Share

Chapter 40

Third person point of view

"Connor, sino ang pupunta ng america?" Tanong muli ni Florence dahil walang sumagot sa una niyang pagtatanong.

Pinakatitigan niya ang dalawang lalaki na nasa harapan niya at nagkakambatan ang mga ito, sa hinuha niya ay nagtuturuan ang dalawa kung sino ang sasagot sa tanong niya.

"Connor!" Napipikon na tinawag niya ang pangalan nito.

Napatayo ito at halata ang kaba sa mukha.

"Ako, plano ko na d-,"

Parang bomba na sumabog sa pandinig niya ang sinabi nito kaya naman bago pa nito matapos ang dapat na sabihin ay sumingit na siya.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin kaagad? Dahil ba ito sa mga nalaman mo tungkol sa akin. Kasi kung dahil doon ay handa naman akong baguhin ang sarili ko. God I really hate my life!" Bulalas niya na hindi na pinatapos ang sasabihin pa sana nito.

Hindi na niya hinintay ang sagot nito. Tumalikod na siya dahil hindi na niya hahayaan na masaktan lang siya dahil magpapaalam na ito sa kaniya.

"Florence!"

Tinawag nito ang pangalan niya pero hindi
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status