Matapos ang trabaho ko ay wala kaming imikan dalawa, tila naramdaman niya ang tensyon sa pagitan namin dahilan para hayaan niya muna akong matahimik.Hanggang sa trenta minutos ang lumipas ay marahan niyang kinuha ang kamay ko at hinawakan, “Is there any problem, honey?”Nalingon ko siya sa kanyang tanong, “Wala naman, pagod lang ako. Marami rin kasi ang kailangan ko sulatin, isa pa problema ko rin ang bookstore ni mommy.”“Mmm, okay honey.” Isinandal niya ang ulo sa balikat ko dahilan para hindi ako gumalaw.Ikatlong araw ng pagiging malamig ko kay Maxwell ay hindi pa naman niya nahahalata iyon ng sobra.Habang naglalakad ako papasok sa office ay biglang may humila sa akin at pilit akong isinakay sa van.“Pinatatawag ka ng boss namin,” mariing sabi ng lalake dahilan para kumabog ang dibdib ko.“S-Sino?”“Ang may ari ng Elvion Company,” sagot nito. Natahimik ako at dinala nga nila ako sa kumpanya, wala naman akong nagawa.Nang makaharap ang lalake na tila kasing taon lang naman ni Cha
Kinaumagahan ay hindi niya rin ako iniwanan ng mensahe, pagkapasok ko sa trabaho ay mukhang wala rin siya sa mood dahil salubong ang kilay niya at blangko siya kung tumingin.Dahil doon ay hinayaan ko na muna siya, at binigyan ng oras. Hanggang sa maya-maya ay ipatawag niya ako sa opisina niya.Nang makaharap ko siya ay seryoso siyang nakatitig sa laptop niya habang pinaiikot ikot niya sa daliri ang ballpen na hawak.Saglit akong napalunok nang itaas at ibaling niya sa akin ang tingin, bago lumapit ay huminga muna ako ng malalim.“Anong kailangan mo?” mahinahon na sabi ko habang nakatayo sa harapan niya.“Humor me,” mahinang sabi niya at natigilan ako nang tumayo siya at may ilapag na litrato sa harapan ko.Nangunot ang noo ko at seryosong tinitigan ang litrato ni Astor na pilit akong hinapit.“Ano na naman kaya ang pakulo niya?” walang gana kong bulong at napabuntong hininga.“Don’t tell me you believe that?” turo ko sa litrato.“Sa office niya ito, right?” matipid niyang tugon, at b
Kinagabihan ay wala talaga siyang paramdam dahilan para mawala ako sa mood.Pairap kong tinignan ang cellphone at walang kahit anong mensahe niya dahilan para magtrabaho na lang ako.Panay ang tipa ko sa keyboard at mabibigat ‘yon hanggang sa bumukas ang pinto sa kwarto ko.“Anak, dinig na dinig sa labas ang pagtipa mo. Baka masira ‘yan,” natatawang sabi ni mommy.Lumabi ako at bumuntong hininga. Isinarado niya na ang pinto ko kaya inagapan ko na ang pagtipa.Kinaumagahan ay kahit sa trabaho ay hindi niya ako tinatapunan ng atensyon, hanggang sa lumipas nang lumipas ang araw ay dalawang linggo na kaming ganoon.Labis na pagtatampo ang naramdaman ko, ngunit wala naman ng kami kaya wala ako magawa.Isang araw ay pinatawag ako ni Chairman Fierez upang ibigay ang payment, siya talaga ang nagbibigay ng payment ngunit natigilan ako sa pahabol niyang sinabi.“Kunin mo kay Maxwell ang isang bayad ng project mo sa kanya.”“O-Opo,” naiilang na tugon ko bago ako pumunta sa opisina ni Maxwell, na
“Maybe,” matipid na sagot ko at tiningala siya.“Padaanin mo ako, hindi ko na matagalan ang presensya mo,” may riing sabi ko at sinagi ang balikat niya dahilan para mapagilid siya ngunit labis na nanlaki ang mata ko nang hawakan niya ang balikat ko at pabalikin.Mas nanlaki ang mata ko nang madali at mabilis niya akong naiangat paupo sa desk niya, “A-Ano bang g-ginagawa—hmp!” Halos mahigit ko ang sariling paghinga nang hawakan niya ang likod ng ulo ko at halikan ang labi ko.“M-Maxwell a-ano ba—” ngunit hindi niya na ako pinagsalita at mariin akong hinalikan sa labi, ngunit mabilis ko siyang naitulak nang malakas na bumukas ang pinto.“Maxwell,” mariin na tawag ni Chairman Fierez sa pangalan ng anak, nanlaki ang mata ko at natitigan si Maxwell sa mata.Huminga ng malalim si Maxwell at dahan-dahan na lumayo sa akin, nilingon niya ang ama dahilan para bumaba ako sa desk ni Maxwell at napayuko.“What’s the meaning of this?!” malakas na tanong ni Chairman Fierez.“I know you’re not cluele
Ngunit kinaumagahan ay nagising ako dahil sa malakas na iyak ni Jaidah, habang ang sigaw ni mommy ay dinig na dinig ko dahilan para tumayo ako at magmadaling lumabas.Wala pang suot na bra ay napapunta ako sa bookstore, ngunit nakita ko kung paano nagpumilit pumasok ang mga kalalakihan na galing sa gobyerno.At naitulak si mommy at Jaidah, umawang ang labi ko nang makita kong kunin nila lahat ng libro. Lumapit ako kaagad, “A-Anong ginagawa niyo!?” Hinila ko ang kamay ng isang lalake ngunit malakas niya akong itinulak dahilan para sumalampak ako sa sahig.“Huwag na kayong manlaban, kinukumpiska namin ang lahat ng nandito dahil wala kayong permit,” malakas na sabi ng lalake na ikinataka ko.“Ilang taon na nakatayo ang bookstore na ‘to! Anong walang permit!?” galit na sabi ko.“Itigil niyo ‘yan!” sigaw ko.“Ano ba!” “Huwag na ho kayo manlaban para walang masaktan!” nauubos pasensya na sigaw ng isa, halos mangiyak ako nang makita kong malukot ang ibang mga libro at masira ang seal nito.
“W-Who scratched my woman?” sobrang hina niyang tanong, ngunit walang nakasagot.“Who hurt you?” pag-uulit niya at hinaplos ang pisngi ko na nagalusan dahil pwersahan kaming dinala dito.“Dahil nanlaban pa siya—”“You did this?” kwestyon ni Maxwell sa pusong babae na lalake, yung manager ng hotel.Deretsong tumayo si Maxwell, “O-Of course not!” tanggi kaagad ng hotel manager.“Then fucking tell me who did this to my woman! Who?!” gigil niyang sigaw habang nakakuyom ang kamao.“Mr. Fierez, please calm down.” Lumapit ang police at hinawakan sa braso si Maxwell ngunit hinawi ‘yon ni Maxwell.“Don’t you dare touch me,” banta ni Maxwell at sinulyapan kami.“Magkano ang hindi nila nabayaran?” tanong ni Maxwell at inilabas ang wallet niya.“Thirty thousand,” sagot ng hotel manager.Natigilan ako nang sumunod si Samuel at iabot ang isang brief case, binuksan ‘yon ni Maxwell sa ibabaw ng mesa at punong puno iyon ng bundle na tig-iisang libo.Nang maiabot ni Maxwell ang thirty thousand, ay hina
Kagat-kagat ko ang labi habang pasimpleng nakikinig sa usapan ni Maxwell at nang may ari ng bahay, “So this house is really up for rent? How about I buy it?” pakikipag-usap ni Maxwell habang gwapong nakaupo sa sofa.Ang babae na nasa thirties rin ay hindi maalis ang tingin sa mukha ni Maxwell, “E-Eh sir—”“You built this house for 9 million right?” sabi ni Maxwell habang hawak ang isang manahalin na wine glass, at sumisimsim doon.“Yes sir, y-yung lupa po ay nagkakahalaga ng limang milyon.” Napahawak ang babae sa kanyang buhok at sinulyapan ako.“Nakakaintindi po ba siya ng tagalog madam?” bulong nito sa akin kaya napaayos ako ng tayo at tumango.“So it cost fourteen million for the house and the land itself, what about the appliances?” Maxwell asked as he was glancing on me which made me pout.‘Ang mahal. Bahay mayaman kasi..’“H-Halos isang milyon ho mahigit sir,” tugon ng house owner at hindi alam kung saan titingin ngayong direkta siyang tinitignan ng asul na mata ni Maxwell.“The
Pagkapasok sa opisina niya ay halos masapo ko ang mukha nang sampalin niya ako ng isang bundle ng pera at sampalin gamit ang palad.“Ma’am—”“Be my slave,” gigil niyang sabi.“O-Opo,” napayuko ako at tinanggap ang alok niya.“I’m not interested in knowing your name so I’ll call you my slave, ilalagay ko ang desk mo dito sa loob ng opisina ko para mabantayan ka. Huwag na huwag kang pupuslit!”“Opo ma’am, o-opo..” Naiiyak kong sabi, huminga ito ng malalim at maya-maya ay pinapasok niya na ang desk ko sa loob.Dahil doon ay naging taga-linis rin ako ng opisina niya, pati pagbili ng kape ay ako rin, kahit lunch niya.Hanggang sa tumagal ako ng isang buwan sa kanila at araw-araw masakit ang buong katawan ko, ngunit sa loob ng isang buwan na ‘yon ay mahigit kalahating milyon ang hawak kong pera.Kaya naman tinanggap ko na lang, pagkauwi ay sinalubong ako ni Maxwell ng may pag-aalala.“What happened to your cheek?” His long slim fingers gently traced it, and his eyes showed concern.“Honey,”