Share

Chapter Eleven

“Anong problema ang sinasabi ng mga ‘to? Austin, hindi ako natutuwa, ha.”

Wala sa sarili akong napatigil sa paglalakad nang marinig ang boses ni Doctora Vallero sa loob ng silid na ginagamit nila bilang clinic nitong mga nagdaang buwan.

“Eh kasi Doctora Vallero, sinasabi nitong intern na may nagawa siyang kasalanan—“

“Hindi ba’t sinabi ko na ayusin niyo ang trabaho niyo? God! Ikaw ang nag-recruit diyan kahit na sinabi ko namang huwag na dahil walang karanasan tapos ngayon, sinasabi mong may nagawang kasalanan? The fuck? Paano pa maitatama ‘yan eh kaunti na lamang at manganganak na si Lyana?”

Tila napintig ang aking mga tainga nang marinig ko ang pangalan ko mula kay Doctora Vallero. Napahawak ako sa malaki kong tiyan nang banggitin niya iyon. Pitong buwan na ang nakakalipas nang magtagumpay ang embryo transplant na ginawa nila. Akala nila ay hindi kaagad makakabuo dahil iyon ang karaniwang nangyayari sa ibang surrogate mother ngunit laking pasasalamat namin nang unang beses lamang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status