“Ha? Surrogate?” Hindi makapaniwalang tanong ko at itinuro ang aking sarili. “A-Ako?” Marahan siyang tumango at sinenyasan ako na lumapit sa kaniya. Naguguluhan man ay sumunod pa rin ako at tuluyan nang lumapit pa sa kaniya. “It’s a secret. Huh? Ang totoo kasi niyan, kaya pumunta ako roon sa bar ay dahil kilala ko si Mamita. Hihingi sana ako ng tulong sa kaniya sa paghahanap ng surrogate—“ “E ‘di ba sabi mo sa akin, may ano na naman kayo, may agency na? Bakit hindi ka nalang doon maghanap ng surrogate sa agency niyo? Malay mo, may HIV pa ‘yong makuha mo, mas lalo kang mapapahamak kapag ganoon,” pagputol ko sa sasabihin niya. Agad naman niya akong sinenyasan na babaan ko ang boses ko dahil nasa coffee shop pa rin kami at baka may makarinig sa pinag-uusapan namin. Mabilis naman akong tumango bilang pagsunod. “Sa agency kasi namin, dapat ang mga supposedly parents ang pupunta roon. Pero sa sitwasyon kasi ng pinsan ko, hindi sila puwedeng umalis ng bansa kasi mahahalata ng pamilya
“Anong kailangan kong magbayad? Aba, ineng. Maayos akong nagmamaneho at ‘yang kapatid mo ang bigla na lamang tumawid. Hindi ko na kasalanan pa na tatanga-tanga ‘yang kapatid mo—“ “Ituloy ho niya ‘yang sasabihin niyo at kayo na ang susunod na nakahiga rito sa tabi ng higaan ng kapatid ko,” seryosong banta ko sa lalaking aking kaharap. Malakas akong bumuntong bago tumingin kay Thirdy na kagagaling lamang sa pag-iyak. May benda ang ulo niya dahil sa pagkakabangga ngunit laking pasasalamat ko na hindi naman pala gaanong kalala ang natamo niya. “L-Lyana, kasi ano…” Ibinalik ko ang tingin ko kay Tiyang nang magsalita siya. “S-Si Thirdy naman kasi talaga ang may a-ano, may kasalanan. T-Tumawid kasi siya t-tapos...” “Oh? Narinig mo naman yata ang sinabi niyang matandang ‘yan,” matapobreng sambit ng lalaking nakabangga kay Thirdy kaya’t bahagya kong ipinikit ang aking mga mata upang ikalma ang aking sarili.Nang makakalma na ako ay saka ko siya tinaasan ng kilay. “Kayo ho ang nakabangga sa
“Ho? Hindi naman ho yata pwede ‘yan. Dalawang buwan palang naman akong hindi nagbabayad ng renta, bakit kailangan niyo akong palayasin kaagad? Sinabi ko naman ho na magbabayad ako, ‘di ba?” “Aba, aba. Ikaw na nga ‘tong may utang, ikaw pa ‘tong matapang at akala mo kung sino.” Muntik na akong mapasigaw nang batuhin ako ni Aling Lena, ang may-ari ng ‘apartment’ na tinutuluyan ko ng babasaging mug. Mabuti na lamang at nakaiwas ako dahil kung hindi, siguradong pati ako, mapupunta sa hospital kasama ni Thirdy. Malakas akong bumuntong hininga at taas noong nag-angat ng tingin sa kaniya. “Hindi ako aalis dito. Magbabayad naman ako---“ “Oh, e ‘di akin na.” Inilahad niya ang palad sa harap ko kaya’t ilang beses akong napakurap. “Akin na ang bayad nang hindi kita mapalayas dito. Aba, tao lang din ako na nangangailangan ng pera tulad mo, Lyana. Kung hindi ka naman magbabayad ng renta, mabuti pang umalis kana rito at nang mapakinabangan ko naman ang bahay na ‘yan.” “Magbabayad ho ako—“ “Akin
“Ang aga mo yata rito? Dito ka na ba natulog?” Napatigil ako sa pagtitiklop ng mga damit nang marinig ko ang boses ni Tiyang. Ni hindi ko na nga namalayan ang pagbukas ng pintuan at pagpasok niya dahil masiyado akong abala sa ginagawa ko. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at tumigil sa pagtitiklop ng damit. “Dito na ho ako natulog, Tiyang. Walang magbabantay kay Thirdy,” katwiran ko. Wala na akong balak pang sabihin sa kaniya na napalayas ako sa tinitirahan ko dahil siguradong mas lalo lang sasama ang loob niya. Dahil mabait siya, nakasisiguro rin akong mag-ooffer siyang tumira muna kami ni Thirdy sa bahay niya. Oo at maganda ang offer niyang iyon dahil wala na akong babayarang renta pero alam ko rin naman na pagmumulan lang iyon ng away ng pamilya niya. “Nakatulog ka na ba? Baka naman magdamag kang nagbantay, ha.” Sa halip na sagutin siya at tipid lamang akong ngumiti at itinabi ang mga damit na tinitiklop ko. “May pupuntahan po ako mamaya, Tiyang. Anong oras po ba kayo aalis dit
“Sa ibang bansa ako titira?” Marahang tumango si Doctora Vallero at may kung anong larawang ipinakita sa akin. Naka-print na iyon sa papel kaya’t mataman ko iyong tiningnan. Picture iyon ng bahay… na hindi ko naman alam kung para kanino at kung anong dahilan at ipinakita niya iyon sa akin. “A-Ano ‘to?” “Bahay mo. Diyan ka titira for the whole year. Bahala ka kung gusto mong isama ang kapatid mo o kung gusto mo siyang iwan dito. It’s up to you. Basta sagot ng pinsan ko ang lahat ng pangangailangan mo at ng pamilya mo… just bear his child and everything would be all right.” Napalunok ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung gaano kayaman ang pinsan niya at pati ang tutuluyan kong bahay ay siya rin ang magssponsor. Nakakahiya man pero hindi na ako tumanggi pa lalo pa’t pinalayas nga ako sa tinutuluyan kong bahay. Saka isa pa, mayaman sila. Papayag nga ba naman sila na sa masikip, marumi, at magulong iskwater ko ipagbuntis ang magiging anak nila. Muli kong ibinalik ang tingin ko
“Sinasabi mo bang dito na kami titira ni Thirdy?” Hindi makapaniwalang tanong ko kay Doctora Vallero nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya. Hindi pa man siya nakakasagot ay agad ko nang inilibot ang aking paningin sa loob ng bahay at manghang umawang ang aking mga labi sa laki nito. Sa buong buhay ko ay ngayon lamang ako nakatuntong sa ganitong klaseng bahay kaya’t para akong nananaginip dahil sa labis na saya. Mahinang tumawa si Doctora Vallero. “Nagustuhan mo ba? Hindi ‘to kasing-laki ng bahay na dapat ay tutuluyan natin sa ibang bansa dahil nasa probinsiya tayo kaya’t nahirapan ako sa paghahanap ng maganda at kumportableng bahay dito. Ayos na ba?” tanong niya. “Siyempre naman!” Mabilis na sagot ko at sunod-sunod na tumango bilang sagot sa kaniya. Agad ko namang ibinaling ang aking tingin sa gawi ni Thirdy. Naka-wheelchair pa rin siya dahil sa sugat na natamo sa aksidente ngunit bakas din sa kaniyang mukha ang pagkamangha sa bahay. “Nagustuhan mo ba, Thirdy?” Bahagyang nag-ang
“Araw-araw ka bang nagtuturok tulad ng sinasabi ko?” tanong ni Doctora Vallero habang kinukuha ang BP ko. Dahan-dahan akong tumango bilang tugon. “Nagtuturok ako ng Lupron araw-araw tapos Delestrogen naman pagkatapos ng dalawang araw,” sagot ko. Napatango siya matapos marinig ang sinabi ko at tuluyan nang binitiwan ang aking braso. “All right, very good. So far, ayos naman, ano?” “Oo,” maikling sagot ko sa tanong niya dahil sa labis na kaba. Mukha namang napansin niya na kinakabahan ako dahil tinapik niya ang aking balikat, marahil ay para pakalmahin ako. “You can now lay down on the bed so I can check you. Kailangan muna nating masiguro na handa ka na for the embryo transplant.” “P-Paano kung hindi pa?” “Then we’re going to wait until you’re ready,” mahinahong sambit niya at muli akong nginitian. Napalunok ako. “P-Paano naman kung handa na ang katawan ko na magbuntis?” Muling tinapik ni Doctora Vallero ang aking balikat bago pumunta sa table niya at may kinuhang papel. Ibinig
“Anong problema ang sinasabi ng mga ‘to? Austin, hindi ako natutuwa, ha.” Wala sa sarili akong napatigil sa paglalakad nang marinig ang boses ni Doctora Vallero sa loob ng silid na ginagamit nila bilang clinic nitong mga nagdaang buwan. “Eh kasi Doctora Vallero, sinasabi nitong intern na may nagawa siyang kasalanan—“ “Hindi ba’t sinabi ko na ayusin niyo ang trabaho niyo? God! Ikaw ang nag-recruit diyan kahit na sinabi ko namang huwag na dahil walang karanasan tapos ngayon, sinasabi mong may nagawang kasalanan? The fuck? Paano pa maitatama ‘yan eh kaunti na lamang at manganganak na si Lyana?” Tila napintig ang aking mga tainga nang marinig ko ang pangalan ko mula kay Doctora Vallero. Napahawak ako sa malaki kong tiyan nang banggitin niya iyon. Pitong buwan na ang nakakalipas nang magtagumpay ang embryo transplant na ginawa nila. Akala nila ay hindi kaagad makakabuo dahil iyon ang karaniwang nangyayari sa ibang surrogate mother ngunit laking pasasalamat namin nang unang beses lamang