Share

Kabanata 2: Welcome Back

ALIRA

"I'M the owner of this art museum," pagtatapos ko sa huling salitang binitawan ko at matapang na tumingin sa mga mata niya. Gusto ko mang basahin kung ano ang emosyon na nakapaloob dito ay hindi ko maggawa.

Masyadong malamig kung tumingin ang mga mata niya ngayon. Ibang-iba na nga sa Laxon na nakilala ko. Hindi na siya ang Laxon na iniwan ko sa limang taon na nakalipas.

Lahat ng tao ay nagbabago, Alira. Tandaan mo 'yan.

Habang pinagmamasdan ko ang mga mata niya ay libo-libong mga alaala at emosyon ang nakikita ko, pakiramdam ko ay hindi ako makahinga sa klase ng pagtitig niya sa akin kaya ako na ang unang umiwas. Hindi ko pinakita ang pagkagulat ng lumabas ang mga emosyon na nakapaloob kanina dito. Kung kanina ay malamig , ngayon ay samu't-sari na ito.

"It's a pleasure to see you here in our art museum Governor," dugtong ko pa at palihim naman akong nagpasalamat dahil hindi ako nautal kahit nasa harapan ko siya. Hindi pa rin magsink-in sa akin na sa ganitong paraan kami magkikita.

Nang tumingin muli ako sa kanya ay ngumisi siya at natawa ng mahina dahilan para kumalabog ang puso ko sa kaba. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"You're too formal, Lira."

Halos kilabutan ako ng sambitin niya ang pangalan ko, kulang na lang ay magsitayuan ang balahibo ko. Matapos ang limang taon na hindi ko siya nakita at narinig ay ganito pa rin ang epekto niya sa akin. Kaya huminga muna ako ng malalim bago muling magsalita.

"I'm facing the governor of our city, that's why I'm formal Infront of you Governor Laxon," anas ko at binalik ko ang intensidad ng pagtitig niya sa akin. Nakita kong umawang ang kanyang labi at parang hari kung dumekwatro sa harapan ko.

Gusto ko sana siyang taasan ng kilay pero nakakabastos iyon lalo na at gobernor ang kaharap ko kaya pinigilan ko na lang ang sarili ko.

"May I know why you are here?" Magalang at mahinahon kong pagtatanong na ikinaayos niya ng upo.

"I want you to paint my house tomorrow," walang pasubali niyang saad kaya mabilis muling lumipad ang paningin ko sa kanya gamit ang mga nanlalaki kong mga mata.

Gusto niya ba akong pahirapan? Ito ba ang pambawi niya sa limang taon kong nawala at iniwan siya?

"Buong bahay mo?" Hindi ko makapaniwalang tanong kaya kumunot naman ang noo niya.

"Hindi, yung kwarto lamang. Bakit naman buong bahay ko ang ipapa-paint ko sa'yo? Masyado naman yata kitang pinahirapan," aniya kaya nakahinga naman ako ng maluwag pero halos manlamig ako sa sunod niyang sinabi. Pakiramdam ko ay nagpantig ang tainga ko.

"Mas gusto ko pang ako ang magpahirap sa'yo pero sa ibang paraan," mapaglaro niyang dugtong kaya tuluyan ng tumaas ang kilay ko. Ngayon lang ulit kami nagkita pero ito agad ang sumalubong sa akin.

"Anong sabi mo?" Mariin kong tanong at magsasalita na muli siya ng may kumatok sa pinto ng opisina kaya sabay kaming napatingin ni Laxon doon.

Nakita kong sumilip ang assistant ko at ipinakita sa akin ang telepono kaya napatayo naman ako. Mukhang tumawag ang anak ko.

"Ma'am may gusto pong kumausap sa'yo," saad niya kaya tumango naman ako at muling tumingin kay Laxon na ngayon ay nakatitig sa akin.

"Excuse for a while, governor. Kailangan ko lang kausapin ang nasa kabilang linya," paalam ko at nakita ko namang tumango siya ay lumabas na ako at lumayo ng kaunti sa opisina dahil baka marinig niya ang boses ng anak ko.

"Mama ko!" Excited na boses ni Grayson ang sumalubong sa akin kaya hindi ko na mapigilan ang mapangiti at mawala ang inis na nararamdaman ko kanina.

"Baby, bakit? May nangyari ba?" Nagaalala kong tanong na mabilis naman niyang sinagot.

"Wala naman po Mama ko, istorbo ba kita?" Bakas ang pagaalinlangan sa boses niya kaya mahina naman akong natawa.

"Hindi baby, hindi mo naistorbo si Mama. Wala pa naman akong ginagawa ngayon. Anong ginagawa mo?" Malambing kong tanong kaya narinig ko ang hagikgik niya sa kabilang linya.

"Wala po Mama ko, lawo ako spider man." Masayang kwento niya na pinakinggan ko lang. "Mama ko, uwi mo ako jabi." Pagtatapos niya sa usapan namin kaya tumango naman ako kahit hindi niya nakikita.

"Sure baby, wait for Mama okay? Uuwi rin ako ng maaga. Good bye," paalam ko at nagpaalam na rin siya. Nang mawala na si Grayson sa kabilang linya ay napahinga na lang ako ng malalim at humarap na.

Halos mapatalon ako sa gulat ng bumungad sa akin si Laxon na ngayon ay nakasandal sa hamba ng pintuan. Nang maalala ko na nag-uusap kami ni Grayson ay nagsimulang mamuo ang takot sa dibdib ko.

Narinig niya ba lahat? Kanina pa ba siya dyan? Paano kung magtanong siya? Ano ang isasagot ko?

"Kanina ka pa ba dyan?" Pinilit kong maging maayos ang boses ko kahit halata na rito ang panginginig. Nagsisimula na rin mangatog ang binti ko sa kaba at panlalamig.

"No, ngayon lang. Aalis na rin ako, ibibigay ko lang 'tong address ng bahay incase na nakalimutan mo na ang way," saad niya kaya napahinga naman ako ng maluwag at mabilis na tinanggap ang papel na hawak niya. Kahit hindi ko sinasadyang mahawakan ang kamay niya ay nahawakan ko pa rin ito at katulad ng dati ay may epekto pa rin siya sa akin.

Nang basahin ko ang address ay para akong binuhusan ng malamig na tubig at natulos ako sa kinatatayuan ko. Limang taon na ang nakakalipas, hindi na lumipat ng ibang bahay si Laxon?

Dahil sa pagkatulala at pagkabigla ay hindi ko na namalayan na nasa harapan ko na si Laxon na ngayon ay amoy na amoy ko na ang pabango niya. Nang tumingin ako sa mga mata niya ay halos panawan na ako ng ulirat dahil sa intensidad na binibigay nito sa akin.

Halos magkandabuhol naman ang paghinga ko ng lumapit ang mukha niya sa akin at ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga sa tainga ko. Mabuti na lamang ay walang tao dito sa hallway, kung hindi baka iba ang isipin nila.

"See you tomorrow, my Lira." Bulong niya at iniwan akong tulala sa tapat ng opisina.

"ALIRA, hindi ka ba papasok sa museum mo? Hindi ka kasi naka-formal attire," pagpuna ni Mama nang makalabas ako sa kwarto. Alas-dyis na ngunit tulog pa rin si Grayson, mukhang napagod kakalaro kila Papa.

"Hindi Ma, may client kasi ako na personal na kumuha sa akin para mag-design ng kwarto niya," sagot ko naman at hindi ko muna sinabing si Laxon dahil baka kung ano ang sabihin ni Mama.

"Wow, talaga namang pinipilahan na ang anak ko. Yung isang kakilala ko naman ay nagtatanong kung kailan ka raw magiging available dahil magpapa-design din raw sila." Pagtatanong niya habang nagsusuot ako ng rubber shoes kaya tinali ko muna ito bago sumagot.

"Baka sa isang buwan pa ako matapos doon sa naunang client, pero kapag napaaga naman ako ay sasabihin ko agad sa'yo." Mahaba kong litanya na ikinatango na lamang niya.

"Ma kapag nagising si Grayson sabihin mo na nasa work lang ako pero hindi naman ako gagabihin. Baka mga hapon ay makauwi na rin ako," paliwanag ko bago kuhanin ang bag sa stand na ikinatango ulit niya.

"Sige anak. Mag-iingat ka sa papunta doon." Paalala niya kaya kumaway na ako at isinara na ang pinto ng condo. Habang pababa ang elevator ay napatingin naman ako sa oras.

8:30 pa lang, 9 ang call time niya. May 30 minutes pa akong natitira, kapag nalate ay idadahilan ko na traffic kahit hindi naman. Charot.

Paniguradong maaga naman ang dating ko sa bahay ni Laxon dahil hindi naman medyo malayo. Hindi ko lang akalain na doon pa rin siya nakatira.

Habang hinihintay ko ang green light ay tinext ko na rin siya para aware na papunta na ako sa kanya, baka mamaya ay tulog pa ang isang 'yon at naistorbo ko pala.

Nang maisend ko na ay lumiko ako para mag-shortcut na. Wala pa mang 30 minutes ay nakarating na ako sa isang exclusive village. Nakita kong pinara ng guard ang kotse ko kaya binaba ko ang salamin ng bintana.

"Ma'am, kanino po kayo pupunta?"

"Kay Governor Laxon. Alira Gonzales ang name," tipid kong sagot kaya tiningnan niya muna ang isang monitor at nang makita niyang nandoon ang pangalan ko ay pinapasok niya na ako.

Habang binabagtas ko ang daan papunta sa bahay ni Laxon ay maraming alaala ang bumuhos sa akin dahilan para sumikip ang puso ko pero mas lalo pa itong lumala ng nasa tapat na ako ng bahay niya.

Kusang bumukas ang gate hudyat na pwede na akong pumasok kaya pinaandar ko muli ang sasakyan ko at maayos itong pinarada.

Pagbaba ko ay napasinghap na lang ako sa pagbabago sa bahay na ito. Ang maliit na fountain lamang ay mas lalong lumaki, kung dati ay ilan lamang ang bulaklak na nakikita ko ngayon ay mas dumami.

Pagtapat ko sa pinto ay nag-dorbell ako ng isang beses at hinintay na lang na buksan ni Laxon. Wala pa yatang isang minuto ay bumungad sa akin na naka-apron na Laxon na ngayon ay ngiting-ngiti sa akin na para bang tuwang-tuwa siya na nakita ako dahilan para matulala ako.

"Welcome back, my Alira."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status