Share

Chapter 2

CASSY

Nagpakawala muna ako nang malalim na buntong-hininga bago nagsalita sa kaibigan ko na si Izza na inaalam talaga ang dahilan kung bakit tumawag sa akin ngayong umaga na 'to ang kapatid ko na si Jona. Ayaw ko naman na patagalin pa ang pag-uusap naming dalawa dahil may trabaho pa kami. Kailangan na namin magsimula kaya nagsalita na nga ako sa kanya.

"Tumawag ang kapatid ko ngayong umaga na 'to para sabihin sa akin na may sakit ang mama namin," sabi ko sa kaibigan ko na si Izza. Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi kong 'yon sa kanya.

"Ah, ganoon ba, Cassy? May sakit ang mama mo?" tanong pa niya sa akin na mabilis ko naman ngang tinanguan.

"Oo, Izza. May sakit ang mama ko. Alam mo pagkasabi ng kapatid ko na si Jona ay nag-aalala ako. Natataranta ako. Gusto ko na puntahan ang mama ko sa probinsiya namin ngunit hindi ko puwedeng gawin dahil may trabaho tayo dito sa Maynila," nakangusong sagot ko sa kaibigan ko na si Izza.

"Cassy, normal lang na ganyan ang maramdaman mo, okay? Anak ka kaya ganoon talaga ang nararamdaman mo matapos mong malaman 'yon na may sakit ang mama mo at kahit siguro sa akin mangyari ay ganyan rin ang mararamdaman ko, 'no? Walang masama doon na ganoon ang naramdaman mo. Normal lang 'yon pero kahit gustuhin mo pa na puntahan ang mama mo na may sakit sa inyo ay hindi talaga puwede sapagkat may trabaho ka, may trabaho tayo dito sa Maynila. Nandoon naman ang mga kapatid mo. Hindi naman siguro nila pababayaan ang mama n'yo kahit wala ka, 'di ba? Hindi nila gagawin 'yon, Cassy. Magtiwala ka lang, okay?" sabi sa akin ng kaibigan ko. May punto naman siya sa sinabi niyang 'yon sa akin.

Dahan-dahan akong tumango sa kanya bago nagsalita sa harapan niya.

"Alam ko naman 'yon, Izza. Kahit papaano ay hindi naman nila pababayaan ang mama namin doon. Nalaman ko pa sa kapatid ko na si Jona na hindi pa pala nila dinadala ang mama namin sa ospital para magamot ito," kuwento ko pa sa kanya.

"A-Ano? Hindi pa nadadala ang mama n'yo sa ospital?" nakaawang ang mga labi na tanong niya sa akin.

"Hindi pa, Izza. Kaya hindi pa dinadala ng mga kapatid ko ang mama namin sa ospital dahil wala naman silang pera, wala kaming pera. Hindi ko naman puwedeng sisihin ang mga kapatid ko kung hindi pa nila dinadala si mama sa ospital dahil ang problema nga ay walang pera. Alam mo naman na kapag pupunta ng ospital ay kailangan ay may pera, 'di ba? Mahirap na ang wala. Imbis na pagalitan ko ang kapatid ko na si Jona ay hindi ko na ginawa 'yon, sinabihan ko na lang siya ng kailangan nilang gawin. Sinabihan ko siya na puntahan si Aling Sonia na kapit-bahay namin para humingi ng tulong sa kanila para madala si mama sa ospital at 'yon naman nga ang gagawin niya. Kailangan na nilang madala sa ospital ang mama namin hangga't may oras pa. Sinabi ko sa kanya na huwag na nilang problemahin pa ang pera. Ako na ang bahala na maghanap ng pera. Ang gawin na lang nila ay ang dalhin si mama sa ospital para magamot," kuwento ko sa kaibigan ko na si Izza para malaman niya ang nangyayari sa amin ngayon.

Tumango siya pagkatapos ko na magkuwento sa kanya. Naiintindihan na nga niya ang sinasabi ko sa kanya. Madali lang naman na maintindihan niya ang nangyayari sa amin sapagkat alam na niya 'yon sapagkat sinabi ko na sa kanya.

"Ah, kaya pala hindi pa nadadala ng mga kapatid mo ang mama n'yo sa ospital dahil wala silang pera. Nakakaawa naman kung ganoon," nakangusong sagot ni Izza sa akin.

"Oo, Izza. Naawa nga ako sa kanila doon lalo na sa namin na may sakit," sagot ko sa kanya.

"Mabuti na sinabihan mo ang kapatid mo na si Jona ng kailangan nilang gawin na dalhin na ang mama n'yo sa ospital hangga't may oras pa. 'Wag na nilang problemahin pa ang pera dahil ikaw na ang bahala sa bagay na 'yon. Dalhin na nila ang mama n'yo sa ospital, huwag na nilang patagalin pa. Ang pera ay nakukuha pa ngunit ang buhay ng tao lalo na ng mga mahal natin sa buhay ay hindi na kapag nawala na ito. Hindi na natin makukuha pa ito kahit anong gawin natin. Maganda ang ginawa mong 'yon na sinabi mo sa kapatid mo, Cassy. Ginawa mo ang tama," sagot sa akin ni Izza na kaibigan ko na nginitian ko naman kahit papaano.

"Maraming salamat sa 'yo, Izza," pasalamat ko sa sinabi niya. "Ang pera ay nakukuha pa ngunit ang buhay ng tao lalo na ng mga mahal natin ay hindi na kapag nawala na ito kaya kailangan natin na unahin sila."

Kaagad naman siyang tumango sa akin at nagsalita, "Tama ka, Cassy. Sang-ayon na sang-ayon ako sa sinabi mo. Paano n'yan, huh? Saan ka kukuha ng pera? Sigurado ako na umaasa ang mga kapatid mo sa perang kailangan nila dahil 'yon ang sinabi mo na gagawin mo. Ano'ng gagawin mo, Cassy? Hindi pa tayo sumasahod, 'di ba? Kahit may sahod na tayo sa tingin mo ba ay sakto 'yon sa gastusin nila sa ospital, huh?"

Natahimik ako sa katanungan na 'yon ng kaibigan ko sa akin. Ang tanging nagawa ko ay ang sunod-sunod na lumunok ng aking laway at pagkatapos ay huminga nang malalim. Dahan-dahan ko naman na ibinuka ang mga labi ko para magsalita sa kanya.

"Iyan ang hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera na ipapadala ko sa kanila, Izza. Iyan ang pino-problema ko ngayon. Hindi pa naman tayo sumasahod. Tama ka naman sa sinabi mo na kahit may sahod na tayo ay sapat ba 'yon para sa gastusin nila sa ospital. Hindi 'yon sapat, eh. Wala naman akong mahihiraman na pera ngayon, Izza. Kailangan na kailangan ko talaga ang pera para ipadala sa probinsiya para sa pagpapagamot ng mama ko sa ospital. Dapat ngayong araw na 'to ay makapagpadala ako sa kanila ng pera. Kailangan na nila 'yon. Ayaw ko naman na mahirapan pa sila sa ngalan ng pera. May tanong lang ako sa 'yo, Izza," namroroblema na sabi ko sa kaibigan ko na si Izza.

Humihip muna siya ng malamig na hangin bago muling nagsalita sa akin. "Ano 'yon, Cassy? Ano'ng tanong mo sa akin?" mahinang tanong nga niya sa akin. Nakatitig ako sa kanyang mga mata.

"May sobrang pera ka ba d'yan, huh? Kung may sobrang pera ka d'yan ay baka naman na mahiram ko muna. Kailangan ko na kasi na magpadala sa probinsiya ko ngayon ng pera, eh," tanong ko sa kanya kung may sobrang pera siya.

Nahihiya ako na magtanong kung may sobrang pera pa ang kaibigan ko na si Izza ngunit inalis ko na 'yon sapagkat kailangan ko talaga ng pera. Kung may sobrang pera naman nga siya ay hihiramin ko muna. Nagbabakasakali lamang ako sa kanya baka kasi ay may sobrang pera siya.

Bago niya ako sinagot sa katanungan kong 'yon sa kanya ay huminga siya nang malalim at saka lang nagsalita muli sa harapan ko. Hinawakan niya ang dalawang mga kamay ko habang nagsisimula siyang magsalita sa akin.

"Cassy, gusto kitang pautangin dahil kailangan na kailangan mo talaga ng pera pero wala rin akong sobrang pera, eh. Pinadala ko na sa pamilya ko noong isang buwan. Kulang pa nga 'yon, eh. Hinihintay ko talaga ang sahod natin para sa buwan na 'to sapagkat wala na rin akong pera. One hundred pesos na lang ang laman ng wallet ko. Kung may sobrang pera talaga ako ay pauutangin talaga kita kaso nga ay wala talaga, eh. Pasensiya na talaga kung wala akong maipapautang sa 'yo. Wala rin talaga ako, Cassy. Pasensiya ka na talaga," sagot ni Izza sa akin habang hawak-hawak ang mga kamay ko. Nakikita ko rin ang lungkot sa mga mata niya. Naluluha na nga ako ngunit kailangan ko na pigilan ang pagpatak ng aking luha mula sa aking mga mata.

"Okay lang 'yon, Izza. Naiintindihan naman kita sa sinasabi mo, eh. Kung wala kang sobrang pera ay okay lang. Tinatanong lang naman kita kung meron ka, eh. Ngayon na nalaman ko na wala kang sobrang pera na maipapautang sa akin ay wala namang problema 'yon. Naiintindihan naman kita, eh. Huwag kang mag-alala," sabi ko sa kanya at nagawa ko pa nga siyang ngitian kahit may problema ako.

"Salamat sa pang-iintindi mo sa akin, Cassy. Pasensiya ka na talaga ha, wala talaga akong pera. Parehas lang tayong walang pera. Ang hirap talaga na maging mahirap. Mahirap na nga mas lalo pang naghihirap," sabi niya sa akin.

"Sinabi mo pa 'yan, Izza. Well, wala naman tayong magagawa sapagkat ito ang nakatakdang mangyari sa atin. Wala tayong choice," sabi ko pa sa kanya.

"Paano ka n'yan? Kailangan mo ng pera na maipapadala sa probinsiya ngayong araw na 'to? " tanong niya sa akin na nakanguso pa rin.

Huminga ako nang malalim bago nagsalita sa kanya. "Hindi ko alam, Izza. Bahala na. Bahala na kung may makuha akong pera ngayong araw na 'to. 'Wag mo nang problemahin pa 'yon, okay? Hindi mo problema 'yon, problema ko 'yon," sabi ko sa kanya.

Problema ko 'to kaya ako ang dapat na namroroblema hindi siya. Bahala na. Gagawa pa rin ako ng paraan para magkaroon ng pera na ipapadala ko sa mga kapatid ko na para kay mama. Hindi ko sila puwedeng biguin sapagkat umaasa sila sa akin na ako ang bahala sa pera kaya kailangan na may maipadala talaga akong pera sa kanila.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status