Share

Chapter 11

Hindi ko maintindihan ang mga titig na ipinaparating ni Jaxson sa akin dahil blanko lamang ang mga mata nito na nakaangat patungo sa direksyon ko.

Damang-dama ko ngayon ang panlalaki ng aking mga mata sa labis na kaba gawa ng hindi inaasahang pangyayari.

Hindi ko naisip na maaari nila kaming makita at abutan sa kalagitnaaan ng pagpirma namin nitong kasunduan.

Sa palagay ko ay hindi rin ito inaasahan ng lawyer ni Jaxson dahil tila pareho kami ng naging reaksyon.

Unti unti kong binalik ang aking mga tingin patungo kila Daniella upang tingnan ang kanilang reaksyon. Hindi pa rin sila umaalis at patuloy lang na nanonood sa amin.

Natatakot ako na baka mabuko nila kami at malaman ang tungkol sa kasunduan. Pasimpleng gumapang ang aking kamay patungo sa lamesa upang abutin ang tuwalya at bahagyang itakip sa mga papel na nakalatag sa lamesa.

Napansin ko ang pagbaba ng tingin ni Daniella sa damit na suot ko, pati na ang pagbabago ng emosyon sa kanyang mga mata.

Nakaramdam ako ng katiting na pa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status