Nasa Naphintash Mall si Aliyah at katatapos lang bayaran ang lahat ng pinamili niya kaya nakahinga siya ng maluwag. Sobrang taas ng pila sa counter kaya sumakit ang mga paa niya sa kakatayo. Nagpalinga-linga siya para maghanap ng malapit na coffee shop, para doon na lang hintayin si Darlene ngunit iba ang bumungad sa paningin niya.Kaya napangiwi siya, "Kapag minamalas ka nga naman. Kung sino pa ang ayaw mong makita. Ito pa ang laging nagpapakita." Na bulong na lang niya sa kawalan. Naglakad siya na parang hindi nakita ang babae. Ngunit ito ang lumapit sa kanya at binangga nito ang balikat niya."Ow! You… Sorry! Well, ang liit talaga ng mundo para sa ating dalawa. Sa wakas nagtagpo ulit ang landas natin! Wala ka yatang kasama ngayon?" Sarcastic na umpisa nito. Hindi niya ito pinansin at nilagpasan niya lang ito."Hoy! Bruha ka! Kinakausap pa kita. " Hinablot nito ang braso niya."What the heck? Anong kailangan mo sa akin? Sino ka ba sa akala mo? Close ba tayo?" Nakataas kilay na tan
Nasa mini bar siya ng Mansion nila habang umiinom ng alak. Hindi siya pinayagan ng mommy niya na mag-lakwatsa dahil sa nangyaring eskandalo sa mall, "Bwisit na babaeng higad na iyon! Nang dahil sa kanya easy na lang kay Reed na saktan ako." Binato niya ang hawak na kupita sa wall."Hindi ako papayag na mawala ka sa akin ng tuluyan, Reed Sebastian! Akin ka lang! Akin lang!" Winalis ng kamay niya ang mamahaling flower vase sa center table kaya bumagsak ito sa sahig at nag-talsikan ang mga bubog at naglikha ng ingay kaya napa-sugod ang mommy niya."Avery, what's wrong with you? Nababaliw ka na ba? Ang mahal ng bili ko sa antique na vase na iyan tapos babasagin mo lang? Ano ba ang problema mo!?" Nagpupuyos sa galit ang mommy niya."Wala akong pakialam kung mahal ang vase na yan, dahil hindi mababayaran ang sakit na nararamdaman ko ngayon sa pambabalewala ni Reed sa akin. Ang sakit mommy!" Humagulgol na siya at umupo sa sahig. "What the hell Avery? You have so many men in your life. Why
"Dalhin n'yo siya sa bodega. Susunod na ako ngayon?" Utos nito habang humihitit ng sigarilyo sa may pool area ng bahay niya."Yes, Boss! On the way na kami. At tulog siya ngayon dahil nakainom yata ang gaga!" Sagot ng lalaki sa kabilang linya."Good. Don't forget to cover her eyes well, so she won't recognize me and cover her mouth so she can't make a noise."Napatingin siya sa malinaw at malinis na tubig sa swimming pool. "Makakaganti ka na din sa wakas, Baby! Makakatikim ang babaeng yon sa latigo ni Hudas!" Wika nito bago tinapon sa astray ang sigarilyo niya. Tumayo siya at naglakad palabas ng pool area. Nagngingitngit ang kalooban niya dahil sa sinapit ni Aliyah sa babaeng pinadukot niya. Hindi siya makakapayag na saktan ito ng kahit na sino dahil makakatikim talaga ang sino man ng latigo ni Hudas.Wala siyang pinahihintulutan na manakit sa babaeng lihim niyang minahal sa mahabang panahon. At sa dinami-rami ng magiging karibal niya, ang mortal pa niyang kaaway. Ang lalaking malaki
Nang nasa Penthouse sila ni Aliyah, ang Mansion ni Reed ay sinalakay ng isang mamamatay tao. Hindi siya makontak ng mga tauhan niya noon dahil naka-off ang phone niya. Kaya tinawag niya ang head guard sa Mansion niya ng mabalitaan niya ang nangyari. "S-Sir, pasensya na po kayo sa mga nangyari na pagpatay sa tatlong tauhan natin na nakabantay sa Mansion n'yo. Mabilis po ang mga pangyayari at napuruhan talaga ang tatlong nakabantay sa madilim na parte ng Mansion. Ice pick po ang ginamit sa pananaksak." Paliwanag nito habang nakayuko. "Nakilala n'yo ba kung sino ang pumaslang sa kanila?" Malamig na tanong niya."Malinis magtrabaho ang tarantado, Boss! Walang kahit anong bakas at ebidensya na naiwan." Sagot nito habang hindi pa rin inaangat ang mukha nito.Alam niyang takot ito sa nangyaring kapabayaan nila."Sige, magdagdag ka ng tauhan para ipalit sa mga pumanaw. And make sure na mabigyan ng sapat na halaga ang pamilya na naiwan nila. Makakaalis ka na." Wika niya na seryoso ang mukha.
Nasa kitchen sina Aliyah at Darlene habang kumakain ng lunch nang biglang nakarinig sila ng sigaw ni Manang Korina, "Ma'am Darlene! Ma'am Aliyah…. Diyos ko!" Tumatakbo ang matanda papalapit sa dining table na kinaroroonan nila.Nagkatinginan ang dalawa at kinabahan, "Manang, bakit po?" Tanong agad ni Aliyah na tumayo at sinalubong si Manang Korina."Si ano po… Si Sir Reed, nasa hospital. Na aksidente raw sabi ng tumawag sa telepono." Wika nito habang hingal na hingal pa at nanginginig ang labi dahil sa kaba at takot. Namutla si Aliyah sa narinig, bumilis ang tibok ng puso niya, "Huh?! Diyos ko! Saang hospital, Manang?" Napahawak siya sa matanda dahil nanghihina ang mga tuhod niya."Ate, Si Kuya .. Kaya siguro hindi niya tayo sinasagot at hindi natin siya makontak dahil may masamang nangyari na sa kanya." Napaiyak si Darlene dahil sa pag-aalala sa kuya niya."Ang sabi po ng tumawag na nagdala kay Sir Reed sa hospital, na bangga daw ng truck ang kotse niya. Nasa Delgado Hospital po, M
Nagising si Aliyah dahil naramdaman niyang may humahalik sa leeg niya. Dahan-dahan niyang minulat ang kanyang mga mata.Ang pagod na mukha ng asawa niya ang bumungad sa kanya, "B-Baby..." Paos ang boses at namumungay pa ang mga mata niya, "Anong oras na? Nakatulugan na pala namin ni Darlene ang paghihintay sayo." Dahan-dahang bumangon siya sa kama para hindi magising si Darlene sa tabi niya.Hinaplos nito ang pisngi niya at hinalikan sa noo. Inalalayan siya nito na makatayo at niyakap siya ng mahigpit ng magpantay na sila, "It's 3am. I'm sorry, Baby." Bulong nito sa puno ng tainga niya.Nakatayo sila pareho habang yakap-yakap ang isa't- isa, "Hinintay ka namin ni Darlene at hindi ko namalayan nakatulog na pala ako." Inihilig niya ang ulo sa dibdib nito. "Did you eat dinner?" Bulong nito sa tainga niya.Umiling siya. "Hindi kami makakain ni Darlene dahil sa kakaisip sayo." Sagot niya at inilayo niya ang katawan rito. At tiningnan niya ito sa mga mata, "Bakit ngayon ka lang nakauwi?
Tanghali na nang magising si Aliyah at wala na si Reed sa tabi niya. Wala pa sana siyang balak bumangon ngunit nakarinig siya ng malalakas na katok sa pintuan, tamad siyang bumangon at tila ang bigat ng pakiramdam niya, "Who's outside?" Tanong niya muna. Kapag si Reed, hindi niya talaga ito pagbubuksan.Wala pa siya sa mood na imikan ito, dahil kumukulo ang dugo niya rito. Ayaw nitong sabihin ang mga ganap sa buhay nila na hindi niya maintindihan. Kung matigas ito, makikipag-matigasan din siya."Bahala siya sa buhay niya. Uuwi ako sa condo ko." Pagmamaktol na bulong niya."Ate, ako 'to! Si Darlene. Buksan mo." Sagot nito na tila irritado, kaya binuksan niya ang pintuan at nagtama ang kanilang mga mata."Namaga ang mga mata mo?" Sabay-sabay na sambit nila. Saka sila sabay rin na nagkatawanan. "Si Kuya kasi, nakakainis talaga. Hindi man lang nag-paliwanag kung ano ang nangyari sa kanya kahapon." Padabog na pumasok si Darlene sa loob at pasalampak na umupo sa kama."Wala nga din siyang
Hindi naka-sunod sa Naphintash Mall si Reed, dahil tinawagan siya ng isang informer niya, hawak na daw nila ang taong nagpadala sa kanya ng kabaong noong birthday niya. Mabilis siyang nag- u turn at tinungo ang hideout na kinaroroonan ng mga tauhan niya. Ang hideout niya kung saan dinadala ang mga taong nagkasala sa kanya. At doon niya mismo tinutumba. Siya mismo ang pumapatay.Madilim ang mga mata niya habang binabagtas ang eskinita na tama lang na daanan ng sasakyan niya.Malayo pa lang siya ay nakita na niya ang itim na gate at may nakabantay na apat na lalaki na puro naka-itim ang damit. Napabuga siya ng hangin, iniiwasan niyang mapunta dito dahil ayaw niyang maalala ang pangyayari na kailanman hindi na niya maibabalik pa. At kung maulit ang nangyari, ganun pa rin ang gagawin niya. At wala siyang katiting na pinagsisihan sa buhay niya. Nag-flashback sa ala-ala niya ang nakaraan. Five years ago, pinadukot niya ang taong dahilan ng pagdurusa ng daddy niya. Ang kabit ng mommy niya.