Share

The Maid Who Stole My Heart (Filipino)
The Maid Who Stole My Heart (Filipino)
Author: Jay Sea

Chapter 1

CASSY

Nag-aayos na ako ng aking sarili nang biglang mag-ring ang cell phone ko na nasa tabi ko lang naman ngayong umaga na 'to. Mabuti ay hindi pa ako nagsisimula sa trabaho ko dito sa loob ng mansion na pinagtatrabauhan ko. Limang buwan na akong nagtrabaho dito sa mansion ng pamilya Montero. Lima kaming mga kasambahay dito. Iisa lang ang tinutulugan namin na kuwarto.

Nabasa ko kaagad ang pangalan ng kapatid ko na si Jona sa screen ng cell ko na sumunod sa akin. Siya ang tumatawag sa akin ngayon. Hindi ko alam kung bakit.

"Ba't hindi mo pa sinasagot ang tumatawag sa 'yo, huh? Kailan mo ba sasagutin 'yan, huh? Sa susunod na taon pa ba?" tanong sa akin ng kaibigan ko na si Izza na kagigising pa lang. Bago mag-ring ang cell phone ko ay gising na siya kaya hindi naman siya nagising dahil sa pag-ring ng cell phone ko.

Napanguso ako at saka nagsalita sa kaibigan ko na si Izza.

"Hindi naman, 'no? Grabe ka naman sa susunod na taon ko pa sasagutin ang tumatawag sa akin. Sasagutin ko naman 'to, 'no?" sagot ko nga sa kanya na nakanguso. Pinamaywangan tuloy ako ng kaibigan ko na si Izza pagkasabi ko.

"Iyon naman pala, eh. Ano pa ba ang hinihintay mo, huh? Sagutin mo na kasi," sabi pa sa akin ng kaibigan ko.

"Oo na, Izza. Sasagutin ko na ang tumatawag sa akin na kapatid ko lang naman, eh. Relax ka lang, okay?" sabi ko sa kanya at saka siya natigil sa kakatalak niya. Tinanguan naman niya ako.

Lumabas muna ako sa tinutulugan namin na kuwarto para sagutin ang tawag ng kapatid ko na si Jona.

Pagkalabas ko sa kuwarto ay pinindot ko na ang answer button ng cell phone ko para sagutin ang tawag ng kapatid ko sa akin ngayong umaga na 'to na hindi ko alam kung bakit siya tumatawag ng ganito kaaga. Hindi naman sila tumatawag sa akin ng ganitong oras. Nakapagtataka nga lang talaga ngayon.

Upang malaman ko kung bakit ay sinagot ko naman ang tawag niya para malaman ko kung bakit. Kung hindi ko naman sasagutin ay hindi ko naman malalaman, 'di ba? Hindi naman ako manghuhula kaya hindi ko naman mahuhulaan o malalaman kung ano'ng rason kaya siya tumatawag sa akin kahit hindi ko sagutin ang tawag niya.

"Good morning, Jona! Kumusta? Ang aga mo naman na tumawag ngayon sa akin," sabi ko sa kapatid ko na si Jona pagkasagot ko sa tawag niya. Binati ko rin siya ng good morning.

Hindi muna siya sumagot sa akin. Ang ginawa niya ay nagpakawala muna siya nang malalim na buntong-hininga.

"A-Ate..." nauutal na sabi ng kapatid ko sa akin dahilan upang mapakunot-noo ako.

"Bakit?" tanong ko sa kanya na nagtataka.

"Si mama kasi..." sabi niya sa akin na paputol-putol. Kinabahan na tuloy ako pagkabanggit niya kay mama.

"Huh? Ano kay mama, huh?" kinakabahan na tanong ko sa kanya.

Nagpakawala muna siya nang malalim na buntong-hininga bago nagsalita sa akin.

"May sakit po ngayon si mama," sabi ng kapatid ko sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko pagkasabi niya sa akin na may sakit ang mama namin. Umawang pa ang mga labi ko.

"A-Ano? Ano'ng sinabi mo? May sakit si mama? Sigurado ka ba sa sinasabi mo, Jona?" natatarantang tanong ko sa kanya.

"Oo, Ate Cassy. Sigurado po ako. May sakit po si mama. Totoo po ang sinasabi ko sa 'yo ngayon kaya nga po ako tumawag sa 'yo para malaman mo 'yon, eh," sagot ng kapatid ko sa akin.

Napasapo na lang ako sa aking noo matapos kong marinig ang sinabi niyang 'yon. Hindi lang ako nag-aalala kundi namroroblema ako sa lagay ng mama namin sa sinabi ng kapatid ko na may sakit ito.

"Oo na, Jona. Naniniwala na ako sa sinasabi mo na may sakit nga si mama. Salamat sa pagsabi mo sa akin ngayon para malaman ko. Nasaan ba siya ngayon, huh? Dinala n'yo na ba siya sa ospital, huh?" sagot ko sa kapatid ko na si Jona.

Tinanong ko siya kung nasaan ang mama namin at kung dinala na ba nila ito sa ospital.

Silang tatlo lang naman ang nakatira sa bahay namin sa probinsiya. Kasama ni mama doon sa bahay namin sa probinsiya ang dalawang kapatid ko na sina Jona at Alvin. Ang papa kasi namin ay wala na. Patay na ito. Dalawang taon na ang nakalilipas. Pinapadalhan ko naman sila ng pera kapag sumasahod ako para may gastusin sila sa pang-araw-araw.

"Hindi pa po, Ate Cassy. Hindi pa po namin dinadala si mama sa ospital. Nakahiga po siya doon sa kuwarto niya," sagot ni Jona sa akin.

"A-Ano? Hindi n'yo pa dinadala?" napataas ko ang boses ko sa tanong kong 'yon sa kanya. Hindi pa pala nila dinadala si mama sa ospital. Kailangan na nitong dalhin si mama sa ospital para magamot. Kailangan pa ba nila ito dadalhin kapag wala na?

"Hindi pa po talaga, Ate Cassy. Wala po kaming pera, eh," namamaos na sagot ng kapatid ko sa akin. "Kailangan po namin ng pera para dalhin doon si mama. Sorry po kung hindi namin nadadala pa sa ospital si mama."

Sa tono ng boses ng kapatid ko ay nararamdaman ko na naluluha siya habang kausap ako. Nakaramdam naman ako ng awa sa kanila lalo na sa mama ko na ngayon ay may sakit. Hindi ko na siya pinagalitan pa sa hindi nila pagdala sa mama namin sa ospital. Sasabihan ko na lang siya sa kailangan nilang gawin.

Lumunok muna ako ng aking laway at pagkatapos ay nagpakawala nang malalim na buntong-hininga bago sumagot sa kanya sa kabilang linya.

"Jona, kailangan n'yo na madala si mama sa ospital ngayong araw na 'to, okay? Hindi pa huli. Dalhin n'yo na siya sa ospital. Magpasama kayo kina Aling Sonia. Tutulungan kayo nila. 'Wag n'yo nang problemahin pa ang pera dahil ako na ang bahala sa pera na kailangan n'yo. Ang gawin n'yo na lang d'yan ay dalhin si mama sa ospital para mapagamot. Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko sa 'yo, huh? Magpapadala na lang ako ng pera d'yan sa 'yo. Dalhin n'yo na si mama sa ospital ngayong araw na 'to. 'Wag n'yo nang patagalin pa. Hindi naman kayo pababayaan n'yan nina Aling Sonia," sabi ko sa kanya.

"Sige po, Ate Cassy. Dadalhin namin si mama sa ospital ngayong araw na 'to. Hindi na po namin patatagalin pa na hindi madala si mama sa ospital. Magpapatulong na lang po kami kina Aling Sonia para madala si mama sa ospital para gamutin doon," sabi ni Jona sa akin na kaagad ko naman ngang sinagot.

"Oo. Huwag n'yo nang patagalin pa, Jona. Dalhin n'yo na si mama sa ospital. Magpatulong na lang kayo kina Aling Sonia na madala si mama sa ospital. 'Wag n'yo na problemahin pa ang pera. Ako na ang bahala doon, okay? Sige na, puntahan mo na si Aling Sonia. Magpatulong na kayo sa kanila. Tawagan mo na lang ako kapag nasa ospital na si mama. Maliwanag ba 'yon sa 'yo na sinasabi ko?" sabi ko pa sa kanya.

"Opo, Ate Cassy. Pupuntahan ko na po sina Aling Sonia para humingi ng tulong. Tatawagan na lang po kita kapag nadala na namin si mama sa ospital," sagot ng kapatid ko na si Jona sa akin.

"Sige, Jona. Kayo na ang bahala kay mama d'yan. 'Wag n'yo siyang pababayaan d'yan. Gawin n'yo ang nararapat n'yong gawin," paalala ko pa sa kanya.

"Opo, Ate Cassy. Kami na po ang bahala dito."

Tinapos na namin ng kapatid ko na si Jona ang pag-uusap namin sa kabilang linya. Sinabi ko na sa kanila ang kailangan nilang gawin. Ipinikit ko ang aking mga mata at pagkatapos ay nagpakawala nang malalim na buntong-hininga.

Hindi naman ako umiyak ngunit nag-aalala ako para sa mama ko. Kung puwede ko lang talaga siya na puntahan ay pinuntahan ko na kaso nga lang ay hindi puwede. May trabaho ako dito sa Maynila. Ang dalawang kapatid ko na muna ang bahala kay mama doon dahil sila ang nandoon. Magpapatulong na lang sila kina Aling Sonia na kapit-bahay namin. Mababait naman sina Aling Sonia. Mapagkakatiwalaan naman ang pamilya nila.

Mabuti nga na tinawagan ako ng kapatid ko na si Jona para nalaman ko na may sakit ang mama namin ngayon at nasabihan ko sila ng nararapat nilang gawin na dalhin na nila ito sa ospital. Huwag na nilang problemahin ang pera dahil ako na lang ang bahala na maghanap ng pera na ipapadala sa kanila. Ang kailangan talaga ay madala na ang mama namin sa ospital para magamot ito. Ang pera ay nahahanap o nakukuha kahit anong oras ngunit ang buhay ng tao ay hindi na. Kaya hangga't may pagkakataon pa ay gawin natin ang nararapat para gumaling ang mga mahal natin sa buhay dahil kapag nawala na sila at hindi natin nagawa ang dapat ay wala na, hindi na natin makukuha o mahahanap ito.

Ikinalma ko pa rin ang sarili ko kahit ganoon ang nalaman ko ngayong araw na 'to na may sakit ang mama namin.

Bumalik naman kaagad ako sa kuwarto na tinutulugan namin na mga kasambahay. Nandoon pa rin ang kaibigan ko na si Izza. Hinihintay niya ako. Lumabas na ang mga kasamahan namin na mga kasambahay para magsimula sa kani-kanilang mga trabaho. Nakasuot na ang kaibigan ko na si Izza ng aming uniporme habang ako ay magsusuot pa lang.

"Tapos na kayo mag-usap ng kapatid mo?" tanong niya sa akin na mabilis ko naman ngang tinanguan.

"Oo. Tapos na kami mag-usap ng kapatid ko sa kabilang linya," malumanay na sagot ko sa kanya.

Tumango naman siya at nagsalita, "Mabuti kung ganoon na tapos na kayong mag-usap na dalawa. Magtrabaho na tayo. Wait lang..."

"Ano 'yon?" tanong ko sa kanya.

"Bakit tumawag ngayon na umaga ang kapatid mo?" usisa niya sa akin. Inaalam talaga ng kaibigan ko kung bakit tumawag ang kapatid ko ngayong umaga na 'to.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status