“Nagdududa ka ba? Pinagdududahan mo ba ako?”“Bakit? Wala bang kaduda-duda sa ginagawa ninyo?”"Ako 'to, honey. 6 years mo nang boyfriend. Ni minsan ba nagawa kong magluko?”“Hindi pa, pero baka ngayon lang.”“Hon, Si Ma’am Irish ‘yan. Sa kanya ka pa talaga magseselos? Nakakahiya." Desperado niyang pagdadahilan. Kailangan niyang sabihin iyon. Bigla siyang kinabahan, pinagpawisan. Alam niyang may pagkaselosa ang fiancee niya ngunit ngayon lang siya muli nagiging ganoon at alam niya sa sarili niya na ngayon ay may karapatan naman talaga si Janna."Mabuti naman at alam ninyong nakakahiya. Sana naisip niyo din iyan bago kayo magyakapan at mag-iyakan sa may kadilimang bahagi ng sagingan. Kasi hindi ako tanga. Hindi ako boba. Hindi ako ang mang-aagaw rito. Hindi ang babaeng ‘yan ang biktima, ako. Walang siyang karapatang mag-iiyak na akala mo santa. Wala siyang karapatang mag-inarte ng ganyan dahil alam naman lahat ng buong bansa ang baho ng pagkatao niya!" Palabang tinuran ni Janna.“Dahan
Nang nasa tapat na sila ng kubo ay nagdalawang isip si Irish kung aakyat siya. Naroon si Daniel at Janna. Nasaktan na siya kagabi nang tatlo silang magkakatabi sa kama. Ano pa kaya ngayong may hinala na si Janna sa kaniya? Sinabihan na rin siya ni Daniel na mahal siya nito at iba na yung sakit na mararamdaman niya na ang boyfriend ay may nilalambing ding iba."Sige na, kailangan mo nang magpahinga dahil maaga tayong luluwas bukas ng Tuguegarao.""Puwedeng sa inyo na lang ako makikitulog Christian?" Nahihiya niyang paghingi ng favor.Nakita ni Christian ang kalungkutan sa mata ni Irish. Naiintindihan niya ang nararamdaman nito. Ganoon din kasi yung sakit na nararamdaman niya sa tuwing naiisip niyang may katabi ang mahal niya habang siya ay nakatingin sa kisame at mag-isa."Tara na nga! Pero pagtiisan mo ang kuwarto at higaan ko ha?"“Ngayon ka pa humingi ng dispensa eh, sanay na sanay na ako.”“Sige, tara sa kuwarto ko.”Maliit lang ang kama ni Christian. Yari lang din ito sa kawayan a
Nadatnan ni Irish si Daniel na nag-aayos sa kanilang bagahe. Wala itong reaksiyon nang magtama ang kanilang mga paningin. Sinadya niyang tumabi dito. Tabi na naglapat ang kanilang katawan ngunit mabilis na lumayo si Daniel."Lahat ng gamit mo, nailagay ko na diyan sa bagahe mo. Maligo ka na nang makaalis na tayo. Nasa banyo na yung mga kakailanganin mo sa pagligo. Pagkatapos mong maligo, sunod ka na sa kusina nang makakain at aalis na rin tayo agad. Bilisan mo dahil ikaw na lang ang di pa nakakaligo." Seryoso nitong tinuran sa kaniya kasunod ng pagtungo niya sa pintuan ng kubo at aalis na parang gano'n na lang iyon."That's it?" pahabol na tinuran ni Irish."Yes, Miss Irish! That's it!" sagot ni Daniel. Umalis itong di na lumingon pa.Pagkatapos nilang kumain at nakahanda nang umalis ay hinarap nila ang kanilang mga nakasama sa baryo para magpaalam.Si Christian ay nagpaalam na din kay Nene, ang kapatid niyang sumunod sa kaniya na nag-aaral palang sa kolehiyo. Ibinilin niya dito ang k
"Kaya mo ba?" tanong ni Irish."Bakit hindi?" Naluluha pa ring sagot ni Daniel.Lalong lumakas ang hikbi ni Irish sa sagot niya. Iyon ay kung sagot na maituturing ang isa ring tanong."Ikaw, kaya mo rin, di ba?" muling tanong ni Daniel."Sobrang sakit lang, Daniel. Kagabi mo lang sinabing mahal mo ako ta's ngayon, bumibitaw ka na! Bakit mo pa sinabi iyon kung di mo din naman pala kayang panindigan?""Puwede ko bang gamitin muli yung kinaayawan mong sagot ko?""Yung alin? Yung "I'm sorry" mo? Huwag na, kasi alam mong sobrang sakit ng ginawa mo sa akin. Sana hinayaan na lang ninyo akong mamatay nang nalunod ako sa ilog kung ganito rin lang naman pala ang gagawin mo sa akin."Sasagot palang sana si Daniel nang tumunog ang cellphone ni Irish.Huminga muna si Irish ng malalim. Number lang ang nag-appear sa screen ng phone niya. Kinansel na muna niya iyon.Hanggang sa may nagtext."Ako to, si Kurt. Alam kong ngayon ka babalik ng Manila. Please answer my call."Magrereply pa lang sana siya n
"Paano na lang kaya ako kung wala kang lagi dumadamay sa akin? Siguro hindi ko na kakayanin ang lahat."Hindi na sumagot si Christian. Pinunasan niya ang luha ng bestfriend saka niya hinawakan ang baba nito at tumingin sa mga mata ni Irish."Okey ka ka ha! Huwag ka nang umiyak!"Tumango lang si Irish.Nagbukas si Christian ng isang tupig at isinubo niya iyon sa maluha-luhang si Irish."Ginagawa mo pa akong bata. Akin na nga 'yan." Kinuha niya ang tupig sa kamay ni Christian at sabay na silang kumain."Bok, ako na diyan, bumalik ka na sa tabi ni Janna." Seryosong tinuran ni Daniel nang maabutan niyang nakasandal si Irish sa balikat ni Christian."Christian, stay here with me, and you, please stay away from us!" Hinawakan ni Irish ang braso ng ni Christian. “Ikaw na lang ang bumalik sa tabi ni Janna.”"Hindi puwede ang gusto mo. Paano kung may mangyari sa'yo? Isa pa, hindi pa nakakapagsimula si Christian sa trabaho niya bilang PSG kaya kung may mangyari sa'yo, sa akin ang balik no'n at
"Irish, alam mo bang ayaw kong mawala ka rin sa akin? Mahalaga ka na sa akin kaya hindi ko alam kung paano kita mapanatili sa buhay ko. Kung ayaw mong maging kaibigan ako, sa paanong paraan pa kita mapapanatili sa buhay ko? Sa ngayon, iyon lang ang kaya kong maibigay dahil nga nandiyan na si Janna. Marami tayong mga bagay na dapat isaalang-ala."Huminga nang malalim si Irish. Nagsalita siya ngunit hindi na niya binuksan pa ang mga mata. "Alam mo ba kung bakit ayaw kong maging magkaibigan tayo? Kasi paano naman ako makakamove-on kung lagi kitang nakikita at nakakasama bilang bodyguard o kaibigan ko. Mas gugustuhin ko pang tuluyan ka munang mawala hanggang sa makalimutan ko yung nararamdaman ko sa'yo kaysa yung kaibigan kita at araw-araw ko namang sinasaktan ang sarili ko dahil hindi ka magiging akin.""Paano kung kahit magkaibigan tayo at may ganu'n pa rin. Papayag ka ba?" desperadong tanong. Huli na nang gusto niyang bawiin."Anong ganun pa rin?"Kailangan ba niyang subukan ang idea n
"Anong kondisyon, Ma’am?""Stop addressing me, Ma’am. Gusto ko kasing mapanatili natin yung pagiging bestfriend natin sa probinsiya. Yung ikaw at ako na di kumikilala sa pagkasino. Walang gap, walang estado sa lipunan. Iyon ay kung tayo lang at walang nakaharap sa atin na dignitaries. Well, hindi iyon para sa akin kundi para na din sa part mo. Baka kasi mapagsabihan ka ng commanding officer mo kung marinig nilang tinatawag mo lang ako by my first name. Okey lang ba sa'yo 'yun?""Ok lang ho ba?“Oo nga.”“Sige, kung okey lang sa inyo. Salamat ha!" itinaas niya ang kaniyang palad para makipagkamay."Great!" Hindi tinanggap ni Irish ang palad ni Christian ngunit niyakap niya ang bestfriend ng mahigpit na mahigpit."Thank you for saving my life! Thanks for always being there lalo na nang mga sandaling pakiramdam ko hindi ko na kaya." Mahina ang pagkakasabi no'n pero madamdamin. "I want you to report the soonest kaya sasabihin ko kaagad kay Dad ito, okey?"Pagkatapos niyang tinapik ang bal
"Pakipunasan nga ang likod ko?"Huminga ng malalim si Daniel. Lumapit at kinuha niya ang bimpo sa kamay ng President’s Princess. Sandaling nagkatitigan sila sa salamin."What?" tumaas ang kilay ni Irish."Anong what?""Bakit ganyan ka makatingin?""Wala lang, naisip ko lang kung babalik ka na sa dating ikaw?""Nakilala mo na yung tunay na ako, Daniel, ang nakikita mong ako ngayon at yung noon bago tayo pumunta sa probinsiya, iyon yung pinili kong maging ako para mas kayanin yung mga dumadating na sakit, na pagkabigo.""Why?"Lumunok si Irish.Huminga ng malalim."Para tapatan ang mga kagaya mo!""Ipagpapalit mo na ba ako kay Kurt?""Bakit ko kailangang palitan ang di naman talaga naging akin? Wala akong papalitan Daniel. Pinatutunayan ko lang sa'yo na ang basura sa paningin mo, ginto sa iba. Nasa malambot ka nang kama, pinili mo pa ring humiga sa sahig."Huminto ang pagpupunas niya sa likod ni Irish. Humawak siya sa magkabilang baywang saka siya ito tinignan sa malaking salamin."May