Share

Chapter 2

"Are you okay, Miss Rivera? Do you feel any pain maliban sa likuran mo? How about dizziness? Headaches?" sunod-sunod na tanong ni Nurse Iryn.

"Wala na naman po. 'Yun lang po talaga tska 'yung ilang gasgas na nakuha ko kanina," I answered.

"Alright. Stay here for a while and take a rest, okay? H'wag ka rin masyadong magligalig dahil baka lumala ang bali mo, understood?" paalala ni Nurse Iryn bago bumalik sa table niya. Napalingon naman ako sa estudyanteng nakatungo habang nakaupo sa upuan sa tabi ko. 

"Miss?" bigla naman itong nag-angat ng tingin nang marinig akong magsalita. "Ah... Hello, salamat sa pagdadala sa'kin dito. Sorry rin dahil sa nangyari kanina, sa sobrang pagmamadali ko hindi kita napansin." I shyly said while scratching the back of my neck with my free hand.

"Ah... No, I should be the one to apologize. Sa sobrang tutok ko kasi sa papers na hawak ko hindi kita napansin. I'm really sorry for what happened earlier,"  she apologized.

"It's fine. Thank you for bringing me here," I replied, wearing a genuine smile. "Don't worry about me, you can go back to your classroom. Baka hinahanap ka na ng teacher mo," I added.

At first, she didn't want to go back and insisted on staying here to take care of me, but I told her that it was fine. Kaya wala na rin siyang nagawa kundi ang bumalik. The injury is not that serious, although my back hurts a little whenever I move.

I stayed in the clinic for about half an hour bago napagdesisyunang bumalik sa classroom. I can't miss the class dahil medyo madami kaming ginagawa ngayon.

Nagpaalam na rin ako sa nurse na babalik na ako dahil hindi rin naman ako naka-excuse sa susunod na subject namin. Before I left, she gave me a pain reliever just in case raw na may sumakit sa'kin.

________

Nakahinga naman ako nang maluwag nang makarating sa classroom nang hindi nalalaglag sa hagdan. Nagdahan-dahan na 'ko sa pag-akyat dahil sa takot na may makabangga at malaglag ulit. Nang makapasok ay dumiretso na kaagad ako sa upuan ko dahil dumating na rin ang teacher namin for the last subject.

She just informed us that we're having a 2 days outdoor activity next week. She also distributed a paper. I think this is a letter of permission. Binasa ko naman ang nakalagay sa papel nang matanggap ko ang akin.

Mukha namang magaganda ang pupuntahan. Napatiklop na lang ako sa papel nang makita kung magkaano ang ibabayad para sa activity na 'to. Jusko lord, pambayad ko lang 'to ng renta sa bahay, e.

I decided not to go even if I want to. I think, it's also a waste of money. Hindi rin naman ako pwedeng mag-leave ng tatlong araw sa part-time job ko, masyadong mahigpit ang manager.

"That's all. Kapag napapirmahan na ng parents niyo, ibigay niyo sa'kin kasama ang payment. Please, don't fake your parent's signatures. We still need your parent's approval kahit na malalaki na kayo. I'll collect it tomorrow, okay?" paalala ng guro bago dumiretso palabas.

Sunod-sunod na ring nagsilabasan ang iba kong kaklase habang ang iba naman ay naiwan para linisin ang kwarto. Lumabas na rin ako nang matapos sa pag-aayos ng gamit 'tska dumiretso sa locker para iwan do'n ang iba kong gamit.

_________

"Good afternoon po," bati ko kina ate Tina at kuya Ros nang makapasok sa loob ng cafè. Sila ang kasabay at kasama ko sa night shift.

"Good afternoon din," bati pabalik ni ate Tina habang si kuya Ros naman ay sinuklian lang ako ng isang ngiti. "Aga mo yata ngayon, Zem? Maaga kayo pinalabas?" tanong pa ni ate.

"Opo, akala ko nga po late ulit kami palalabasin e. Palit lang po 'ko ng damit, ate," paalam ko bago pumunta sa locker room ng mga babae. Naabutan ko naman doon si Sara na katatapos pang magpalit ng uniform.

"Oh, napaaga yata ang pasok mo ngayon Zem? Mukhang ligtas ka ngayon sa sermon ni Madam," ani ni Sara.

"Ayos nga po 'yun para kahit ngayon lang hindi masermunan ni Ma'am," sagot ko habang nagpapalit.

"Ikaw talaga! O siya, mauna na 'ko sa labas. Absent si Kiro ngayon dahil daw may sakit. Mukhang madami rin tayong customer ngayon kaya magiging busy tayo," sambit ni Sara. Sinabi ko namang susunod na lang ako at nagmadaling magpalit ng uniform para sa trabaho.

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na kaagad ako at tumulong sa pagkuha ng order ng mga customer. Mukha ngang magiging busy kami ngayong gabi.

"Ahm.. miss?" pagtawag sa'kin ng customer na nasa tabi ko. Abala kasi ako sa paglalagay ng pagkain ng customer na nasa tabi rin nila.

"Yes, sir? Do you need anything?" I asked.

"Can I have a glass of water? With ice, please." I immediately went to the counter and ask for a glass of water. Pagkatapos kong maibigay sa customer ang tubig ay tinawag naman ako ni Sara para imisin at linisin ang table ng kakaalis lang na customer.

Abala ako sa pag-lilinis ng lamesa nang tawagin ulit ako ni Sara para linisin pa ang ibang table ng kaaalis lang na mga customer. Jusko, ang dami ngang customer ngayon. Karamihan sa kanila ay mga college students na gumagawa ng mga research papers.

Pagod akong umupo sa gilid nang matapos sa paglilinis ng mga lamesa. Wala na ring masyadong customer ngayon dahil gabing-gabi na at malapit na rin kaming magsara. Hindi naman kasi 24/7 bukas ang café.

"UNA NA KAMI, ZEM. Ingat ka pauwi," sambit nila ate Tina bago sumakay sa tricycle. Nakangiti naman akong kumaway sa umaandar na tricycle.

Nang hindi na sila matanawan ay nagsimula na 'kong maglakad pauwi, hindi naman gano'n kalayo ang pinagtatrabahuhan ko sa apartment namin. Isang kanto lang ay nasa apartment ka na.

Napatingin ako sa relo ko at nakitang malapit na mag-one thirty. Nakauwi na kaya si Alice? Nagtext kasi siya sa'kin kanina na male-late daw siya ng uwi, magba-bar daw sila kasama ang ibang kaklase niya dahil naging successful ang thesis defense nila kanina. Mataas din daw ang binigay na grade sa kanila.

Syempre, I congratulated her. She deserved it. She worked really hard and went through sleepless nights just to finish her thesis.

Hindi ko naman namalayan na nasa tapat na 'ko ng apartment dahil sa sobrang pag-iisip. Napansin kong may kaunting ilaw na nanggagaling sa loob. Hindi kaya nakauwi na si Alice? Akala ko ba male-late siya ng uwi?

Inilabas ko ang sarili kong susi tska dahan-dahang binuksan ang pinto. Dahan-dahan din akong pumasok dahil baka magising si Alice, sa couch pa naman no'n ugaling matulog kapag nalalasing. Nang makapasok ako ay dahan-dahan ko ding inalis ang sapatos ko tska ito inilagay sa shoe rack bago dumiretso papasok na sa loob ng apartment.

Napatigil ako nang makarating sa sala at gano'n na lang din ang gulat ko nang makita si Alice at Fiore na may ginagawang kababalaghan sa sala. Oh my god. They're doing it in our living room, fully naked while moaning each other's name.

Sa sobrang gulat ay hindi ko namalayang nabitawan ko na pala ang suot kong backpack dahilan para makagawa ito ng medyo malakas na ingay. Napatigil naman ang dalawa sa kababalaghang ginagawa nang marinig 'yon, nagkatinginan pa muna sila bago dahan-dahang lumingon sa direksyon ko.

"O-Oh my gosh. I'm sorry, I didn't mean to disturb you two. Don't worry about me, y-you may continue... I-I'm really sorry... Oh my gosh..." nagpapanic na sambit ko nang makabawi sa pagkagulat. Dali-dali ko namang pinulot ang bag ko bago nagmamadaling isinuot ulit ang sapatos 'tska dumiretso sa pinto palabas ng apartment.

"W-Wait-! Zemi--!" dinig ko pang sigaw ni Alice sa pangalan ko.

"Don't worry about me! I'll stay somewhere else for the meantime. Text me if you guys are done, okay!?" I yelled back bago nagtatakbo palayo sa apartment.

Hingal na hingal naman akong nakarating sa isang 24/7 convenience store. I'll stay here for the meantime habang naghihintay ng text ni Alice. Baka mamaya pa sila matapos. Hindi rin naman ako pwedeng mag-stay na lang sa kwarto ko dahil baka hindi ko makayanan ang kababalaghang ginagawa nila, manipis na kahoy lang kasi ang pagitan ng sala at ng kwarto namin si Alice kaya rinig na rinig mo talaga ang mga boses nila.

Hingal na hingal pa rin akong pumasok sa convenience store at umupo sa isa sa mga upuan doon. Inilapag ko ang gamit ko sa katabing upuan bago ulit tumayo para maghanap ng pwedeng kainin habang naghihintay.

Nagbabayad na 'ko sa cashier nang biglang may pumasok na lalaki, mukha itong may hinahanap. Nawirduhan pa 'ko sa suot at hawak nito. Nakasuot kasi siya ng parang lumang cloak at may hawak na espada. Cosplayer yata si kuya. Umalis din naman siya kaagad nang mapagtantong wala dito ang hinahanap niya.

I spent about half an hour in the convenience store before I received a message from Alice, telling me to go back. Inimis ko naman kaagad ang mga gamit ko pati na rin ang pinagkainan ko bago lumabas sa convenience store. Habang naglalakad pauwi ay pinapapak ko ang gummy cola na nabili ko kanina.

Napadaan naman ako sa under construction na park malapit sa apartment. Nilalagyan yata nila ng harang 'yung daan papunta sa maliit na gubat, delikado raw kasi do'n.

Palampas na sana ako ng park nang matanawan ko 'yung lalaki kanina sa convenience store. Iika-ika itong naglalakad papunta sa may harang papuntang gubat. Eh, syempre bilang concerned citizen, tinawag ko siya para pigilan.

"Hala! Kuya, bawal hong pumasok diyan! Delikado!" sigaw ko sa lalaki. Lumingon naman ito saglit pero ibinalik din kaagad ang tingin sa harap 'tska nagsimulang maglakad. Aba'y 'di ko naman alam na matigas pala ang ulo nitong si kuya.

Sinundan ko naman siya para pigilan ulit pero ang bilis niyang maglakad kaya hindi ko siya masabayan. Hindi ko namalayang nakapasok na pala ako sa loob ng gubat dahil sa sobrang abala ako sa pagsunod sa lalaki. Napahinto naman ako sa pagtakbo nang biglang tumunog ang cellphone ko.

Nakita ko naman ang text ni Alice, tinatanong kung nasaan na raw ba ako. Nagreply naman ako at sinabing pauwi na rin ako. Itinago ko na sa bulsa ang cellphone 'tska hinanap ang lalaki pero hindi ko na ito makita.

Hala! Nasaan na si Kuya? Palingon-lingon ako habang naglalakad papunta sa direksyon kung saan ko huling nakita 'yung lalaki pero wala na siya, hindi ko na siya makita. Babalik na sana ako nang mapagtanto kong hindi ko alam kung nasaang parte na 'ko ng gubat.

Napalundag ako sa gulat nang biglang may umilaw na kung ano sa puno na malapit sa akin. Lumapit ako sa direksyong iyon at nakita ang lalaki sa harap nito. Lumingon-lingon ito sa paligid kaya nagtago kaagad ako isang puno na nasa tabi ko. Sumilip ako mula sa puno at nakita ang lalaki na pumasok sa loob ng ilaw na 'yon.

Nagugulat naman akong lumapit sa tapat ng puno na iyon. Namangha ako dahil sa nakita. Para itong portal na nakikita ko sa mga palabas. Hahawakan ko lang sana iyon nang biglang may humila sa kamay ko mula sa loob ng puno.

"Shit! Let go--!" Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko dahil binitawan na ako ng kamay na humila sa'kin nang maipasok ako nito sa loob ng parang portal. Gusto kong masuka nang makapasok sa loob nito dahil para akong sumakay sa flying fiesta na sobrang bilis sa pag-ikot.

__________

"Argh! Shit ulit," sambit ko na lamang nang mauna ang pang-upo ko sa pagbagsak sa lupa. Pakiramdam ko ay masusuka ako sa sobrang hilo. Napahiga na lamang ako sa lupa nang hindi na makayanan ang hilo at ang pananakit ng pwetan ko.

Naalala ko namang may ibinigay na pain reliever kanina sa akin ang school nurse kaya dali-dali kong hinanap sa loob ng suot kong backpack ang gamot. Nang makita ko ang gamot ay dali-dali ko itong nilunok kasabay ng natirang tubig na nabili ko kanina sa convenience store. 

Hinintay ko munang mawala ang hilo at umepekto ang gamot bago tumayo. Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid at napagtantong nasa loob ako ng isang kakaibang gubat. Nagsimula akong maglakad-lakad kahit ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.

Namamanghang tinitignan ko ang mga halamang nakikita at nadaraanan ko. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong halaman. These plants are very unusual compared to what I've always seen in other forests.

Lalo pa akong namangha nang makarating sa isang parte ng gubat na puro mga mushrooms. Iba't-ibang uri at kulay ng mushrooms. May pink, yellow, red, green, at iba pa. Ang iba ay parang kisses ang hugis, habang ang iba ay may mahahabang katawan. Hahawakan ko sana ang kulay gray na mushroom nang biglang may magsalita sa likuran ko.

"Don't touch them."

____

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status