Share

PART 2 - THE CHEATING GAME

“Sorry talaga beks, natagalan ako,” naupo ako agad at umorder ng beer. Nauhaw ako sa kamamadaling makarating dito sa disco bar.

“Enjoy naman ako kahit lagi kang late,” patutsada ni Orlie sa akin, pero ngiting-ngiti pa rin. Paano’y nakahanap na sya ng boylet kasi may kasama na sya agad sa lamesa. Kahit papa’no good mood si bakla.

“Hinintay pa kasi namin ‘yung anak ni Tito Miguel, hindi rin naman pala dadating.”

“Baka natakot sa ‘yo sa suot mo.”

Napanguso ako kay bakla. “Ano namang nakakatakot kung naka-white long dress ako?”

“Gabi na kasi, bakla! Mukha kang white lady! Ang haba-haba pa ng buhok mo para kang lumulutang sa ere,” napakasarap ng tawa nya.

“De pota ka!” pakli ko naman sa komento nya. Nakukumpleto talaga ang araw ni Orlie kapag inaalipusta nya ako.

“Si Winston nga pala, beks,” pinakilala nya na sa akin ang boylet nya. “Winston, si Chimini.”

“Chimini? Anong Chimini?” natawa ako kay bakla. Hindi nya sasabihin sa boylet nya ang pangalan ko. Feeling naman ni bakla aagawin ko sa kanya eh parang umangat lang nang konti sa lupa ang boylet nya sa liit. I’m sure juts din ‘to.

“Hi Winston!” nginitian ko ang boylet nya, makikipagkamay pa sana ako kaso pinandilatan na ako ni bakla kaya ipinunas ko na lang sa pawisan kong noo ang inilahad kong kamay.

“Nasa’n na nga pala si Marc, kala ko kasama mo na sya?” tanong ni Orlie sa akin nang maalala nyang may boyfriend pa nga pala ako.

“On the way na raw sya kanina kaso bigla raw syang tinawagan ng boss nya. Ayaw na nga nya ako papuntahin kaso nandito na ‘ko eh.”

Honestly, I don’t really give a damn. Mas okay ngang wala sya eh, para makakarampa ako nang todo nang walang nagbabawal.

“Buti naman makakaganti na rin ako sa ‘yo, bakla! Ikaw naman ang third wheel ngayon! Hahaha!” tinawanan ako ni Orlie paano lagi ko syang karay tuwing may date ako. Pakiramdam nya tuloy ngayon mas maganda sya sa akin kasi may kasama sya tapos ako, wala.

Nang medyo gumaganda na ang kick nang nainom kong alak, inaya ko nang sumayaw si Orlie pati na ang jowa nyang pandak.

“Ang ganda ng tugtog, tara sayaw tayo!” sumunod din naman agad sila sa akin sa gitna ng dance floor.

Para akong nakawala sa kural. Lintik ang kembot at giling ko. Naliligo ako sa pawis. Enjoy na enjoy ako sa magandang tugtog na pine-play ng DJ.

“Beks tingnan mo oh, ‘yung boylet nakatingin sa ‘yo! Ang pogi!” nguso ni Orlie ang pinanturo nya sa mezzanine ng bar.

“Saan?” lumingon naman ako.

Bahagyang madilim sa loob ng disco bar at medyo malabo na rin ang mata ko kaya hindi ko gaanong maaninag ang mukha. Pero nakita ko rin naman kahit papaano. Nakaupo mag-isa sa may bandang pasimano at nakatingin sa akin. Mukha namang ma-postura. Pwede na.

“Hayaan mo syang maglaway!” Nag-apiran pa kami. Ginalingan ko pang lalo ang paggiling ko.

“Ang landi mo talaga bakla! Hahaha!” Tawang-tawa sya sa akin.

+++++

Binibilang ko ang taong nakapila sa ladies room habang iniipit ko ang keps ko. Syet! Panglima pa ako. Sa restaurant palang nakakaramdam na kasi ako, nakalimutan ko na lang sa kakaapura kong makarating agad sa disco bar.

Pasimple kong nilakad ang papuntang men’s room. Do’n na lang ako iihi habang naroroon pa si Orlie, hindi ko na talaga kayang ipitin ang ihi ko at baka bigla na lang tumulo.

Kahit baklang-bakla si Orlie ay hindi mo sya mapapapasok ng ladies room. Ayaw nya. Hindi naman kasi sya nagsusuot ng mga pambabaeng damit. At isa pa, dito rin daw sya madalas nakakahada (sex).

Pagpasok ko ng men’s room ay nakita ko si Orlie na nagre-retouch ng chapstick nya, sinenyasan nya ako agad na h’wag akong maingay.

“Bakit?”

“May nag-iiyutan,” bulong nya sabay pigil nya ng hagikhik nya.

May narinig nga akong mga usal ng babae at lalake sa isang cubicle na may toilet.

“Gaga!” mahinang hagikhik ko rin naman pagkatapos ay pumasok na ako agad sa cubicle na katabi.

Dinig na dinig ko ang däing ng babae sa kabilang cubicle. Sa hula ko, tinitira na no’ng guy ‘yung girl.

“Oh! Oh! Oh!”

Napangiwi ako. Napakapangit naman umungol no’ng girl. Hindi ako gano’n umungol, no! Kapag ako umungol kahit ang makakarinig ay lalabasan sa akin.

Itinataas ko na ang panty ko nang marinig ko naman magsalita ‘yong lalake.

“Shit! Bianca, you’re so wet…”

Biglang namilog ang mga mata ko. Parang pamilyar sa akin ‘yung boses na ‘yon. Napakalakas ng kutob ko.

Ipinuyod ko ang buhok ko. Sinilip ko sa ibabang siwang ng dingding ang kabilang cubicle pero puro binti lang ang nakikita ko. Nakalapag sa sahig ‘yong pantalon ng lalake pero nakasuot pa rin sa kanya. Inabot ko ‘yon sabay hinila ko nang hinila.

“What the hell?!”

I caught him off guard. Hinahabol pa nya ‘yung pantalon nya pero huli na sya, nakuha ko na ito.

“Beks, ano ‘yan??!” dilat na dilat ang mata sa akin ni Orlie at sa itim na slacks at blue na brief na hawak ko. Natigilan sya sa paghuhugas ng kamay nya sa sink.

Bumukas ang pinto ng cubicle kung nasaan ang may-ari ng pantalon. Kitang-kita ko sa dalawang mata ko, si Marc, ang boyfriend ko for five months na may kasamang ibang babae.

“Kat, please… Ibigay mo sa ‘kin ‘yan, I can explain,” pakiusap nya sa akin. Hila-hila nya pababa ang suot nyang polo. Hindi sya nag-aakmang humakbang palabas ng cubicle, nakalahad lang ang isa nyang braso sa akin.

“Sino ‘yan?!?” turo ni Orlie sa babae na nasa likod nya, pilit nyang ipinantatakip ang katawan nya sa babae para hindi namin makita. Ang sweet talaga ng boyfriend ko.

“Orlie, please,” si Orlie naman ang pinakiusapan nya.

“Explain ka muna.” Imbyernang imbyerna talaga ako. Ini-level ko ang slacks na hawak ko sa balikat ko. Hinihintay ko syang magsalita kahit alam namin pareho na wala na syang dapat ipagpaliwanag pa.

“You’re so fun, Kat. Kaso I need someone serious,” sabay kamot sa batok nya nang hindi tumitingin sa akin.

Talaga namang tumaas ang kilay ko.

“You’re looking for someone serious pero tinitira mo ‘yang babae na ‘yan sa public restroom. Are you fucking kidding me??!”

“Usap tayo, Kat. Just please, give me that,” pakiusap ulit ni Marc.

“Parang hindi naman na natin kelangang mag-usap, at isa pa, I was about to ditch you anyway. Ang liit ng titë mo, gago!”

Inilaglag ko ang slacks at brief nya sa sink na may nakabukas na gripo at hinayaan ko ‘yon mabasa pagkatapos ay lumabas na kami ni bakla ng men’s room.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status