Share

Chapter 17

Mabuti na lang at pumayag si Jaxson na sumama ako sa kanya. Baka kasi pag tuluyan niya akong iniwan doon sa bahay nila ay wala akong ibang makausap kung hindi ang masungit niyang ina sa labas.

Siya ang pinaka ayaw kong tao na makasalubong doon. Kung alam niya lang.

Nasa loob kami ng sasakyan ngayon kasama si Gunther na nasa harapan at katabi ang driver, ako naman at si Jaxson ay naririto sa likuran.

Kani-kanina lamang ay nakatanggap ako ng text message mula kay inay na pasakay na sila sa eroplano. Hindi ko alam kung ilang oras ang biyahe nila papunta ng America kaya naman ay aantayin ko na lang ang tawag ni inay.

Nabasa ko na rin pala ang text message ni ipinadala sa akin ni Loren. Listahan iyon ng lahat ng activities na na missed ko at kailangan kong ihabol. Nabanggit rin niyang kailangan ko nang pumasok sa lalong madaling panahon.

Hindi ako sigurado kung kailan ako makakapag umpisang pumasok na ulit sa university, pero mamaya ay tatanungin ko si Jaxson kung pwede ba akong pumasok
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status