Share

Chapter 9

Matapos ang ilang minutong kasama si Gunther sa loob ng walang kasing tahimik na silid, ay sa wakas nakalanghap na rin ako ng sariwang hangin at nakarinig ng mga boses galing sa ibang tao.

Kanina kasi ay pakiramdam ko masisiraan na ako ng ulo dahil sa sobrang katahimikan, na halos marinig ko na pati ang paggalaw ng dugo ko. Kaya naman ay mas binilisan ko ang pagkain upang makapag ayos na ng sarili at makalaya na sa kwartong iyon.

Hindi ko maiwasan ang maisip at matuwa nang maalala ko ang sinabi sa akin ni Gunther kanina. Si Jaxson pala ang dahilan ng pag akyat niya upang dalhan ako ng makakain. Ang akala ko talaga ay wala siyang pakialam sa akin at tanging ang trabaho ko lang rito ang nasa isip niya dahil hindi naman niya ako tinatanong.

Nang maramdaman kong muli ang kusang pag taas ng slit ng suot kong dress ay kaunti at pasimple ko itong hinila pababa sa laylayan dahil umaabot na ito sa itaas ng aking hita.

Malayo kasi ang pagkakaiba ng katawan ng ex fiance ni Jaxson na si Daniella
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status