Share

Chapter Twenty-eight

MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan ni Megara matapos marinig ang paliwanag ng lalaki sa harap niya.

"Pasensiya ka na talaga, Meg. Pinaghahanap na ako ng mga pinagkakautangan ko. Dahil sa takot, napilitan akong magsinungaling sa lahat ng taong naghahanap sa akin."

Pinagmasdan niya ang mukha ng binatang si Roy. Halata nga roon na problemado ito. Malalim ang itim sa ilalim ng mga mata nito at humpak din ang magkabilang pisngi.

"Pero ano ba talaga ang nangyari sa kaniya? Namatay ba talaga siya?"

Hindi ito makatinging nagbaba ng mukha. "O-oo. Nandoon ako sa ospital nang ideklara ng doctor na dead on arrival siya."

Malalim siyang nagpakawala ng hangin sa narinig. Tila hindi makapaniwalang napahawak siya sa sintido at pumikit.

Kung talagang patay na ang ex niya, sino ang nagpapadala sa kaniya ng mga litrato nila na tanging siya at ang dating karelasiyon lamang ang mayroon!

"Bakit mo nga pala naitanong? May nangyari ba?" usisa ng lala

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status