Share

32

Ngumisi siya. Hindi ko napigilan ang pamumula nang mahina siyang tumawa at lumayo sa akin.

"Pft. I'm just playing with you, Zari," tumatawang sabi niya. Muli akong umirap.

"Sa tingin mo nakikipaglaro ako, ha?" nanghahamon na tanong ko. Laro? Anong tingin niya sa akin? Nakikipagbiruan? Akala ko pa naman ay may problema na siya kaya siya nagkakaganon.

"Of course, you're still a kid. You should enjoy your childhood and play with me," sagot niya. Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Nang maasar ay basta na lang ako kumuha ng kung ano sa lamesa at binato sa kanya.

"Hindi na ako bata! Kung makapagsalita ka naman eh ilang buwan lang naman tanda mo sa akin!" sigaw ko sa kanya. Eksperto niyang inilagan ang binato kong tubigan at kinagat ang labi, tila ba nag pipigil ng ngiti.

"You are."

<
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status