[KATALEIA BRIONES POV]
“WELL, I guess hindi na darating si Knives, isa’t kalahating oras na tayong naghihintay dito eh.” Napalingon ako kay Tito Miguel, sa wakas nainip na rin sya sa kahihintay nya sa anak nya. Nakahinga ako nang maluwag. Kanina pa ako fina-flood ni Orlie ng text, baka inuugat na lalo ‘yung baklang ‘yon sa kahihintay sa akin. At isa pa, kanina pa ako nagugutom. Nagugutom na rin siguro si Kuya Mike, ang asawa ni Ate Olivia na nakaupo sa harap ko. Pero parang ako yata ang gusto nyang kainin, kasi kanina ko pa napapansin ang mga pang-manyakis na mga sulyap nya sa akin. Welcome dinner sana ito para do’n sa Knives na kararating lang galing States, kaso, hindi nya sinipot. Plano sana ni Tito Miguel na magkakila-kilala kaming mga anak nila at pag-usapan ang nalalapit nilang kasal ni Mama. “Love, the night’s still young, baka mahintay pa natin sya nang konti pa?” Napaismid ako sa hirit ni Mama pero hindi ako nagpahalata. Napa-cross fingers na lang ako sa ilalim ng lamesa. “No, love, we’ve waited long enough. Magkikita pa rin naman sila ni Kataleia sa fitting bukas kasi partner sila sa entourage. Isa pa, mukhang may pupuntahan pa yatang iba si Kataleia?” nginitian ako ni Tito Miguel. Napansin siguro nya na kanina ko pa sinusulyapan ang cellphone ko sa bag. “Ahh, may dadaluhan pa po kasi akong novena eh. Pero okay lang po kung hihintayin pa natin,” ngumiti rin ako, pero ang totoo nangangati na ako sa kinauupuan ko. Alam kong patatawarin naman ako ni Mama Mary kahit lagi ko Syang dinadahilan kay Mama, maawain naman Sya. Mas maaawa pa Sya sa akin kapag hindi ako nakatikim ng alak ngayong Friday ng gabing ito. “Novena? Anong oras?!” takang-taka sa akin si Mama. Napatingin pa sya sa relo nya. “10 p.m. po. Male-late rin daw po kasi si Father e, may pinuntahan pang lamay,” mabilis pa ako sa alas-kwartrong nakapag-isip ng idadahilan ko ulit. “Religious kasi ‘tong si Kat. Sa Catholic School din sya nagtuturo,” bida ni Mama sa mga kaharap namin sa lamesa. Oo, grade school teacher nga ako sa Catholic School at magaling din akong lumuhod. Inaakyat ko ang mga lalakeng niluluhuran ko sa langit. “That’s good, Kat!” ani Ate Olivia, ang panganay na anak ni Tito Miguel. “At least meron nang religious sa family. We’re also Catholic but we seldom go to church. Ipagdasal mo na lang kami Kat, okay? Baka maisalba mo pa ‘tong asawa ko.” Napansin kong tuwing magsasalita sya ay lagi nyang pinatututsadahan ang kanyang asawa. May something fishy siguro sa kanilang dalawa. +++++ Para akong nabunutan ng tinik nang matapos ang halos isang oras ng parang walang hanggang kwentuhan tungkol sa preparation sa kasal nina Mama at Tito Miguel. Hinatid ko na sila sa malawak na parking lot ng fine dining restaurant. “Bye Kat! Bye Tita Marisa!” bineso kami ni Mama ni Ate Olivia. “It’s nice to have dinner with you, Kat! Ang sarap mong kakwentuhan! We should do this again, okay? See you tomorrow!” tuwang-tuwa talaga sa akin si Ate Olivia. Feeling nya little sister nya ako talaga, kinurot nya pa ako sa pisngi ko bago sya sumakay ng SUV nila. “See you tomorrow, Ate Olivia!” nag-wave ako sa kanya tapos pinaharurot na ng mokong nyang asawa ‘yung sasakyan. Nakita kong umiling si Tito Miguel sa pagkakaskasero ng kanyang manugang. “Sure kang ayaw mong magpasama sa driver, Kataleia? It’s late. Gusto ko safe kang makakauwi,” sabi ni Tito Miguel sa akin. Heto na naman po tayo sa pagka-overprotective sa akin ng future father ko. “Okay lang po ako, Tito Miguel. Nasa malapit lang po ang mga ka-choir ko, magkikita po kami para sabay-sabay na kaming pupunta sa simbahan,” ambilis ko talagang makaisip ng ‘white lies’. “Ikaw ang bahala, basta mag-iingat ka,” bineso nya rin ako tapos sumakay na sya sa SUV. “Ikaw ha, hindi ka natatakot bumiyahe kahit gabi na. Umuwi ka agad after the novena, okay?” “‘Ma, 26 na ‘ko, I can manage. Tatawag po ako sa ‘yo kapag nakauwi na ‘ko,” in-assure ko naman sya. Bagay nga si Mama at si Tito Miguel, pareho silang praning. “Kaya nga gusto ko sanang lumipat ka na sa mansion eh, para nakikita kita palagi. Tsaka hindi ako kumporme sa kasama mong bakla sa bahay, mabait nga sya pero kahit anong mangyari lalake pa rin ‘yon Kataleia,” nire-remind na naman ako ni Mama tungkol kay Orlie, eh dyusko naman, mas babae pa ngang kumilos sa akin ‘yon. “Sure na 'yon 'Ma, bago mag-enrolment ng mga estudyante lalabas na ang transfer ko. Mapapalayo kasi ako ng byahe kapag sa inyo na ‘ko agad titira,” inulit ko lang ‘yung sinabi kong dahilan sa kanya last week. Hindi naman sa ayokong tumira kasama sila, ine-enjoy ko lang ang independence ko nang konti pa. Hinatid ko muna ng tingin ang SUV nina Tito Miguel, nang mawala na ang sasakyan sa paningin ko tinawagan ko na agad si Orlie na paniguradong namumuti na ang mga mata sa kahihintay sa akin sa disco bar.“Sorry talaga beks, natagalan ako,” naupo ako agad at umorder ng beer. Nauhaw ako sa kamamadaling makarating dito sa disco bar. “Enjoy naman ako kahit lagi kang late,” patutsada ni Orlie sa akin, pero ngiting-ngiti pa rin. Paano’y nakahanap na sya ng boylet kasi may kasama na sya agad sa lamesa. Kahit papa’no good mood si bakla.“Hinintay pa kasi namin ‘yung anak ni Tito Miguel, hindi rin naman pala dadating.”“Baka natakot sa ‘yo sa suot mo.”Napanguso ako kay bakla. “Ano namang nakakatakot kung naka-white long dress ako?”“Gabi na kasi, bakla! Mukha kang white lady! Ang haba-haba pa ng buhok mo para kang lumulutang sa ere,” napakasarap ng tawa nya. “De pota ka!” pakli ko naman sa komento nya. Nakukumpleto talaga ang araw ni Orlie kapag inaalipusta nya ako. “Si Winston nga pala, beks,” pinakilala nya na sa akin ang boylet nya. “Winston, si Chimini.”“Chimini? Anong Chimini?” natawa ako kay bakla. Hindi nya sasabihin sa boylet nya ang pangalan ko. Feeling naman ni bakla aagawin ko
“Are you okay, beks?” tanong sa akin ni Orlie nang makabalik kami sa lamesa namin. Concerned na concerned sa pagkatulala ko ang bestie ko. “Never been better!” sabi ko naman sa kanya sabay lagok ko sa iniinom kong beer. Ibinalik ko ang ngiti ko sa mukha ko. Imbyerna ako, oo. Kami pa pero may dinadale nang iba. Syempre, nasaktan ang ego ko. Pero ‘yong pakiramdam na nasaktan ang puso at iiyak, parang hindi naman. Hindi pa kami ganoon kalalim ni Marc. Nanghihinayang lang ako kasi si Marc na ang pinakamatagal kong boyfriend. Kahit medyo juts sya ay gwapo naman si Marc at may stable rin na trabaho. Ipi-period ko na nga sana sa kanya. Magpapakatino na ako, kumbaga. Buti na lang din nalaman ko na nang maaga. Dito kami sa disco bar na ito nagkakilala ni Marc, dito rin nagtapos ang relasyon naming dalawa. “Uy si Pogi, bumababa na!” turo ni Orlie sa lalakeng naka-eye to eye ko kanina habang gumigiling ako sa dance floor. “Uuwi na ‘ata, maaga pa ah! May nyosawa (asawa) na siguro,” sabi n
Binuksan nya ang passenger’s seat ng SUV nya tapos humakbang ako sa loob. Tinitingnan ko sya habang nilalakad-patakbo nya ang pinto ng driver’s seat. Para akong natutuyuan ng lalamunan sa pagtitig ko palang sa pogi nyang mukha. Dalang-dala nya ako talaga. Pakiramdam ko first time kong makipaghalikan kanina. “My hotel suite is just 10, 15 minutes away from here, I guess? Ah, you wanna get something to eat first?” Pinakiramdaman ko ang sarili ko, parang may gumagalaw sa tiyan ko pero hindi hangin. Hindi naman ako nagugutom. ‘Yun na yata ‘yung sinasabing mga paru-paro. Umaalsa ang dibdib ko sa lakas ng kalabog nito. “I don’t think I can wait till we get to your hotel,” nasabi ko na lang bigla sabay hinatak ko ang kuwelyo nya palapit sa akin. Tumukod ang isa nyang kamay sa bintana ng passenger’s seat sa likuran ko at nasa leeg ko naman ang isa. Para akong bitin na bitin sa banayad nyang halik kanina. Pero ngayon, hindi banayad ang ibinibigay nya. Mapusok. Uhaw na uhaw. Nakakapag-init
“K.” “K?” tumagilid naman sya sa tabi ko habang inaabot ang nabasa ko na namang keps. “A-as in... letter… K,” nagkakaputol-putol ang boses ko. “Oohh... Ohhhhhh..." “Dang, you’re so beautiful.” Napapaliyad na naman ako sa sarap ng pagkalabit nya sa t*nggel ko. Bwisit! Mukhang malapit na naman akong labasan. Napapikit ako nang mariin habang kagat-kagat ko ang labi ko. “That should be the first letter of your name, funny. Letter K din ang sa ‘kin,” bulong nya habang binabaybay ng maiinit nyang halik ang papunta sa pagitan ng mga hita ko. +++++ Napabalikwas ako sa higaan nang mag-ring ang cellphone ko, tirik na pala ang araw sa labas. Tinanghali ako ng gising. “‘Ma!” “Nasa’n ka na? Andito na kami nina Ate Olivia at Kuya Knives mo sa bridal shop. Kagigising mo lang ba? Nakatulog na lang ako sa kahihintay ng tawag mo, ano’ng oras ka ba umuwi?!” wala ni hi or hello, galit na agad si Mama. “Huh?!” Napatalon ako bigla sa kama, nawala bigla ang bigat ng ulo ko. May fitti
[KNIVES' POV] “Why can’t you just move on, Knives? Act just like a civilized person, ano pa ba’ng pinaglalaban mo?” I clutched my hair. I was talking about something else, but inentrahan naman nya ako ng iba. Napakawala rin kwentang kausap ng aking asawa. “I’m still having jet lag, Divine, kaya hindi ako nakapunta. Let’s not talk about this, okay?” “What do you wanna talk about, huh? You want us to talk about how much we adore each other? Hahaha!” she laughs sarcastically. “I wanna hear how you're gonna kill me,” ibinalik ko sa kanya ang pagka-sarcastic nya. “All is good, Knives. Wala namang nabago. You just left the other day; nagtatanong ka na agad ng update? Call your sec—” I saw Dad coming, kaya pinatayan ko na si Divine ng cellphone. Puro ka-badtrip-an rin lang naman ang sinasabi nya. “Son,” he greets his loving son as he sits beside me in the long table. “Ano’ng nangyari bakit hindi ka nakarating kagabi?” he says, sounding civil. Snappy pa rin si Dad, hindi sya mukhan
[KATALEIA’S POV] “Kumusta naman ang rampa?” bati sa akin ni Orlie na ngiting-ngiti pagpasok ko palang ng pinto. Pagod na pagod talaga ako ngayon, pagkatapos ko sa bridal shop dumiretso pa ako sa school para sa remedial ng ilang estudyante kong mabagal pang magbasa. Inuwi ko na lang ang mga che-checkan kong folders para mabawasan ang mga gagawin ko sa Lunes. “Dyusko! Painumin mo muna ako ng tubig!” Inilugay ko ang hanggang bewang kong buhok at sumalampak ako ng upo sa tabi nya. Medyo hinihingal pa ako sa layo ng nilakad ko ng dahil sa pesteng trapik pati sa bigat ng bag na dala ko. Pinunasan ko ang salamin ko sa mata na nabasa ng pawis. Nagulat ako nang may nag-aabot sa akin ng baso, kasi hindi naman kumilos si Orlie sa tabi ko. Sinuot ko ulit ang aking salamin. Pagtingala ko, si Winston pala, ‘yong jowa nya kagabi. “Kat, tubig? Nagluto na rin ako ng sinigang. Kain na kayo,” napaka-sincere ng ngiti nya. Sinuri ko ang suot nyang damit, nakapambahay lang sya. “Nagluto ka?” napap
“Beks, hindi mo pa nakukwento si Chinito! Anyare? Juts o daks?” tanong sa akin ni Orlie pagkaupo namin sa terrace para mag-’two bottles’. “Daks kung daks!” sagot ko naman agad sa kanya, nagtawanan kami sabay apir. Wala akong nililihim kay bakla, ganoon din sya sa akin. “Oh sige nga, pa’no mo nasabing daks…” “Aba, teka nga!” Parang hindi pa naniniwala sa akin si Orlie sa sinabi ko kaya nag-effort akong humanap ng bagay na maipangkukumpara para ma-picture nya ang eksaktong sukat ng binibida ko. Kinuha ko ang bote ng pabango ko at ipinakita ko iyon sa kanya. “Ganyan, bakla??!” nanlalaki ang mata ni bakla. Mamamatay ako sa katatawa sa reaksyon ng mukha nya. “Gaga, hindi! Niloloko lang kita! Sobrang taba naman nito, edi nakaburol na ‘ko sana ngayon!” tawa ako nang tawa. “Medyo parang ganito kataba o ganito, pero ‘yung haba ganito talaga,” mustra ko sa kanya. ‘Ay! Nakakaloka ka bakla! Maluwag ka na!” “Sira! Para ka namang hindi nag-aral ng Science,” pakli ko. Pero napais
“Goodbye, Teacher Kat! Goodbye, classmates! Bring your bags and form your line,” sabay-sabay na sambit ng mga Grade 2 pupils ko.“Pumila kayo nang maayos, h’wag kayong magtutulakan,” saway ko sa kanila. Ang mga batang ‘to, kapag talaga uwian ay laging nagkakagulo. Hinatak ko si Rory Ann sa pila ng mga kaklase nya, paano’y nakikipag-trash talk na naman sa mga kaklase nyang lalake. “Rory Ann, ano’ng sinabi ko sa ‘yo dati? H’wag kang makikipag-away sa mga kaklase mong lalake, baka patulan ka ng mga ’yan, ikaw rin,” inayos ko ang pagkakatali ng kanyang buhok. “Eh Teacher kasi nauna sila eh. Alien daw ako,” nagkakandahaba ang nguso nya habang nagsusumbong.“Alien??! Hindi ah, sino’ng nagsabing alien si Rory Ann?!” nameywang ako sa harap ng pila ng mga pupils ko. “Eh Teacher kasi, ‘yung mata nya, kulay green!” sagot ng isang pilyong kaklase nya, nagtawanan sila.“Hindi sya alien, no! Ang ganda-ganda nga ng mata nya eh! H’wag nyo nang uulitin ‘yon ha! Isusumbong ko kayo sa mga parents ny