Share

Chapter 16

Tahimik lamang akong tinatapos ang niluluto ko, habang si Jaxson naman ay nasa kaharap na upuan kung saan ako nakatayo, tulala at tila ba may malalim na iniisip.

Gusto kong sampalin ng napakalakas ang sarili ko dahil sa naging katauhan ko nang sandaling maramdaman ko ang mga labi niya sa akin.

Para akong nawala sa katinuan at sa sarili ko kanina. Mabuti na lang at nagising ako sa katotohanan bago pa man mahuli ang lahat.

Hindi ko alam kung ano ang iniisip ni Jaxson ngayon at nakatulala lamang siya sa kawalan.

Kanina ay humingi siya ng pasensya sa akin matapos siyang mahimasmasan.

Hindi ko mawari kung ano ang emosyon na naramdaman ko kanina nang humingi siya ng tawad sa paghalik sa akin. Pakiramdam ko kasi ay sa tingin niya isang kamalian ang bagay na iyon.

Nang banggitin niya rin ang pangalan ko kanina, ay tila ba hindi niya alam na ako ang taong nasa harapan niya dahil sa gulat na kusmislap sa kanyang mga mata.

Nang tuluyan nang matapos itong niluto kong Chicken noodle soup ay agad
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status