Share

Chapter 37

Kinagabihan ay wala talaga siyang paramdam dahilan para mawala ako sa mood.

Pairap kong tinignan ang cellphone at walang kahit anong mensahe niya dahilan para magtrabaho na lang ako.

Panay ang tipa ko sa keyboard at mabibigat ‘yon hanggang sa bumukas ang pinto sa kwarto ko.

“Anak, dinig na dinig sa labas ang pagtipa mo. Baka masira ‘yan,” natatawang sabi ni mommy.

Lumabi ako at bumuntong hininga. Isinarado niya na ang pinto ko kaya inagapan ko na ang pagtipa.

Kinaumagahan ay kahit sa trabaho ay hindi niya ako tinatapunan ng atensyon, hanggang sa lumipas nang lumipas ang araw ay dalawang linggo na kaming ganoon.

Labis na pagtatampo ang naramdaman ko, ngunit wala naman ng kami kaya wala ako magawa.

Isang araw ay pinatawag ako ni Chairman Fierez upang ibigay ang payment, siya talaga ang nagbibigay ng payment ngunit natigilan ako sa pahabol niyang sinabi.

“Kunin mo kay Maxwell ang isang bayad ng project mo sa kanya.”

“O-Opo,” naiilang na tugon ko bago ako pumunta sa opisina ni Maxwell, na
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status