Share

PART 3 - OOOPSIE!

“Are you okay, beks?” tanong sa akin ni Orlie nang makabalik kami sa lamesa namin. Concerned na concerned sa pagkatulala ko ang bestie ko.

“Never been better!” sabi ko naman sa kanya sabay lagok ko sa iniinom kong beer. Ibinalik ko ang ngiti ko sa mukha ko.

Imbyerna ako, oo. Kami pa pero may dinadale nang iba. Syempre, nasaktan ang ego ko. Pero ‘yong pakiramdam na nasaktan ang puso at iiyak, parang hindi naman. Hindi pa kami ganoon kalalim ni Marc. Nanghihinayang lang ako kasi si Marc na ang pinakamatagal kong boyfriend. Kahit medyo juts sya ay gwapo naman si Marc at may stable rin na trabaho. Ipi-period ko na nga sana sa kanya. Magpapakatino na ako, kumbaga. Buti na lang din nalaman ko na nang maaga. Dito kami sa disco bar na ito nagkakilala ni Marc, dito rin nagtapos ang relasyon naming dalawa.

“Uy si Pogi, bumababa na!” turo ni Orlie sa lalakeng naka-eye to eye ko kanina habang gumigiling ako sa dance floor. “Uuwi na ‘ata, maaga pa ah! May nyosawa (asawa) na siguro,” sabi ni Orlie na medyo nadidismaya.

“Does it matter kung may asawa o wala?” pinilantik ko ang nakapuyod kong buhok habang tinitingnan ang lalakeng naglalakad pagawi sa likuran ko papuntang exit ng disco bar.

Nabuhayan ng loob sa akin si Orlie.

“That’s my girl!” at napapalakpak pa talaga si bakla.

“Sige beks, magpaka-hot ka! Prove Marc nagkamali sya sa ginawa nya sa ‘yo!”

+++++

“Ooopsie!” naglulumanding sambit ko nang masilo ko ang braso ng lalake habang dumadaan sya sa likuran ko.

“Hi!” napakatamis ng ngiti nya sa akin.

Syet! Sobrang pogi naman pala sa malapitan. At ang bango! Weakness ko pa naman ang mababangong lalake. Buti na lang nakaupo ako kundi nalaglag na ang panty ko kasama pati bra.

“Uuwi ka na?” inipit ko ang lumugay na buhok sa likod isa kong tenga. Narinig ko ang pag-ubo ni Orlie pero hindi ko sya pinansin.

“I don’t own a house here,” sagot ng lalake.

Syet. English. Slang. Mapapalaban si Ma’am Kat.

“So… Where do you live?”

“U-hu, u-hu…”

Tinapunan ko na ng masamang tingin si Orlie. Nasisira nya ang diskarte ko. Agad naman naka-gets si bakla. Tumayo na sya sa kinauupuan nya karay-karay ang pandak nyang ka-date.

“Beks do’n muna kami ha, ang hot dito eh. Hindi umaabot ang aircon.” Nakita kong magka-abresiete ang dalawa na may palingon-lingon pa sa akin habang tumatawa.

“Where are you staying?” ni-rephrase ko na lang ang tanong ko. Para nga namang sa kindergarten lang tinatanong ‘yung ‘where do you live?’

“At a hotel room.”

“You wanna join me here? My friends just left me.”

“Oh, I’m sorry but I think I had more drinks that I could handle, but, thanks.”

Kinabahan ako bigla nang matanaw ko si Marc na kausap si Orlie. Nagsasalubong ang kilay ni Marc tapos tumuturo si Orlie sa ibang direksyon. Malamang hinahanap nya ako at galit sya sa akin sa ginawa kong pagtubog sa slacks at brief nya sa sink ng men’s room. Hindi afford ng kagandahan ko ang pangalawang komprontasyon. Nag-isip ako agad ng paraan.

“C-can I come with you?” Tumayo ako sa kinauupuan ko. Medyo hinila ko ‘yong lalake palapit sa akin para matakpan nya ako sa paningin ni Marc. Tinanggal ko na rin ang pagkakatali ng buhok ko, nilugay ko iyon kunwari nagpapa-cute ako.

“Ah… I don’t think—”

Nakita ko si Marc na pagawi na sa direksyon ko, bigla akong nataranta. Tumingkayad ako nang konti sabay siniil ko ng halik ang lalake na nasa harap ko. Kumunyapit ako sa leeg nya nang medyo lumalayo sya sa akin sa sobrang gulat nya. Nakita ko si Marc na naglakad sa likuran ng lalakeng kahalikan ko, luminga-linga sa paligid saka tuluyang lumabas ng exit.

Nakakahinga na sana ako nang maluwag pero naramdaman kong niyayapos naman ako sa likod ng lalake. Nababali na ang likod ko sa paghabol nya sa mga labi ko kaya bumitaw na ako sa leeg nya.

“You kissed me,” bumubulong sya malapit sa bibig ko. “What’s your name?”

Naamoy ko ang brandy na nainom nya na humahalo sa pabango nya. para akong nabitin bigla. Napalunok ako ng laway. Hindi ako nakapag-focus kanina sa kakatago ko sa ugok na Marc na ‘yon.

Ang gwapo talaga, ang tangos ng ilong at ang mga mata, chinito. Tinitigan ko ang mga labi nya. Para akong nababatobalani. Baka hindi ako makatulog kung hahayaan ko na lang matapos ang gabing ito nang hindi ko matitikmang muli ang mga labi nyang iyon.

“Ahm... Can w-we try again?” Hinalikan ko sya ulit.

This time, naka-concentrate na ako. Bahagya nyang pinaling ang ulo nya sa kanan. Shit, para na akong dinuduyan. Ang sarap nyang humalik. Napakabanayad. Nadala na ako, naisampay ko na tuloy ang mga braso ko sa balikat nya. Niyapos nya pa akong lalo. Dikit na dikit ang mga katawan namin sa isa’t isa. Naramdaman ko ang dila nya kada buka ng bibig nya sa akin, kumawala ang mahihinang ungol ko. Halik palang naungol na. De pota talaga!

“Get a room!”

Narinig kong may sumigaw. Narinig nya rin ‘yon kasi sabay kaming napabitaw.

Natawa ako. Napakamot naman sya sa ulo nya tapos nagpalingon-lingon sya sa paligid habang sapo-sapo ang batok nya na parang hindi nya matandaan kung paano sya nakarating sa harap ko. Napahagikhik ako.

“D-do you? Ah— s-sorry,”

Hala, nautal na sya sa pagkailang.

“Sorry… Sorry…”

“Why are you saying sorry?” Natatawa akong lalo sa kanya. Tinitingnan nya na lang tuloy ako na tawa nang tawa.

Alam ko namang gusto rin nya kung anong naiisip kong gawin. Ako na lang ang magsasabi nang hindi nya magawang bigkasin.

“You wanna get outta here?” Uyy, gumanda ang English ko. Magka-holding hands na kami paglabas namin ng disco bar.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status