng banyo ay muli niya itong hinanap. Natagpuan niya ito sa kusina at kasalukuyang nagluluto.

“Hey, good morning,” nakangiting bati ng dalaga nang makita siya.

“Good morning.” Niyakap niya ito at siniil ng halik sa mga labi. Gumanti ito ng halik pero kaagad ding tumigil.

“Masusunog ang niluluto ko,” malambing na sabi nito.

Kumalas si Laura at in-off ang stove.

“Dapat hindi ka muna bumaba. I would love to see you first when I wake up.”

“Nagugutom na kasi ako, eh. Pinagod at pinuyat mo naman kasi ako kagabi.”

Tumatawang muli niyang niyakap si Laura. Anyong hahalikan niya ito pero napatigil siya dahil narinig nilang bumukas ang gate.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status