Share

Chapter Ten

“Araw-araw ka bang nagtuturok tulad ng sinasabi ko?” tanong ni Doctora Vallero habang kinukuha ang BP ko.

Dahan-dahan akong tumango bilang tugon. “Nagtuturok ako ng Lupron araw-araw tapos Delestrogen naman pagkatapos ng dalawang araw,” sagot ko.

Napatango siya matapos marinig ang sinabi ko at tuluyan nang binitiwan ang aking braso. “All right, very good. So far, ayos naman, ano?”

“Oo,” maikling sagot ko sa tanong niya dahil sa labis na kaba. Mukha namang napansin niya na kinakabahan ako dahil tinapik niya ang aking balikat, marahil ay para pakalmahin ako.

“You can now lay down on the bed so I can check you. Kailangan muna nating masiguro na handa ka na for the embryo transplant.”

“P-Paano kung hindi pa?”

“Then we’re going to wait until you’re ready,” mahinahong sambit niya at muli akong nginitian.

Napalunok ako. “P-Paano naman kung handa na ang katawan ko na magbuntis?”

Muling tinapik ni Doctora Vallero ang aking balikat bago pumunta sa table niya at may kinuhang papel. Ibinig
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status