Share

TAYO NA LANG ULIT 4

Masama ang pakiramdam ni Nanay kinaumagahan pero bumangon pa din siya ng maaga para magpunta sa mansyon upang ipaglaba ang mga binata na galing sa Maynila. Naglaba naman muna ako ng aking mga damit bago ako umalis upang magtinda ng biko.

Kapag napaubos ko ang paninda ko, plano kong magpunta sa bayan upang mamalengke. Magdadagdag ako ng paninda para madagdagan din ang aking kita.

Kailangang kumita nang malaki-laki ng kaunti dahil buntis na si Nanay. Sa sunod na mga buwan bawal na siyang maglabada pa, kung maari nga lang ay ayaw ko na siyang magtrabaho kaso mapilit siya. Sabagay, ano nga ba ang ibibigay niya kay Tiyong kung hindi siya magtatrabaho?

May nagpapatanim na ng palay ngayon kaya nakabenta ako malayo pa man ako sa highway.

Hindi na ako nakarating pa sa mansyon, dahil naubos na ang paninda ko. Hindi ko na naipagtabi si Sir Huxley. Bukas na lang.

Sumakay na ako ng jeep papuntang bayan. Tiningnan ko ulit ang aking listahan para masigurado na wala akong makakalimutan.

Bigas,
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status