Share

Chapter 20

Lumalabas din naman ako noon para mag-party lalo na nang nasa college pa lang ako. Pero nang mag-asawa na kami ni Ivan, kahit ano'ng aya ng aking mga kaibigan hindi ako sumasama. Ayaw ko na may masabi sa akin ang mga tao. Ayaw ko ding isipin ni Ivan na nagbubuhay dalaga ako kahit na alam ko namang wala siyang pakialam sa akin.

Before six bumaba na kami sa basement parking. May tatlumpong minuto ang byahe namin patungong meeting place nilang magkakaibigan. Sa isang bar and restaurant daw sa Makati sila magkikita-kita na magkakaibigan.

Kilala ko ang kaniyang mga kaibigan pero bilang lang sa kamay na nakausap o nakasalamuha ko sila noon. Kapag pumupunta sila sa bahay namin ni Ivan nang kasal na kami, hindi naman ako pinapaharap ni Ivan sa mga ito. Pero ako ang tagapagsilbi nila dahil wala kaming katulong.

Kung saan-saan na naman papunta itong iniisip ko. Humilig ako sa balikat ni Ivan, upang agawin ang kaniyang pansin. Nakatanaw kasi siya sa may bintana ng sasakyan at parang kay lalim
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status