Share

TAYO NA LANG ULIT 6

Tinulungan nga ako ni Sir Huxley pero pakiramdam ko doble ang pagod ko dahil sa kanila. Iniwan ko sila na nag-aasaran para manguha ng dahon ng saging sa may likod. May ilang puno ng saging dito na tinanim ko noon para may magamit kapag gumawa ng kakanin. Mula elementary tumutulong na ako kay Nanay para kumita ng pera.

Sumunod sa akin ang tatlo. "Tulungan ka na namin..." Nag-unahan pa sina Sir Huxley at Sir Caius sa pag-agaw sa akin sa itak na hawak ko. Nagsimula na akong mapikon kaso kailangan kong magpakabait sa kanila.

Nakuha ni Sir Caius ang itak. Kumuha din siya ng isang dahon ng saging kaso hindi maganda ang bagsak nito sa lupa. Napangiwi ako dahil hindi ito magagamit sa pagbalot ng suman na balanghoy. Ano ba iyan sila!

"Hindi ito dapat mapunit, di ba?" tanong ni Sir Huxley kaya tumango ako. Kinuha niya ang itak kay Sir Caius at siya naman ang kumuha, kaso napunit pa din.

Hindi na ako makaimik sa inis. Napatingin ako kay Sir Angus nang mapansin ko na nakatingin na naman siya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Cheryl Tbausing
ang ganda subrang nkakatawa...thanks ms. a
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status