Share

Chapter Nine

“Sinasabi mo bang dito na kami titira ni Thirdy?” Hindi makapaniwalang tanong ko kay Doctora Vallero nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya.

Hindi pa man siya nakakasagot ay agad ko nang inilibot ang aking paningin sa loob ng bahay at manghang umawang ang aking mga labi sa laki nito. Sa buong buhay ko ay ngayon lamang ako nakatuntong sa ganitong klaseng bahay kaya’t para akong nananaginip dahil sa labis na saya.

Mahinang tumawa si Doctora Vallero. “Nagustuhan mo ba? Hindi ‘to kasing-laki ng bahay na dapat ay tutuluyan natin sa ibang bansa dahil nasa probinsiya tayo kaya’t nahirapan ako sa paghahanap ng maganda at kumportableng bahay dito. Ayos na ba?” tanong niya.

“Siyempre naman!” Mabilis na sagot ko at sunod-sunod na tumango bilang sagot sa kaniya. Agad ko namang ibinaling ang aking tingin sa gawi ni Thirdy. Naka-wheelchair pa rin siya dahil sa sugat na natamo sa aksidente ngunit bakas din sa kaniyang mukha ang pagkamangha sa bahay.

“Nagustuhan mo ba, Thirdy?”

Bahagyang nag-ang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status