“K.”
“K?” tumagilid naman sya sa tabi ko habang inaabot ang nabasa ko na namang keps. “A-as in... letter… K,” nagkakaputol-putol ang boses ko. “Oohh... Ohhhhhh..." “Dang, you’re so beautiful.” Napapaliyad na naman ako sa sarap ng pagkalabit nya sa t*nggel ko. Bwisit! Mukhang malapit na naman akong labasan. Napapikit ako nang mariin habang kagat-kagat ko ang labi ko. “That should be the first letter of your name, funny. Letter K din ang sa ‘kin,” bulong nya habang binabaybay ng maiinit nyang halik ang papunta sa pagitan ng mga hita ko. +++++ Napabalikwas ako sa higaan nang mag-ring ang cellphone ko, tirik na pala ang araw sa labas. Tinanghali ako ng gising. “‘Ma!” “Nasa’n ka na? Andito na kami nina Ate Olivia at Kuya Knives mo sa bridal shop. Kagigising mo lang ba? Nakatulog na lang ako sa kahihintay ng tawag mo, ano’ng oras ka ba umuwi?!” wala ni hi or hello, galit na agad si Mama. “Huh?!” Napatalon ako bigla sa kama, nawala bigla ang bigat ng ulo ko. May fitting nga pala kami ngayon, hindi ko na-alarm ang cellphone ko. “Ano, ‘Ma, nagkakwentuhan pa kasi kami ng friends ko tapos na-lowbatt na ‘ko kaya hindi kita natawagan. Sorry na po!” sabay haklit ko sa tuwalyang nakasabi sa likod ng pinto. “On the way na po ako, ‘Ma!” “Ano ba naman ‘yan, Kataleia! Bilisan mo na lang at nakakahiya sa Kuya Knives mo,” may gigil ang bulong ni Mama sa kabilang linya. Loko ah! Isa’t kalahating oras kaming naghintay sa kanya kagabi sa resto tapos ako pa ang mahihiya sa kanya kasi late ako ngayon? Napasimangot ako. Pero dahil sa inaaalala ko ang nakabusangot na mukha ni Mama ay binilisan ko na ring gumayak. +++++ “There you are!” sinalubong ako ni Ate Olivia sa glass door ng bridal shop, may hawak syang wine glass. “Sorry po, medyo na-late ako ng gising,” natitilihan kong sagot. “It’s okay, shobe. Hindi naman boring dito sa shop ni Alicia. In-enjoy ko nang husto ang wine nya,” kinurot nya ako sa pisngi sabay balik nya sa matangkad na cotourier. "This is Kataleai, Alicia. The Maid of Honor. I want her gown to be perfect, okay?" Napansin kong medyo namumula na ang mukha ni Ate Olivia. Siguro nakarami na sya ng nainom sa kakahintay sa akin. Nahiya akong lalo. “Come, hija,” iginiya naman ako agad ng babaeng kasing-sopistikada ring manamit ni Ate Olivia sa dressing room para pagpalitin ng damit at sukatan. “Wow! You’re so pretty, shobe! Bagay na bagay sa ‘yo ang kulay! Lumalabas lalo ang ganda mo, and your boobs, grabe, I wish I also had those,” tumango-tango pa si Ate Olivia sa pagkakasabi nya. Napatingin ako sa boobs ko. May pagka-OA rin itong si Ate Olivia, hindi naman malaki ang boobs ko. Umapaw lang nang konti sa sobrang sikip ng gown eh. Kunsabagay, halos wala kasi syang boobs sa kapayatan nya. “It’s perfect! Wala na ga'nong alterations na gagawin sa gown ng sister mo, Olivia!” namemeywang ‘yong cotourier habang pinagmamasdan ako mula laylayan ng gown na suot ko, paakyat ng mukha saka pababa ulit sa laylayan. “Ahm, sa dito ko po. Parang ano po kasi,” nahihiya akong ituro ang s*so kong napiyot na sa sikip ng gown. Inayos-ayos ko ang pagkakapit ng salamin ko sa mata. “Where, hija?” Inikot-ikot pa ako nitong cotourier na animo’y basketbolista sa tangkad. Parang hindi nya nakikita na halos umakyat ang dalawang s*so ko sa ibaba ng leeg ko sa pagkakaipit. “I can’t see any problem.” Nakita kong lumabas si Mama sa isa pang dressing room. Wow! Na-impress ako sa ganda ng damit ng suot nya. Although hindi ito traje de boda ay napakaganda ng napili nyang suotin sa wedding day nya. “Ang ganda-ganda mo, ‘Ma!” napaglapat ko ang mga kamay ko in admiration. Ang lawak ng ngiti ni Mama sa akin. “Talaga ba, anak? Hindi ba masyadong uhm, daring?” pilit nyang itinatakip ng puting blazer na suot ang gumuguhit nyang cleavage. Ayaw ni Mama ng nakalitaw ang dibdib. Actually, ayaw ko rin no’n. Pareho kasi kaming, uhm, conservative, mahinhin at mahiyain. *ubo.* “We can fix it, madame. Medyo iaangat lang natin nang konti dito,” hinawakan ng cotourier ang harapan ng damit nya, nangilag sya nang konti. “Nasa’n po pala si… si…” naalala kong narito rin pala ‘yong anak na lalake ni Tito Miguel, kaso parang wala naman akong nakitang lalake dito sa bridal shop mula pa kanina no’ng dumating ako. “Si Knives? Don’t mind that kid,” sagot ni Ate Olivia. Kinampay pa nya ang kanyang kamay. “Masyadong mainipin. Pagkatapos nyang i-fit ‘yung tux nya, ayun, he just went, poof!” natatawa na naiiling pa nyang sabi. “Ang tagal mo kasing dumating,” irap sa akin ni Mama, pero hindi na sya galit sa akin, kasi nauto ko na sya no’ng sinabi kong maganda sya. “Naku, nakakahiya naman. Baka nagalit po sa ‘kin,” lalo akong nahiya. Hindi pa man kami nagkikita ay pangit na agad ang dating ko sa kanya. Ayon sa tsismis ni Mama sa akin, ‘yong Knives raw ay nakatira sa Manhattan kasama ng kanyang asawa. Real estate developer raw ito, bumibili ng mga lupa o mga lumang gusali at pinatatayuan ng mga condominium. ‘Self-made billionaire,’ ‘ika pa ni Mama. No’ng mag-divorce si Tito Miguel at ina nila ay naghati sila sa mga anak nila, si Ate Olivia ang napunta kay Tito Miguel at ‘yong Knives sa mommy nila. Kaya hindi raw close ‘yong Knives sa ama. Madalas raw magtalo tuwing magkakausap sa telepono. “Okay lang ‘yon shobe, don’t stress,” hinaplos nya ang pisngi ko. Muntik na akong umilag, akala ko mangungurot na naman sya. “He has no intention to wait around for anyone, anyway. It’s his loss. Hindi nya pa tuloy nakikita ang napaka-pretty nyang future baby sis.”[KNIVES' POV] “Why can’t you just move on, Knives? Act just like a civilized person, ano pa ba’ng pinaglalaban mo?” I clutched my hair. I was talking about something else, but inentrahan naman nya ako ng iba. Napakawala rin kwentang kausap ng aking asawa. “I’m still having jet lag, Divine, kaya hindi ako nakapunta. Let’s not talk about this, okay?” “What do you wanna talk about, huh? You want us to talk about how much we adore each other? Hahaha!” she laughs sarcastically. “I wanna hear how you're gonna kill me,” ibinalik ko sa kanya ang pagka-sarcastic nya. “All is good, Knives. Wala namang nabago. You just left the other day; nagtatanong ka na agad ng update? Call your sec—” I saw Dad coming, kaya pinatayan ko na si Divine ng cellphone. Puro ka-badtrip-an rin lang naman ang sinasabi nya. “Son,” he greets his loving son as he sits beside me in the long table. “Ano’ng nangyari bakit hindi ka nakarating kagabi?” he says, sounding civil. Snappy pa rin si Dad, hindi sya mukhan
[KATALEIA’S POV] “Kumusta naman ang rampa?” bati sa akin ni Orlie na ngiting-ngiti pagpasok ko palang ng pinto. Pagod na pagod talaga ako ngayon, pagkatapos ko sa bridal shop dumiretso pa ako sa school para sa remedial ng ilang estudyante kong mabagal pang magbasa. Inuwi ko na lang ang mga che-checkan kong folders para mabawasan ang mga gagawin ko sa Lunes. “Dyusko! Painumin mo muna ako ng tubig!” Inilugay ko ang hanggang bewang kong buhok at sumalampak ako ng upo sa tabi nya. Medyo hinihingal pa ako sa layo ng nilakad ko ng dahil sa pesteng trapik pati sa bigat ng bag na dala ko. Pinunasan ko ang salamin ko sa mata na nabasa ng pawis. Nagulat ako nang may nag-aabot sa akin ng baso, kasi hindi naman kumilos si Orlie sa tabi ko. Sinuot ko ulit ang aking salamin. Pagtingala ko, si Winston pala, ‘yong jowa nya kagabi. “Kat, tubig? Nagluto na rin ako ng sinigang. Kain na kayo,” napaka-sincere ng ngiti nya. Sinuri ko ang suot nyang damit, nakapambahay lang sya. “Nagluto ka?” napap
“Beks, hindi mo pa nakukwento si Chinito! Anyare? Juts o daks?” tanong sa akin ni Orlie pagkaupo namin sa terrace para mag-’two bottles’. “Daks kung daks!” sagot ko naman agad sa kanya, nagtawanan kami sabay apir. Wala akong nililihim kay bakla, ganoon din sya sa akin. “Oh sige nga, pa’no mo nasabing daks…” “Aba, teka nga!” Parang hindi pa naniniwala sa akin si Orlie sa sinabi ko kaya nag-effort akong humanap ng bagay na maipangkukumpara para ma-picture nya ang eksaktong sukat ng binibida ko. Kinuha ko ang bote ng pabango ko at ipinakita ko iyon sa kanya. “Ganyan, bakla??!” nanlalaki ang mata ni bakla. Mamamatay ako sa katatawa sa reaksyon ng mukha nya. “Gaga, hindi! Niloloko lang kita! Sobrang taba naman nito, edi nakaburol na ‘ko sana ngayon!” tawa ako nang tawa. “Medyo parang ganito kataba o ganito, pero ‘yung haba ganito talaga,” mustra ko sa kanya. ‘Ay! Nakakaloka ka bakla! Maluwag ka na!” “Sira! Para ka namang hindi nag-aral ng Science,” pakli ko. Pero napais
“Goodbye, Teacher Kat! Goodbye, classmates! Bring your bags and form your line,” sabay-sabay na sambit ng mga Grade 2 pupils ko.“Pumila kayo nang maayos, h’wag kayong magtutulakan,” saway ko sa kanila. Ang mga batang ‘to, kapag talaga uwian ay laging nagkakagulo. Hinatak ko si Rory Ann sa pila ng mga kaklase nya, paano’y nakikipag-trash talk na naman sa mga kaklase nyang lalake. “Rory Ann, ano’ng sinabi ko sa ‘yo dati? H’wag kang makikipag-away sa mga kaklase mong lalake, baka patulan ka ng mga ’yan, ikaw rin,” inayos ko ang pagkakatali ng kanyang buhok. “Eh Teacher kasi nauna sila eh. Alien daw ako,” nagkakandahaba ang nguso nya habang nagsusumbong.“Alien??! Hindi ah, sino’ng nagsabing alien si Rory Ann?!” nameywang ako sa harap ng pila ng mga pupils ko. “Eh Teacher kasi, ‘yung mata nya, kulay green!” sagot ng isang pilyong kaklase nya, nagtawanan sila.“Hindi sya alien, no! Ang ganda-ganda nga ng mata nya eh! H’wag nyo nang uulitin ‘yon ha! Isusumbong ko kayo sa mga parents ny
Kapag si Orlie talaga ang sinabihan mo na mayroon kang importanteng ibabalita ay hindi na talaga makakahintay na makauwi ka pa sa bahay, kailangan malaman na nya agad. At isa pa, lagi rin naman kaming nagkakasalisihan dahil graveyard shift sya ngayon kaya nag-decide na lang kami na mag-meet halfway pag-out sa school para masabi ko na sa kanya ang balita ko bago pa man sya pumasok sa trabaho.And since ice-celebrate nila ang nakapa-cheesy na ‘second weeksary’ nila ng jowa nya ay sa mamahaling coffee shop kami nagkita. Marami pa naman akong bitbit ngayon dahil inuwi ko na ang ilang gamit ko sa classroom. Naka-uniform pa ako. Hindi tuloy ako magkandaugaga sa dala kong bond paper box at eco bag bukod pa sa shoulder bag ko na pamasok. Nang mapansin kong nag-red ang stoplight ay tumawid na ako agad sa pedestrian lane. Bigla akong natigilan sa gitna sa sobrang gulat ko nang bumusina nang malakas ang rumaragasang SUV na nagbi-’beating the red light’. Nagtalsikan pa ang maitim na tubig galin
[Kristian Knives Yuchengco Tuazon POV] PUMIPITIK ang magkabilaan kong sintido. This, by far, is the worst hangover of my entire life. Hindi ko alam kung gaano karami ang nainom ko kagabi. Hinila ko lang ang sarili ko paupo sa kama nang ma-realize kong wala na sa tabi ko ang magandang babaeng kayakap ko kagabi bago ako nakatulog. Nakita ko sa ibabaw ng round table ang note na sinulat nya: ‘Hey K, I need to go. Sorry, hindi na kita ginising. Thanks a lot! xoxo K PS: I got you something for the hangover.’ She left me this one short note and an ibuprofen. Wow! Good guess, K. It was one hell of a night. I remember her. I remember her smell and what she tastes like. I remember her long brown hair and her soft tan skin. I remember how she looked when I first slid my cöck into her. I can still hear her soft moans inside my head. Naaalala ko kung paano ko sya paulit-ulit na inangkin kagabi. We first did it inside my car. Then in the bathroom, on the bed, and at the ro
[KATALEIA BRIONES POV] “WELL, I guess hindi na darating si Knives, isa’t kalahating oras na tayong naghihintay dito eh.” Napalingon ako kay Tito Miguel, sa wakas nainip na rin sya sa kahihintay nya sa anak nya. Nakahinga ako nang maluwag. Kanina pa ako fina-flood ni Orlie ng text, baka inuugat na lalo ‘yung baklang ‘yon sa kahihintay sa akin. At isa pa, kanina pa ako nagugutom. Nagugutom na rin siguro si Kuya Mike, ang asawa ni Ate Olivia na nakaupo sa harap ko. Pero parang ako yata ang gusto nyang kainin, kasi kanina ko pa napapansin ang mga pang-manyakis na mga sulyap nya sa akin. Welcome dinner sana ito para do’n sa Knives na kararating lang galing States, kaso, hindi nya sinipot. Plano sana ni Tito Miguel na magkakila-kilala kaming mga anak nila at pag-usapan ang nalalapit nilang kasal ni Mama. “Love, the night’s still young, baka mahintay pa natin sya nang konti pa?” Napaismid ako sa hirit ni Mama pero hindi ako nagpahalata. Napa-cross fingers na lang ako sa ilalim ng l
“Sorry talaga beks, natagalan ako,” naupo ako agad at umorder ng beer. Nauhaw ako sa kamamadaling makarating dito sa disco bar. “Enjoy naman ako kahit lagi kang late,” patutsada ni Orlie sa akin, pero ngiting-ngiti pa rin. Paano’y nakahanap na sya ng boylet kasi may kasama na sya agad sa lamesa. Kahit papa’no good mood si bakla.“Hinintay pa kasi namin ‘yung anak ni Tito Miguel, hindi rin naman pala dadating.”“Baka natakot sa ‘yo sa suot mo.”Napanguso ako kay bakla. “Ano namang nakakatakot kung naka-white long dress ako?”“Gabi na kasi, bakla! Mukha kang white lady! Ang haba-haba pa ng buhok mo para kang lumulutang sa ere,” napakasarap ng tawa nya. “De pota ka!” pakli ko naman sa komento nya. Nakukumpleto talaga ang araw ni Orlie kapag inaalipusta nya ako. “Si Winston nga pala, beks,” pinakilala nya na sa akin ang boylet nya. “Winston, si Chimini.”“Chimini? Anong Chimini?” natawa ako kay bakla. Hindi nya sasabihin sa boylet nya ang pangalan ko. Feeling naman ni bakla aagawin ko