ZACHTama talaga ang best friend ko na si Warren sa sinabi niya sa akin kanina habang magkausap kami sa kabilang linya na kapag dumating ako sa condo unit niya ay luto na ang pagkain na niluluto niya. Luto na nga ang niluluto niyang pagkain. Nakahanda na ang niluto niyang mechado na may kasamang lumpia na paborito. Masarap magluto ang best friend ko na si Warren at sigurado ako nito na mapaparami pa ang kain ko nito kahit kumain na ako ng lunch kani-kanina lang. Amoy pa nga lang talaga ay nakakatakam na ang niluto niya. "Sa wakas ay dumating ka na, bro. Kanina pa talaga ako naghihintay sa 'yo. Puwede naman na i-take out mo ang pagkain na in-order mo kanina at dito mo na lang kinain sa unit ko. Puwede naman, eh," sabi sa akin ni Warren na best friend ko.Huminga ako ng malalim bago sumagot sa kanya pagkasabi nga niya sa akin."Puwede naman nga na i-take out ko ang in-order ko na pagkain kanina kaso nga lang ay hindi ko naman na naisip 'yon, bro. Hindi ko naisip na gawin 'yon kaya sorr
ZACH"Kumusta si Cassy, bro? Hindi ba talaga nalaman ng mommy mo na hindi siya ang nagnakaw ng necklace niya, huh?" tanong sa akin ng best friend ko na si Warren pagkaupo niya sa harapan ko. I took a deep breath first before I speak to him. "She's doing fine, bro. Hindi naman nalalaman ni mommy na siya ang nagnakaw ng mamahaling necklace niya, eh. Walang nakakaalam ng ginawa niyang 'yon kundi tayo lang naman," sagot ko sa best friend ko. "Hangga't walang nagsasabi ng ginawang 'yon niya kahit kanino ay walang makakaalam nito maliban sa atin, 'di ba? Kaya wala talagang magsasabi ng ginawang pagnanakaw ni Cassy kay mommy o kahit kanino pa.""Hindi naman ako magsasabi n'yan kahit kanino, bro," sabi niya sa akin. "Ayaw ko na ilaglag ka, 'no? Hindi ko magagawa 'yon sa 'yo, bro."I smiled at him again after he said that."Maraming salamat, bro. Alam ko naman na hindi mo gagawin 'yon, eh. We're best friends, right?" sabi ko sa kanya. "Of course. I'll never do that, okay?" sabi niya sa akin.
ZACHSinabi ko sa best friend ko na si Warren kung ano man ang kailangan niyang malaman lalo na tungkol sa aming dalawa ni Cassy. Nalaman na niya ang ginawa namin kagabi. He was so happy for me. Alam niya kung gaano ko ninais na maangkin siya at mangyari ang kung ano man na nangyayari sa aming dalawa ngayon. "Bro...""Ano 'yon, bro?" tanong ko sa best friend ko na si Warren."May isang tanong lang pala ako sa 'yo...""Ano 'yon, bro? Ano'ng tanong mo sa akin, huh?" tanong ko sa kanya.He took a deep breath first before he speaks to me. "May plano ka bang ligawan o kaya ay maging girlfriend si Cassy?" tanong nga niya sa akin.Hindi muna ako nakasagot sa tanong niyang 'yon sa akin. Umiwas ako ng tingin sa kanya ngunit ibinalik ko naman kaagad 'yon sa kanya."Ba't mo ba ako tinatanong ng ganoong klaseng tanong, bro?" tanong ko sa kanya kung bakit niya ako tinatanong ng ganoong klaseng tanong.Bumuga siya ng hangin at nagsalita, "Bro, kaya kita tinatanong dahil gusto ko lang naman malaman
CASSYNagkasalubong kaming dalawa ni Sir Zach sa ikalawang palapag ng mansion nila. Pababa na ako samantalang siya ay kakaakyat pa lang. Nakabihis siya at mukhang kauuwi lang niya kung saan man nga siya pumunta. Tumigil kaming dalawa sa paglalakad. Nginitian niya ako at nginitian ko nga rin siya pabalik. Masama naman na nginitian niya ako tapos ako ay sisimangutan ko lang siya. Nagkatitigan kaming dalawa ni Sir Zach at bumilis muli ang tibok ng puso ko pagkakakita sa guwapong mukha niya. Hindi na naman mapakali ang puso ko sa harapan niya. "Kumusta ka sa pagtatrabaho mo maghapon, Cassy?" mahinang tanong niya sa akin."Okay naman po, Sir Zach..." sabi ko sa kanya."Talaga ba, huh?" tanong pa nga niya sa akin bilang paninigurado.Tinanguan ko naman nga siya at nagsalita, "Opo, Sir Zach. Okay lang po ako.""Wala ka bang nararamdaman na kung ano, huh?" tanong niya sa akin. Ano ba ang ibig sabihin niya sa tanong niyang 'yon sa akin na wala ba akong nararamdaman? Hindi ko maintidihan kung
CASSYLumabas nga muli si Sir Zach sa mansion nila para bilhan ako ng gamot na iinumin ko para mawala ang sakit o hapdi na nararamdaman ko sa aking pagkababae. Kahit gabi na ay lumabas pa rin siya may inumin ko. Hindi ko naman inaasahan na gagawin niya 'yon. Akala ko nga ay bukas niya ako bibigyan ng gamot na iinumin ko ngunit mali ako sa inaakala ko. Inabot niya 'yon sa akin nang wala akong kasama. Tapos na rin sila kumain ng dinner. Ayaw niya na ibigay 'yon sa akin nang may kasama ako o tao sa paligid namin. Hindi kasi puwedeng makita 'yon na ibigay niya sa akin. Magtataka kapag nakita na ibinigay niya 'yon sa akin.Pagkabigay naman nga niya sa akin ay ipinasok ko kaagad 'yon sa loob ng bulsa ng uniporme ko. "You have to drink that, Cassy. It'll help you to ease the pain. Mawawala rin n'yan ang pamamaga," mahinang sabi niya sa akin. Binigyan ko naman kaagad siya ng mabilis na pagtango bago ako nagsalita sa harapan niya."Sige po, Sir Zach. Maraming salamat po sa bigay mong 'to sa
CASSYPinagpatuloy ko pa rin ang pag-inom ng gamot na bigay sa akin ni Sir Zach kagabi. Nawawala rin ang hapdi at pamamaga sa aking kaselanan dahil sa pag-inom ko nito. Nagpapasalamat naman ako kahit papaano na binigyan niya ako ng iinumin na gamot dahil kung hindi ay sigurado ako na baka mas namaga pa ang aking kaselanan at humapdi pa ito nang sobra. Nakakalakad na ako nang mabilis hindi kagaya kahapon na dahan-dahan lang talaga.Mabuti nga ay walang nakapansin sa akin kahapon na ganoon ang paglakad ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko kapag may nakapansin sa akin na ganoon, eh. Salamat talaga sa Panginoon dahil walang nakapansin kahit ang kaibigan ko pa na si Izza.Wala ngayong araw na 'to si Sir Zach sa mansion nila dahil lumabas siya kasama ang best friend niya na si Warren patungo sa shop para bumili ng necklace na kagaya ng ninakaw ko kay Ma'am Rosaline na mommy niya.Gamit ang necklace na bibilhin niya ay gagamitin niya ito para pagtakpan ang ginawang pagnanakaw ko ng necklace ng
CASSY Nag-aayos na ako ng aking sarili nang biglang mag-ring ang cell phone ko na nasa tabi ko lang naman ngayong umaga na 'to. Mabuti ay hindi pa ako nagsisimula sa trabaho ko dito sa loob ng mansion na pinagtatrabauhan ko. Limang buwan na akong nagtrabaho dito sa mansion ng pamilya Montero. Lima kaming mga kasambahay dito. Iisa lang ang tinutulugan namin na kuwarto. Nabasa ko kaagad ang pangalan ng kapatid ko na si Jona sa screen ng cell ko na sumunod sa akin. Siya ang tumatawag sa akin ngayon. Hindi ko alam kung bakit. "Ba't hindi mo pa sinasagot ang tumatawag sa 'yo, huh? Kailan mo ba sasagutin 'yan, huh? Sa susunod na taon pa ba?" tanong sa akin ng kaibigan ko na si Izza na kagigising pa lang. Bago mag-ring ang cell phone ko ay gising na siya kaya hindi naman siya nagising dahil sa pag-ring ng cell phone ko. Napanguso ako at saka nagsalita sa kaibigan ko na si Izza. "Hindi naman, 'no? Grabe ka naman sa susunod na taon ko pa sasagutin ang tumatawag sa akin. Sasagutin ko naman
CASSYNagpakawala muna ako nang malalim na buntong-hininga bago nagsalita sa kaibigan ko na si Izza na inaalam talaga ang dahilan kung bakit tumawag sa akin ngayong umaga na 'to ang kapatid ko na si Jona. Ayaw ko naman na patagalin pa ang pag-uusap naming dalawa dahil may trabaho pa kami. Kailangan na namin magsimula kaya nagsalita na nga ako sa kanya."Tumawag ang kapatid ko ngayong umaga na 'to para sabihin sa akin na may sakit ang mama namin," sabi ko sa kaibigan ko na si Izza. Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi kong 'yon sa kanya."Ah, ganoon ba, Cassy? May sakit ang mama mo?" tanong pa niya sa akin na mabilis ko naman ngang tinanguan."Oo, Izza. May sakit ang mama ko. Alam mo pagkasabi ng kapatid ko na si Jona ay nag-aalala ako. Natataranta ako. Gusto ko na puntahan ang mama ko sa probinsiya namin ngunit hindi ko puwedeng gawin dahil may trabaho tayo dito sa Maynila," nakangusong sagot ko sa kaibigan ko na si Izza."Cassy, normal lang na ganyan ang maramdaman mo, okay? Anak ka k