Mabuti na lang at nakapag-book si Lucinda. Naghintay na lang ang driver kanina sa gilid. Kaya naman nakaalis kami agad nang talikuran ko si Ivan na napipilan at hindi na makagalaw sa kinatatayuan. Yakap ko ang anak ko habang nasa biyahe kami. Gustong-gusto kong mag-iiyak kaso hindi puwedeng maging mahina ako sa harapan niya. "Mommy, I'm sorry." Nanginig ang kaniyang boses. Nagsimula na naman siyang umiyak. "Wala kang kasalanan, baby..." mahinahon kong sagot habang hinahaplos ang kaniyang buhok. "Kung sana hindi ko sinundan si Daddy. Kung hindi sana ako nagpakilala kay lolo. Kung hindi ko sana sinabi na anak niya ako... Hindi ka sana umiiyak mommy... I'm sorry, mommy." Parang may mainit na palad na humaplos sa aking puso dahil sa sinabi ng aking anak. Napakasuwerte ko dahil biniyayaan niya ako ng matalino at mabait na anak. "You're destined to meet your dad. He loves you..." Ramdam ko ang saya at pagmamahal niya para sa anak namin. Ang problema nga lang ay magulo pa din ang lahat
Sa inis ko, hinablot ko sa kaniya ang ecobag saka nagmamadaling sinara ang pintuan ng condo upang hindi siya makapasok. Mabuti at hindi naman kumatok at nag-doorbell, dahil kung hindi ire-report ko na talaga siya sa security. Gising na si Lucinda. Mukhang nakahanda na siyang mang-usisa kaso tinaasan ko siya ng kilay. Pero dahil likas na pakialamera at tsismosa ang babaeng 'to, hindi siya nakatiis. "Nagpunta siya kagabi dito, nakiusap na papasukin ko. Syempre, sinabi ko na hindi puwede dahil magagalit ka." Ngumuso siya. "Mabuti naman at hindi mo siya pinapasok." Nilabas ko ang laman ng ecobag. Sisimulan kong magluto dahil ilang sandali na lang magigising na si Heather. "Hindi mo ba siya mapapatawad?" Tumalikod ako at humarap sa kalan. Ininit ko ang kawali. "Di ba, sinabi niya na mahal ka niya?""Di ba pangarap mo na mahalin ka niya?" "Noon iyon, Lucinda. Ilang taon na ang lumipas. Nakalimot na ako.""Nakalimot? Pero bakit hindi mo magawang tumingin sa iba?" Umismid ako. "Bakit
Hindi ko na alam kung ano'ng oras ako nakatulog. Hindi ako pinatulog ng kirot sa aking puso dahil sa dinadamdam ni Heather. Sana iniwan ko na lang siya sa isla, para naiwasan ang pagkikita nila ng kaniyang daddy. ALAS-SAIS NANG BUMANGON AKO. Madami ang natirang mga pagkain kagabi kaya iinitin ko na lang ang iba. Sinangag ko na lang din ang natirang kanin. Napapatulala ako at napapabuntong hininga, kapag ganiyan na sumasagi sa aking isip ang lahat ng mga nangyari. Nagtimpla ako ng kape para naman mabawasan ang pananamlay ko kaso parang mas lalo pang bumigat ang pakiramdam ko. Pumasok ako sa silid pagkatapos kong magsangag, upang maligo na. Tulog pa din si Heather. Nang matapos akong magbihis, natutulog pa din siya. Maaga pa naman kaya nagpasya akong maghintay muna sa sala ng isang oras bago ako umalis. Humihigop ako ng kape habang nagche-check ng aking email. Nai-stress ako kaya ang pag-inom ng kape ang napagdiskitahan ko. Nalagingin ako sa pintuan ng silid ni Lucinda. Nakangi
"Bakit umuwi kayo agad? Di ba may two days pa kayo dapat doon?" Makahulugan akong tumingin kay Rachelle. Napa-o naman siya at sinenyasan ako na mag-uusap kami. "Later. Magpapahinga na muna kami ni Heather," sagot ko naman habang karga ang aking anak na napagod sa biyahe. Dinala ko na siya sa aming silid. Pagkababa ko sa kaniya sa kama, agad niya akong niyakap. "I'm sad, mommy. Please, hug me." Niyakap ko siya ng mahigpit, sakaling sa paraang ito ay maibsan ko ang lungkot na nararamdaman niya. Pinigilan ko ang sarili kong maiyak dahil sa awa ko sa aking anak. Kailangan kong maging matapang at matatag. Pagkaraan ng tatlumpong minuto, nakatulog din siya. Dahil sa mga bagay na bumabagabag sa akin, hindi man lang ako dalawin ng antok. Bumangon ako at kinumutan ang aking anak, dahil malakas ang buga ng AC. Sinadya kong hinaan ang temperature upang makatulog siya ng mahimbing. Nagbihis ako bago ko inayos ang aking laptop, upang masimulan ko na ang trabaho. Hindi puwedeng wala akong gi
Binuhat ni Ivan ang kaniyang anak na wala mang imik, alam kong masaya dahil sa pagdating ng kaniyang ama. Nakatitig siya rito habang pababa sila sa hagdanan. "Nagtatampo ka pa ba kay Daddy?" masuyong hinaplos ni Ivan ang pisngi ng aming anak. Ngumuso naman ang bata. Ang kaniyang ilong at pisngi ay namumula pa din hanggang ngayon dahil sa pag-iyak niya. Naipaliwanag na ni Ivan ang nangyari. Pero syempre dahil bata nagtatampo pa din siya, dahil naghintay siya sa ama hanggang sa gabi. Dahil nakita ko ang nasa news, nag-conclude na din ako agad na naroon siya kaya, hindi na niya kami pinuntahan ng kaniyang anak. But I'm glad that he came all the way here to explain. To prove that he kept his promise— that this time he is true to his words. Seeing Heather happy makes me happy. Sino ba ang may ayaw na maging masaya ang anak? Kahit pa ang kasiyahan na iyon ay maaring ikasakit ko, dahil ang presensya ni Ivan ay nakakapagpaalala sa akin sa mga sakit na ayaw ko na ulit maranasan. Yes, I a
Mas lalo lang tuloy niyang gustong magpunta sa isla dahil sa inasal ko. Marahil iniisip talaga niya na may manliligaw ako roon o kaya boyfriend. Kanina pa niya paulit-ulit na tinatanong sa akin kung sino ang manliligaw ko roon, kaya ang aga-aga pa lang, kuhang-kuha na niya ang inis ko. "Can't you hear yourself? And please stop talking nonsense in front of my child.""Nonsense? And she's my child too." Bumuntong hininga ako at pumikit. Inis na inis na talaga ako at nayayamot. "Sino ba kasi ang tinatago mo doon? I know when you are lying Myla.""Wala nga! Tsk!" Bumaba ako ng kama. Nagpunta ako ng banyo upang umihi at mag-toothbrush pero nakasunod agad siya. "Ivan!" Ngumisi siya at humalukipkip, habang nakasandal sa may pintuan. Sinilip ko naman si Heather na nakaupo sa may carpet, habang busy sa paghalungkat sa mga laruan at mga pasalubong sa kaniya ng daddy niya. Tila may sarili itong mundo. Walang pakialam sa pinag-uusapan namin ng daddy niya. "Iihi ako..." Pinandilatan ko siya
I PAST OUT. HINDI KO ALAM KUNG GAANO KATAGAL. Pero nang muli akong magkaroon ng malay, nakarinig ako ng kakaibang ingay. Andar ng malakas na makina. Hindi ko sigurado kung sa vessel ba nanggagaling ang ingay na iyon. May mas malakas pang ingay akong naririnig. My eyes remain closed. Hindi ko na alam kung ano'ng nangyayari sa paligid. I hear some screams. Some gunshots. Someone is shouting and calling my name. And then, everything went black. Nang magising ako, ang puting kisame at maliwanag na ilaw ang nabungaran ko. "I-Ivan?!" Nag-aalalang lumapit sa akin ang lalakeng tinawag ko. Naiyak ako nang makita ko ang mga luha sa kaniyang mga mata. "I had a bad dream," bulong ko. Niyakap niya ako. Mahigpit na mahigpit. "Yes, love. It's just a bad dream." Nasa ospital kaming dalawa ngayon. Maayos naman siya. Ako lang ang nakasuwero. Nawalan ako ng malay at kinailangan ding tahiin ang sugat sa aking pisngi. Malalim at medyo may kalakihan ang sugat kaya tinahi ng doctor. Nakasampa si Ivan
Ayaw kong magsalita pero nagawa kong ibuka ang aking bibig. "O-Okay." Tumango ako. He sit still for one minute before standing up and leaving me alone in this room. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatunganga lang sa kawalan. Nang kumurap ako, doon ko lang naramdaman ang basa kong mga pisngi dahil sa luha. Kinuha ko ang aking celphone. Nakaramdam ako ng pagkabalisa kaya kailangan kong may makausap. "Hello? Kumusta ka?" Sunod-sunod ang mga tanong ni Rachelle sa akin. Hindi ko pa siya nakakausap pagkatapos ng nangyari. Ang daming ganap sa buhay ko. I was kidnapped and now here's Ivan, telling me that he's gonna process our anulment. Tumikhim ako at tumingin sa may malawak na langit bago nagsalita. "Nakikipaghiwalay na si Ivan sa akin."Ilang sandali na natahimik si Rachelle. Tinignan ko pa kung nasa linya pa ba siya. Bago siya magsalita marahas siyang bumuntong hininga. "Tang in@ng iyan! May tagas ba sa ulo iyang asawa mo?!" Gigil na gigil siya. Hindi ko na nga nasundan ang