Bago ako naligo kinaumagahan, ay kumuha na muna ako ng damit ni Heather at nilagay sa aking bag. Naglalagay na ako ng moisturizer sa aking mukha nang sumilip sa Lucinda sa may pintuan. "Ba't iyan ang damit mo, be?" Nakasuot ako ng white sando at blazer on top, fitted jeans, saka close shoe na flat. "Bakit? Ano'ng mali sa suot ko?" May meeting ako ngayon kaya kahit paano kailangan kong magmukhang pormal. "May mga magaganda kang coordinate terno na puwedeng pang-formal, sa maleta mo, ah.""Tsk! Saka na. Ilang araw pa naman tayo. Sa ibang araw ko na lang susuotin."Basta na lang niya hinalungkat ang maleta ko. "Heto, oh..." Pinakita niya sa akin ang three piece na damit. Lace cream sando at iyong terno na blazer at short. "Sa susunod na araw ko pa susuotin iyan, kapag nagkita kami nung isang kaibigan ko na CEO ng beauty products.""Ngayon mo na suotin. Ang ganda-ganda mo kapag ganito ang suot mo, e." Makahulugan ko siyang tinignan. "Ewan ko sa'yo, be. Ayaw ko. Bahala ka diyan."
Nakarating na kami sa condo. Naupo ako sa sofa at tumunganga ng ilang sandali. Hinihintay kong dumating iyong in-order kong food sa Grab. Hindi ko namamalayan na naupo pala sa tabi ko si Lucinda. Nakangiti siya tapos nginuso niya iyong paper bag na bigay ni Ivan. "Bakit?" Humalukipkip ako. "Buksan mo na, excited na ako.""Di, buksan mo," utos ko naman.. Hindi ako interesado. Ayaw ko na nga sanang kunin, siya lang itong maingay kanina. Ayan tuloy. Panira ng plano. "Sure ka?" Hindi ako sumagot. Sa sobrang tsismosa, hindi talaga nakatiis. Binuksan niya ang paper bag saka nilabas ang isang medyo may kalakihan na jewelry box. Suminghap si Lucinda. Nakatingin lang naman ako doon, hindi na-e-excite. "Isang set ng diamond na jewelry!" Isang singsing, isang bracelet, isang pares ng hikaw at kuwintas na mayroong madaming bato. This set costs millions. Bakit naman niya ako binigyan ng ganitong kamahal na alahas? Tsss! "Ang ganda! Suotin mo 'to bukas!" "Ayaw ko..." Sumimangot siya. "Sa
"May gusto pa kayong kainin?" Nakatingin sa akin si Ivan. Ang mga mata ko ay tinuon ko naman kay Heather. "I'm sleepy already, daddy..." "Okay, umuwi na tayo." Binuhat ni Ivan ang kaniyang anak, nang makita na naluluha na ang mga mata sa makailang ulit na beses na paghikab nito. Mukhang napagod ito ng husto. Mabuti na lang at malapit lang naman ang mansyon ng mga Greco dito sa mall. Hirap na hirap nang magmulat ng mga mata si Heather nang makarating kami. Hinalikan siya ng kaniyang lolo at lola. Binati niya ang mga ito ngunit halos hindi na matapos ang sinasabi sa kanila. Sumama ako sa pag-akyat sa silid ni Ivan. Kinurot ko pa si Lucinda nang ayaw nitong sumunod sa akin. "Bakit kasama ako? Hindi naman ako parte ng family..." bulong niya habang nakasunod sa akin sa pag-akyat sa may hagdanan. "Takot ka bang masolo si Ivan?" Pinandilatan ko siya ng mga mata. Ngumisi naman siya at nanunuksong tumingin sa akin. Nagpalinis pa naman ng katawan si Heather sa akin. Mabilisan na lang
"I'm sorry..." Tumalikod na ako pero humarang si Ivan. I can see the pain in his eyes so I immediately turned my eyes away from him. "Uuwi na kami. Ano ba, Ivan?!" naiinis ngunit pinilit kong maging kalmado dahil karga ko si Heather. Umiiyak na nang malakas si Heather kaya nagsimula na ding manubig ang aking mga mata. Ayos lang na ako ang saktan, pero ang masaktan si Heather, ibang usapan na iyon. Tama ang kutob ko, hindi magandang ideya na magkita ang mag-ama dahil masyado pang bata si Heather. Nakakainis! Nalilito ako ngunit ayaw ko ng magtanong, ayaw ko ng makinig at ayaw ko nang ma-involve pa ulit sa buhay niya, kaso may anak kami. "Ivan! Hayaan mo na siya, umalis na siya noon at iniwan ka. Maayos naman tayo, di ba?"Nagngalit ang aking mga ngipin ngunit hindi ko pinansin si Maureen. Galit na galit na ako pero nakakapagtimpi pa din ako, dahil ayaw kong mas lalong masaktan si Heather. Humakbang ako ngunit niyakap kami ni Ivan. Mahigpit."Please, huwag kayong umalis. Mag-usap
Mabuti na lang at nakapag-book si Lucinda. Naghintay na lang ang driver kanina sa gilid. Kaya naman nakaalis kami agad nang talikuran ko si Ivan na napipilan at hindi na makagalaw sa kinatatayuan. Yakap ko ang anak ko habang nasa biyahe kami. Gustong-gusto kong mag-iiyak kaso hindi puwedeng maging mahina ako sa harapan niya. "Mommy, I'm sorry." Nanginig ang kaniyang boses. Nagsimula na naman siyang umiyak. "Wala kang kasalanan, baby..." mahinahon kong sagot habang hinahaplos ang kaniyang buhok. "Kung sana hindi ko sinundan si Daddy. Kung hindi sana ako nagpakilala kay lolo. Kung hindi ko sana sinabi na anak niya ako... Hindi ka sana umiiyak mommy... I'm sorry, mommy." Parang may mainit na palad na humaplos sa aking puso dahil sa sinabi ng aking anak. Napakasuwerte ko dahil biniyayaan niya ako ng matalino at mabait na anak. "You're destined to meet your dad. He loves you..." Ramdam ko ang saya at pagmamahal niya para sa anak namin. Ang problema nga lang ay magulo pa din ang lahat
Sa inis ko, hinablot ko sa kaniya ang ecobag saka nagmamadaling sinara ang pintuan ng condo upang hindi siya makapasok. Mabuti at hindi naman kumatok at nag-doorbell, dahil kung hindi ire-report ko na talaga siya sa security. Gising na si Lucinda. Mukhang nakahanda na siyang mang-usisa kaso tinaasan ko siya ng kilay. Pero dahil likas na pakialamera at tsismosa ang babaeng 'to, hindi siya nakatiis. "Nagpunta siya kagabi dito, nakiusap na papasukin ko. Syempre, sinabi ko na hindi puwede dahil magagalit ka." Ngumuso siya. "Mabuti naman at hindi mo siya pinapasok." Nilabas ko ang laman ng ecobag. Sisimulan kong magluto dahil ilang sandali na lang magigising na si Heather. "Hindi mo ba siya mapapatawad?" Tumalikod ako at humarap sa kalan. Ininit ko ang kawali. "Di ba, sinabi niya na mahal ka niya?""Di ba pangarap mo na mahalin ka niya?" "Noon iyon, Lucinda. Ilang taon na ang lumipas. Nakalimot na ako.""Nakalimot? Pero bakit hindi mo magawang tumingin sa iba?" Umismid ako. "Bakit
Hindi ko na alam kung ano'ng oras ako nakatulog. Hindi ako pinatulog ng kirot sa aking puso dahil sa dinadamdam ni Heather. Sana iniwan ko na lang siya sa isla, para naiwasan ang pagkikita nila ng kaniyang daddy. ALAS-SAIS NANG BUMANGON AKO. Madami ang natirang mga pagkain kagabi kaya iinitin ko na lang ang iba. Sinangag ko na lang din ang natirang kanin. Napapatulala ako at napapabuntong hininga, kapag ganiyan na sumasagi sa aking isip ang lahat ng mga nangyari. Nagtimpla ako ng kape para naman mabawasan ang pananamlay ko kaso parang mas lalo pang bumigat ang pakiramdam ko. Pumasok ako sa silid pagkatapos kong magsangag, upang maligo na. Tulog pa din si Heather. Nang matapos akong magbihis, natutulog pa din siya. Maaga pa naman kaya nagpasya akong maghintay muna sa sala ng isang oras bago ako umalis. Humihigop ako ng kape habang nagche-check ng aking email. Nai-stress ako kaya ang pag-inom ng kape ang napagdiskitahan ko. Nalagingin ako sa pintuan ng silid ni Lucinda. Nakangi
"Bakit umuwi kayo agad? Di ba may two days pa kayo dapat doon?" Makahulugan akong tumingin kay Rachelle. Napa-o naman siya at sinenyasan ako na mag-uusap kami. "Later. Magpapahinga na muna kami ni Heather," sagot ko naman habang karga ang aking anak na napagod sa biyahe. Dinala ko na siya sa aming silid. Pagkababa ko sa kaniya sa kama, agad niya akong niyakap. "I'm sad, mommy. Please, hug me." Niyakap ko siya ng mahigpit, sakaling sa paraang ito ay maibsan ko ang lungkot na nararamdaman niya. Pinigilan ko ang sarili kong maiyak dahil sa awa ko sa aking anak. Kailangan kong maging matapang at matatag. Pagkaraan ng tatlumpong minuto, nakatulog din siya. Dahil sa mga bagay na bumabagabag sa akin, hindi man lang ako dalawin ng antok. Bumangon ako at kinumutan ang aking anak, dahil malakas ang buga ng AC. Sinadya kong hinaan ang temperature upang makatulog siya ng mahimbing. Nagbihis ako bago ko inayos ang aking laptop, upang masimulan ko na ang trabaho. Hindi puwedeng wala akong gi