Share

Chapter Twenty-seven

"MAY lalaki ka ba?"

Salubong ang dalawang kilay, lumingon si Meg at tinitigan siya na parang hindi makapaniwala. Bakas ang pinaghalong inis at pagkalito sa mukha ng babae.

"Are you seriously asking me that?"

Matagal niya itong tinitigan. Siya man, gustong saktan ang sarili dahil sa mga naiisip niya. Asawa niya si Megara, kilala niya ito. Hindi magagawa sa kaniya ng babae ang magloko, pero napa-paranoid na siya. Siguro dahil ginagawa niya kaya takot siyang gawin sa kaniya.

"Sino ang lalaking iyon?"

"Sinong lalaki ba ang tinutukoy mo?" Bahagyang tumaas ang boses ni Megara. Halata niyang hindi na ito komportable sa pinag-uusapan nila.

"Iyong lalaking nagmamatyag sa iyo sa labas. Sino siya? Stalker mo ba? Dati mong karelasiyon, o baka naman may namamagitan sa inyo?"

Lalong lumalim ang mga gitla sa noo ng babae. "Ayusin mo nga iyang pananalita mo, Russel! Of all people, ikaw dapat ang nakaaalam na hindi ko magagawa iyang pinagsasabi mo!"

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status