Share

The Abandoned City Of Levaerûn
The Abandoned City Of Levaerûn
Author: @Maki_n_cheese

Chapter 1

In the City of Levaerûn, commonly known as the Free Land, where everyone can do whatever they desire. The city was full of generous and caring people. A city that is fair to everyone. They are unconcerned about your social standing, whether you are a commoner or a noble. Even if you are a beast or another creature, they will accept you with open arms.

But a strange thing happened, where the people of Levaerûn started to--

"Uy, Zem!" sigaw ni Alice sa mismong tenga ko na naging dahilan ng aking pagkagulat.

"A-Ano? Bakit mo 'ko sinigawan?" nagtatakang tanong ko matapos maka-recover sa pagkagulat.

"Duh~ kanina pa kita tinatawag, but you're not answering me. Binabasa mo lang pala ulit yang librong iniwan ng Mama mo sa'yo. Hindi ka ba nagsasawa kakabasa niyan? Paulit-ulit mo na kaya yan binabasa. Anyways, tara na! Ready na 'yung pagkain," sambit ni Alice bago lumabas sa kwarto ko.

Napailing na lang ako bago ilagay sa bookshelf ang libro. Hindi pa siya nasanay? I let out a heavy sighed as I remember the day she went missing.

+++++

"Anak, aalis lang si Mama. Dito ka lang, okay? H'wag kang magpapasok ng kung sino-sino, lalo na kung hindi natin kilala. Nasa lamesa na pala yung pagkain mo. Babalik din ako kaagad. I love you," sambit ni Mama bago ako hinalikan sa pisngi at saka umalis.

"I love you, too, Ma. Ingat ka po," inaantok na sambit ko.

Napatingin naman ako sa orasan para tignan kung anong oras na. 6:30 AM. Eh? Ang aga naman yatang umalis ni Mama? Saan naman ang punta niya ng ganitong kaaga? Tska day-off niya ngayon, ah? Baka mamamalengke lang?

Nagtataka man, ay ipinagsawalang bahala ko na lang iyon tska dumiretso sa banyo para maligo. Nang matapos mag-ayos ay dumiretso ako sa hapag-kainan.

Nakita ko naman do'n ang breakfast na niluto ni mama para sa'kin. Nagmamadali kong tinapos ang pagkain nang makitang malapit ng magsimula ang klase.

Lakad-takbo ang ginawa ko habang papunta sa school dahil medyo may kalayuan ang eskwelahan sa tinutuluyan naming apartment ni Mama. Nakarating naman ako sa school ng five minutes bago magsimula ang klase.

Hingal na hingal akong napaupo sa aking upuan nang makarating sa room namin. Hindi rin nagtagal ay dumating na rin ang teacher namin at nagsimulang magklase.

WALA naman kaming masyadong ginawa ngayon kundi ang magdiscuss kumpara sa mga nagdaang araw na puro activities.

Mag-isa akong naglalakad ngayon pauwi sa apartment na tinutuluyan namin. Maagang natapos ang klase kaya maaga akong makakauwi. Habang naglalakad ay may nakasabay pa 'kong dalawang grupo ng estudyanteng maiingay, ang malas pa dahil napapagitnaan nila ako.

Masaya silang nagkukwentuhan sa harap ko tungkol sa mga bagay-bagay. Pansin ko rin ang kasiyahan sa mga mukha nila. Masaya ba talagang magkaroon ng kaibigan? Napabuntong-hininga na lang ako saka pinalis iyon sa isip ko.

Nang makarating sa bahay ay naabutan kong wala pa rin si Mama. Ang sabi niya babalik din siya kaagad? Hindi kaya traffic sa pinuntahan niya? Napakamot na lang ako sa ulo bago nagpatuloy sa kwarto para magbihis.

Nagsimula na akong magsaing at sunod  ipinasok ng mga tuyong damit na nilabahan kahapon tska iyon itinupi isa-isa. Pagkatapos no'n ay nagluto na rin ako ng uulamin namin dahil ala sais na ng gabi baka gutom na si Mama pagbalik.

Habang hinihintay siya ay ginawa ko muna ang mga homework na binigay sa amin. Isa't kalahating oras din ang ginugol ko sa pagsasagot dahil 7:30 na rin nang matapos ako.

Nasa'n na kaya si Mama? Kanina pa siya hindi sumasagot sa mga text at tawag ko. Napapakamot sa ulong sinimulan kong imisin ang pinagkainan ko. Nauna na 'kong kumain dahil hindi na nakayanan ng tiyan ko. Itinago ko naman muna ang natirang pagkain sa ref namin para may makain si mama pagdating.

Nang matapos maglipit ay dumiretso ako sa sala at binuksan ang tv. Manonood na lang muna siguro ako habang naghihintay kay Mama. Siguro natraffic yun or wala masyadong mahanap na masasakyan.

_________

*Kring! Kring! Kring!*

Malakas na tunog ng alarm clock ng cellphone ko na nagpagising sa'kin. Dali-dali ko naman itong pinatay bago tignan ang oras, 6:35 AM. Nakatulog pala ako kagabi habang naghihintay kay Mama.

Nanlaki ang mata ko nang maalalang iniintay ko nga pala siya kagabi. Nakauwi na kaya siya? Dali-dali naman akong bumangon at hinanap siya.

Una muna akong dumiretso sa kwarto para tignan kung natutulog pa ba siya dahil baka late na siyang nakarating kagabi. Pagkabukas ko ay maayos na kama ang bumungad sa'kin, tila walang taong natulog. Chineck ko rin ang banyo, pati na rin ang harap ng apartment namin dahil baka nakikipagkwentuhan lang siya sa mga halaman o sa mga kapit-bahay.

Tinignan ko pa ang ref kung nagalaw niya ba ang pagkaing tinira ko para sa kanya pero walang kahit anong nabawas, katulad pa rin siya kung kelan ko siya iniwan kagabi.

Ibig sabihin, hindi siya umuwi.

I immediately went to find my phone para tawagan ulit si mama, pero laking dismaya ko nang malamang nakapatay ang cellphone niya. I even texted tita Rosi, my mother's friend, asking if my mother went there, but she said na hindi raw.

Alam kong may pasok ngayon, pero paano ako makakapasok kung hindi umuwi si mama kagabi? I don't know what to do. Nagpapanic ako at hindi ako makapag-isip ng tama.

Hindi ako pumasok buong araw na 'yun kakahintay sa mama ko na  umuwi. Baka may nangyari lang kaya natagalan siya.

Ngunit isang linggo na yata ang lumipas na hindi siya nagpapakita o umuuwi. Isang linggo na rin akong hindi nakakapasok sa school kakahintay na umuwi si mama sa bahay. Pero wala talaga, walang kahit anong text o tawag.

+++++

Ever since that day, I started to live on my own, at  maagang naghanap ng trabaho para meron akong ipambayad sa mga bayarin dito sa bahay. We don't have any relatives here na pwede kong matirahan.

Naghanap na rin ako ng roommate dito sa apartment para may kahati ako sa pagbabayad ng renta. Luckily, I found one, si Alice. Dalawa naman ang kwarto dito sa apartment, yung isa ay hindi nagagamit dati na ngayon ay kwarto na ni Alice.

Ako naman ay doon sa dati naming kwarto ni Mama. I also moved some of my mother's things sa isang box na nasa loob ng cabinet. The book and the necklace that she left that day are also in my care.

My mother always wear this necklace. Nagkataon namang naiwan niya dito sa bahay no'ng araw na nawala siya. I'm wearing the necklace now actually. 

Ang kakaiba lang sa kwintas na 'to ay 'yung moonstone na pendant nito. Para kasing may kung anong meron dito na hindi ko maipaliwanag. Napansin ko ngang medyo umilaw 'yung pendant nito nung unang suot ko pero 'di na siya umilaw ulit pagkatapos no'n. It actually looks pretty expensive kaya palagi itong nakatago sa loob ng damit ko kapag pumapasok ako.

"Zem, dito na 'ko. Sasabay ka bang maglunch sa'kin mamaya?" tanong ni Alice nang makarating kami sa tapat ng classroom niya.

She's also the same grade as me, pero mas matanda ako ng isang taon sa kaniya. She's 18 and I'm 19. Dapat talaga ay college na 'ko, pero tumigil ako dahil sa nga paghahanap ko noon kay Mama.

"Hindi ko sigurado. Ite-text na lang kita kapag sasabay ako," sagot ko.

"Oki! O'sya, papasok na 'ko. Andito na si Mrs. Ruiz."

"Ako rin, alis na 'ko, baka ando'n na rin si Sir Rios. I'll text you later if sasabay ako. Bye," paalam ko bago naglakad paalis. 

My rowdy classmates quieted down as soon as I walked into the room. Parang may dumaang anghel dahil sa biglaang pagtahimik nila. Is this another episode of 'Pranking Zemira'?

Actually, nag-eexpect ako na pagpasok ko pa lang ay may bubungad o babagsak na kaagad sa'king mga kung ano-ano. Just like what they always do whenever I enter the classroom. Himala ngang wala silang ginagawa ngayon e.

Hindi ko na lang sila binigyan ng pansin at dumiretso sa upuan ko. Hindi rin naman nagtagal ay dumating na ang first subject teacher namin, at nagsimulang mag-klase. 

________

"Alright. That's all for today, class. Make sure to finish your given tasks before the deadline. I'll be waiting, okay? I'll see you tommorrow," saad ni sir Rios bago naunang maglakad palabas ng classroom. Ang iba naman ay nagsimula na ring magsilabas ng classroom para pumunta sa canteen.

Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko ay lumabas na rin ako ng classroom. Kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone ko 'tska tinext si Alice na sasabay akong maglunch sa kaniya. Nagreply din naman siya kaagad na nasa canteen na raw siya.

Sakto namang pagpasok ko pa lang sa loob ng canteen ay si Alice na kaagad ang nabungaran ko. Malapit lang kasi siya sa entrance at mabilis makita dahil hindi pa naman gano'n kadami ang mga estudyanteng nandito sa canteen. Napansin ko rin katabi nitong babae.

Napakunot ang noo ko nang makitang umakbay si Alice sa katabi bago inilapot ng kaunti ang mukha nito na naging dahilan para mamula ang babae. What are they doing?

"Alice," sambit ko na nagpagulat dito. Nanlalaki ang matang dahan-dahan itong lumingon sa akin, gano'n din ang katabi nito.

"O-Oh, Zem, you're here na pala," nahihiyang wika nito nang makabawi sa pagkagulat.

"Oo, kanina pa," sagot ko bago umupo sa harap nila. Napaayos naman kaagad sila ng upo nang mapansing nakatitig ako sa kanilang dalawa.

"A-Ah.. Lov-- I mean, Alice, order lang ako ng pagkain natin," sabi ng kaninang kaakbay ni Alice bago nagmamadaling dumiretso sa bilihan ng pagkain.

"Girlfriend mo?" tanong ko kaagad nang makalayo na ang babae. Nagsimula namang maglikot ang mga mata nito, sinusubukang iwasan ang mga tingin ko.

"Why am I asking when it is so obvious though?" I mumbled to myself. "Since when?" I asked.

"Ahm.. since junior high? Her name is Fiore, by the way," sagot nito. "Please, don't tell to my parents," biglaang paki-usap nito bago hinablot ang kamay ko.

Nawiwirduhan ko naman itong tinignan. "Paano at bakit ko naman sasabihin sa magulang mo e, hindi naman kami close no'n? Hindi ko pa rin naman nakikita parents mo. Tska hindi ko rin naman sasabihin kung sakali man," I assured.

Tila nakahinga naman ito ng maluwag bago binitawan ang kamay ko. "Hoo.. Thanks. Anyways, are you okay with this? You know, me, having a relationship with a girl?" she asked nerviously.

"Of course, I'm okay with that. There's nothing wrong with a person who's having a relationship with the same gender. You love and care for each other, so who I am to interfere?" I said.

"Really? You're okay with that? Thank god, I thought you are just like the others who would give me a disgusting look once you found out," she said, on the verge of crying. 

Sakto namang pagtanggal ng yakap niya ay ang pagdating babaeng katabi niya kanina. May bitbit itong tray ng pagkain at inumin. Isa-isa niya iyong ibinaba sa lamesa.

Nagulat pa 'ko nang inilagay nito sa tapat ko ang isang plato ng rice meal at isang canned strawberry juice. Hindi na lang ako nagsabi ng kung ano-ano at nagpasalamat sa kaniya.

________

Masaya naming natapos ang lunch nang biglang tumunog ang relo ko. Napatingin naman ako dito at nakitang 10 minutes na lang bago magsimula ang afternoon class namin.

"Shit. I need to go, guys. Malapit na 'kong ma-late. I'll see you guys next time. Anyway, thank you for the food, Fiore," I said, before running so fast papunta sa building namin. May kalayuan kasi ito sa canteen dahil medyo dulo pa ng school ang building na 'yun.

Nang makapasok sa loob ng building ay patakbo rin akong umakyat ng hagdan. Malapit na ako sa third floor nang biglang may sumulpot sa harap kong isang estudyente na naging dahilan para magdire-diretso ako  pababa sa hagdan.

"Ah! Ouch! Aray!" I howled in pain, habang nagdidire-diretso pababa sa hagdan. Nakita ko namang na nagmamadaling bumaba ang nakabangga ko papunta sa akin.

"Oh my god! Are you okay? I'm so sorry! I-I'll bring to the clinic!" dinig ko pang sigaw nito bago ako dahan-dahang inakay papuntang clinic.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ailleah Arañas
Fav.update po
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status