Pagmulat ng mga mata ni Arielle ay ang puting kisame agad ang una niyang nakita. Hindi na niya kailangan pang magtanong kung nasaan siya dahil agad naman niyang naamoy ang gamot sa paligid ng kinaroroonan niya. Napansin din niya ang oxygen na nakakabit sa kanyang bibig. Maingat niyang tinanggal ang kung anu-anong aparatus na nakakabit sa kanyang katawan bago naupo sa hospital bed.Sino ang nagdala sa kanya sa hospital? Imposibleng sina Tyron at Claire ang nagdala sa kanya sa hospital dahil natitiyak niyang imbes dalhin siya sa hospital ay ililibing na lamang siya nila ng buhay. Nasa ganoon siyang posisyon nang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang doktor na walang iba kundi ang kaibigan niyang si Kim."Oh my God! Sa wakas ay nagising ka na rin, Arielle!" Patakbong lumapit sa kanya si Kim at niyakap siya ng mahigpit. "Alam mo na labis akong nag-alala sa'yo? Apat na buwan kang comatose at hindi namin alam kung kailan ka magigising."Bigla niyang naitulak ang kaibigan niya nang marini
"Arielle is awake," mahina ang boses na wika ni Claire habang nakatitig sa kanya ang nanlalaki nitong mga mata samantalang si Tyron naman ay nakatitig lamang sa kanya at hindi nagsasalita. Parehong namumutla ang mga mukha nila na parang nahuli sila sa akto na may ginagawang kasalanan."Yes. She is finally awake," sagot ni Kim kay Claire bago kumunot ang noo ng kaibigan niya. "Bakit parang hindi kayo natutuwa na makitang nagkamalay na ang kaibigan ko? How about you, Tyron! Hindi ka ba masaya na gising na ang asawa mo? Alam mo ba na nagkaroon siya ng amnesia? Hindi niya ako maalala so I bet mas lalong hindi ka niya maalala."Saka lamang tila nakahinga ng maluwag ang dalawa nang marinig ang sinabi ni Kim. Kahit late reaction na ay masayang ngumiti si Tyron at Claire pagkatapos ay sabay siyang nilapitan nilang dalawa para yakapin."I'm sorry, Arielle. Nabigla lang kami nang makitang gising ka na pero masaya ako," ani Claire na siyang naunang yumakap sa kanya. Nang pakawalan siya nito ay s
After three days ay pinayagan na si Arielle na ma-discharge sa hospital. Sinamahan siya ni Kim pauwi sa bahay niya dahil day off nito nang araw na iyon. Ngunit nang papasok na si Kim sa kotse ni Tyron which is her car, kasi lahat naman ng mga sasakyan na ginagamit ni Tyron ay siya ang bumili. Papasok na sana si Kim sa kotse nang bigla itong pinigilan ni Tyron."At bakit naman hindi ako puwedeng sumama sa bahay niya Tyron? Ito lang ang araw na available ako dahil dalawang Linggo akong mananatili sa malayong probinsiya para sa medical mission ng hospital namin. Pagbalik ko naman ay kasama ako sa limang doktor na ipapadala sa Amerika para sa isamg close door training. So ngayong araw lamang ang time na makakasama ko siya," ani Kim, halatadong inis ito kay Tyron."Don't be upset, Dr. Kim. Dadalhin ko lamang siya sa isang lugar na tanging kaming dalawa lamang ang nakakaalam. Bakasakaling may maalala siya kapag dinala ko siya sa lugar na iyon. And besides, hindi ka naman forever na mawawala
Pagdating nina Arielle at Tyron sa bahay ay naabutan nila ang ina at kapatid nitong nakaupo sa sofa at nanunuod ng movie. Agad na napasimangot ang dalawa nang makita siya."Hi, Mom. Lucy. Arielle is back," kausap ni Tyron sa ina at kapatid nito pagkatapos ay binalingan naman siya. "Arielle, they are my Mom, Cynthia and my younger sister, Lucy.""Mabuti naman at gumaling ka na, Arielle. Ilang buwan din na kami ni Lucy ang naglilinis ng buong bahay. Pero ngayong nandito ka na ay makakapagpahinga na kami," nakataas ang kilay na kausap sa kanya ni Cynthia, ang ina ni Tyron.Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang kanyang sarili. Gusto kasing tumaas ng kanyang dugo ngayong kaharap niya ang dalawang babaeng nagpahirap din sa kanya."Bakit po kayo ang naglilinis ng bahay? Wala ba tayong maid? Ang laki ng bahay ko at may-ari pa ako ng malaking kompanya tapos wala akong maid sa bahay ko?" tanong niya kay Cynthia. Nais niyang ipamukha sa ina ni Tyron na siya ang may-ari ng bahay na iyon. A
Pumayag si Tyron sa kagustuhan ni Arielle na mag-iba ng silid. Sa maliit na guestroom siya natulog dahil ang dating silid niya noong wala pa siyang asawa ay si Lucy na ang umuukopa at ang malaking guestroom ng bahay niya ay si Cynthia naman ang natutulog. Kahit na maliit ang silid niya ngayon ay mas gusto niyang doon na lamang matulog kaysa katabi sa higaan ang isang demonyo.Nang gabing iyon ay hindi agad siya nakatulog. Umupo siya sa harapan ng vanity mirror at tiningnan ang peklat sa kanyang mukha. Ikinuyom niya ang kanyang mga kamao. Kung ano ang ginawa ni Claire sa kanya ay iyon din ang gagawin niya sa mukha nito. Umangat ang kamay niya at hinaplos ang peklat sa kanyang pisngi. Habang nakikita niya ang peklat na iyon ay palaging magniningas ang apoy ng pagkamuhi sa kanyang dibdib.Nagpasya siyamg maligo para mapreskuhan ang kanyang buong katawan. Apat na buwan siyang comatose kaya apat na buwan din siyang hindi naligo. Halos dalawang oras din siyang nanatili sa loob ng banyo ba
Pagkaalis nina Tyron at Claire sa xbn niya ay nagmamadaling umakyat si Arielle papunta sa kuwarto ng lalaki. Sinubukan niyang buksan ang pintuan ng silid ngunit natuklasan niyang naka-locked pala iyon. Natitiyak niyang sa kuwarto nito nakatago ang mga hinahanap niyang papeles. Gusto niyang makita kung ano ang pinanghahawakan ni Tyron kaya nakumbinsi nito ang board na ito ang gawing CEO ng kompanya niya. "Anong ginagawa mo sa harapan ng silid ni Tyron, Arielle?" Nagulat siya nang marinig niya ang boses na iyon ni Lucy ngunit mabuti na lamang nakatalikod siya sa babae kaya hindi nito nakita ang pagkagulat sa mukha niya. Lihim siyang humugot ng malalim na hininga bago malungkot na humarap sa kapatid ni Tyron."Gusto kong pumasok sa room namin dahil baka sakaling may maalala ako kapag nasa loob ako ng kuwarto namin. Pero naka-locked pala ang pintuan kaya hindi ako makapasok," sabi niya kay Lucy.Napaismid si Lucy sa kanya. "Kapag umaalis si Tyron ay inila-locked niya ang pintuan ng sil
Pagkatapos pakalmahin ang kanyang sarili ay nagpasya si Arielle na magtungo na sa mall at mamili ng mga gamit niya. Hindi siya dapat magpaapekto sa mga ganoong klaseng salita dahil pinili niya na huwag munang ipabalik ang dati niyang mukha para palagi niyang maalala na dapat ay hindi siya mag-give up at ipagpatuloy niya ang plano niyang paghihiganti. Malapit na siya sa mall na pupuntahan niya nang bigla niyang naalala ang kanyang Uncle Edgar. Kung ang lahat ng mga nangyari na kasama niya si Gun ay hindi pala totoo, ibig sabihin ay buhay pa ang Uncle Edgar niya. Dahil hindi naman ito namatay bago siya na-comatose.Sa halip na dumiretso siya sa mall ay nag-u-turn siya at nagdrive papunta sa kompanya niya. Ngunit hindi siya maaaring lumapit sa building dahil baka may makakilala sa kanya na mga staff niya lalo na sina Tyron at Claire. Nag-park siya ilang metro ang layo mula sa building ng kompanya niya at sinigurado niya na hindi mapapansin ng dalawa ang kanyang kotse Bumaba siya sa ko
Pagkatapos makausap ni Arielle ang kanyang Uncle Edgar ay itinuloy na niya ang pagtungo sa mall para mamili ng mga damit at iba pang personal niyang gamit. Nangako sa kanya ang Uncle Edgar niya ito ang magiging mata niya sa kompanya. Susubukan daw nitong pumuslit sa loob ng opisina ni Tyron para hanapin kung doon ba nito itinago ng mga papeles na tinutukoy ng kanyang Uncle Edgar. Pagdating sa mall ay una niyang pinuntahan ang mga bilihan ng cellphone. Bumili siya ng mahal at latest na cellphone. Memoryado naman niya ang cellphone number ng kanyang Uncle Edgar na ibinigay nito sa kanya kaya hindi na niya kailangan pang i-phonebook pa iyon. Baka kasi kapag nalaman ni Tyron na may cellphone na siya ay palihim nitong buksan ang cellphone niya at i-check.Pagkatapos niyang bumili ng cellphone ay nagtungo naman siya sa mga nag-iinstall ng hidden camera. Pinalagyan niya ng hidden camera ang cellphone niya para kapag may ibang tao na nagbukas sa cellphone niya ay makikita niya kung sino ito.