Share

Chapter 4

CASSY

Habang nagma-mop ako ay natanaw ko sina Ma'am Rosaline at Sir Antonio na mga amo namin. Pababa sila sa hagdanan ng kanilang mansion. Kita ko na bagong bihis sila at halatang may lakad sila. Aalis sila at hindi ko alam kung saan silang mag-asawa pupunta. Dalawa ang anak nila na parehas lalaki. Mga guwapo silang dalawa. Ang panganay na anak nila ay si Sir Zach na crush ko at ang bunso naman ay Sir Martin na fourteen years old pa lang naman.

Nagpatuloy naman nga ako sa ginagawa kong pagma-mop habang bumababa sila sa hagdan para makita nila na nagtatrabaho ako. Tumigil lang ako nang ginawa ko na pagma-mop nang malapit na sila sa may kinaroroonan ko. Hindi ko naman sila binati pa dahil binati ko na sila kaninang umaga. Ngumiti na lang ako sa kanilang dalawa na mag-asawa. Ngumiti rin sila sa aking dalawa pabalik.

Hindi ko naman tinanong silang dalawa kung saan sila pupunta sapagkat hindi ko naman trabaho 'yon na alamin pa. Ang trabaho ko ay ang pagsilbihan silang pamilya at wala nang iba pa. Dumaan lang sila sa akin at kaagad naman ngang lumabas sa kanilang mansion. May naghihintay na ngang sasakyan sa kanilang dalawa sa labas.

Pagkatapos ko na mag-mop ay iba naman ang ginawa kong trabaho sa loob ng mansion. Kahit may problema akong iniisip ay patuloy lang ako sa pagtatrabaho. Wala naman akong magagawa kundi ang magtrabaho dahil nandito ako sa pinagtatrabauhan ko. Ang pino-problema ko talaga ay kung saan ako kukuha ng pera na ipapadala ko sa mga kapatid ko sa probinsiya. Kailangan na kailangan nila 'yon. Dapat makapagdala ako sa kanila bago matapos ang araw na 'to. Hindi puwedeng hindi.

Tumawag muli sa akin ang kapatid ko na si Jona pagkatapos ng lunch time. Doon kami nag-usap ng aking kapatid na si Jona sa likod ng mansion para walang makakita o makarinig sa akin na may kausap.

"Kumain na ba kayo ng lunch d'yan?" tanong ko sa kapatid ko na si Jona kung kumain na sila ng lunch ni Alvin.

"Oo na po, Ate Cassy. Kakatapos pa lang namin kumain ng lunch ni Alvin doon sa labas ng ospital. Doon kami kumain sa labas dahil may murang kainan doon, eh. Sa ngayon po ay nandito na kami ni Alvin sa loob ng ospital para magbantay kay mama," sagot ng kapatid ko sa akin.

"Ah, mabuti naman kung ganoon na tapos na kayong kumain ng lunch. Akala ko kasi ay hindi pa kayo kumakain ng lunch. Nag-aalala ako para sa inyo," sabi ko sa kanya sa kabilang linya. Nag-aalala naman talaga ako sa kanila lalo na kay mama.

"Ate Cassy, hindi mo naman po kailangan na mag-alala para sa amin dito, eh. Malalaki naman po kami kahit papaano. Hindi naman po kami maghihintay na magutom dito kaya kakain po kami kahit may pino-problema tayo. Alam naman po namin ang gagawin namin dito. 'Wag ka na pong mag-alala sa amin dito," sagot ng kapatid ko na si Jona sa akin.

Napabuga ako ng malamig na hangin at saka muling nagsalita, "E, kahit na, Jona. Kapatid n'yo pa rin ako kaya hindi maiwasan na mag-alala ako sa inyo lalo na may sakit si mama. Natural lang naman na mag-alala ako para sa inyo lalo na nga ay wala ako d'yan."

"Alam naman po namin 'yon, Ate Cassy. 'Wag ka na pong mag-alala para sa amin. Hindi naman po kami magpapabaya dito at saka kasama naman po namin sina Aling Sonia at anak niya na si Mira. May itatanong muli ako sa 'yo, Ate Cassy..." sabi ng kapatid ko na si Jona sa akin.

"Ano 'yon, Jona? Ano'ng itatanong mo sa akin?" tanong ko naman nga kaagad sa kapatid ko kung ano ang itatanong niya sa akin.

May ideya na ako kung ano ang itatanong niya sa akin. Hindi ko pinangunahan ang kapatid ko sa sasabihin niyang 'yon sa akin. Gusto ko na siya ang magtanong sa akin ng itatanong niyang 'yon. Ayaw ko na sabihin sa kanya kung ano ang nasa isip ko baka mali naman pala. Upang maging sigurado ay kailangan na siya ang magtanong sa akin ng tanong na 'yon.

Umihip muna siya ng hangin bago tinanong 'yon sa akin.

"Ang tanong ko po sa 'yo ay kung sigurado ka po ba na makakapagdala ka ng pera mamayang hapon, Ate Cassy? Gusto ko lang po na makasigurado dahil may mga gamot po kasing pinapabili sa amin 'yung doktor na wala dito sa loob ng ospital na kailangan po namin bilhin. Hindi pa naman po kami nakakabili kasi wala pa po kaming pera. Hinihintay po namin ang ipapadala mo na pera, Ate Cassy. Saka lang po kami bibili kapag may pera na kaming nahahawakan na ipapadala mo po. Makapagpadala ka po ba mamaya ng pera, Ate Cassy? Sorry po kung paulit-ulit na ako. Kailangan na kasi ngayon na araw na 'to ang gamot na 'yon ni mama. Baka po kasi nakukulitan ka na sa akin dahil paulit-ulit po ako, Ate Cassy," tanong muli nga sa akin ng kapatid ko na may kasamang paliwanag.

Malinaw kung narinig ang sinabing 'yon sa akin ng kapatid ko. Tinatanong niya muli ako kung sigurado ba ako na makakapagpadala ng pera ngayong araw na 'to sa kanila sa probinsiya. Napasapo ako sa pinagpapawisan ko na noo matapos nga niyang sabihin sa akin na may kailangan sila na bilhin na gamot sa labas para kay mama na wala doon sa ospital kung saan siya naka-confine. Hinihintay nila ako sa ipapadala na pera para makabili na sila ng gamot ng mama ko sa labas. Kung may pera lang talaga ako ay kahit ngayong oras na 'to ay pinadalhan ko na sila kaso nga lang ay wala pa akong nahahanap na pera na ipapadala ko sa kanila para makabili na sila ng gamot na kinakailangan para sa mama ko.

Humugot muna ako nang malalim na buntong-hininga bago sumagot sa kapatid ko na si Jona sa kabilang linya. Lumunok muna ako ng aking laway at nagsalita, "Jona, huwag kang mag-alala sapagkat magpapapadala ako sa inyo ngayong araw na 'to. Pinapangako ko 'yan sa inyo, okay? Kaunting hintay lang talaga. Magpapadala ako sa inyo ngayon para may maibili kayo ng gamot ni mama. Hindi ko naman nakakalimutan 'yon. Kaunting hintay lang talaga lalo na may trabaho pa kasi ako, eh. Pasensiya na, Jona. Sigurado ako na makakapagpadala ako ngayong araw na 'to. Pasensiya na sa inyo d'yan. Tatawagan naman kita mamaya kapag nakapagpadala na ako. Maliwanag ba 'yon sa 'yo, huh?" sagot ko sa kapatid ko.

Kahit hindi ako sigurado ay nangangako ako na makakapagpadala ako ngayong araw na 'to sa kanila para hindi sila mamroblema.

Gagawa ako ng paraan para may perang maipadala sa kanila dahil kailangan nila 'yon. Hindi ko naman nakakalimutan 'yon, eh. Ang ipapadala ko sa kanila na pera ang laman ng isip ko na pino-problema ko talaga simula pa kaninang umaga matapos malaman ko na may sakit ang aming mahal na ina.

"Sige po, Ate Cassy. Sorry po talaga kung paulit-ulit na ako sa 'yo katatanong. Naninigurado lang talaga ako, eh, dahil kailangan na namin bumili ng gamot sa araw na 'yon para kay mama. Sorry po talaga," humihingi ng sorry na sagot sa akin ng kapatid ko na si Jona sa akin.

"Okay lang, Jona. Hindi mo kailangan na humingi ng sorry sa akin, okay? Naiintindihan naman kita kung bakit paulit-ulit ka na nagtatanong sa akin. Okay lang talaga. Tatawagan naman kita mamaya kapag magpapadala na ako para makuha mo kaagad ang pera na ipapadala ko," sabi ko sa kanya. "Hindi ko naman talaga nakakalimutan 'yon. Baka kasi inaakala mo ay nakalimutan ko na 'yon ngunit hindi, eh."

"Hindi naman po ganoon ang iniisip ko, Ate Cassy. Alam mo naman po na hindi mo 'yon makakalimutan dahil para 'yon kay mama, eh. 'Wag mong isipin po 'yon. Maghihintay na lang po kami sa tawag mo mamaya kapag magpapadala ka na po. Sinisigurado ko lang po kasi, eh," sabi sa akin ng kapatid ko na si Jona.

Muli akong nagpakawala nang malalim na buntong-hininga bago sumagot sa kanya.

"Sinasabi ko lang naman 'yon dahil baka ganoon ang nasa isip n'yo. Sinabi mo naman sa akin na hindi naman pala ganoon kaya walang problema, Jona. Sige. Tatawag na lang ako mamaya, okay? May ginagawa pa kasi, eh," sabi ko sa kanya.

"Sige po, Ate Cassy..."

"Okay. Bye."

Sabay na naming dalawa ng kaibigan ko na si Jona binaba ang hawak namin na cell phone. Ipinikit ko ang aking mga mata at nagpakawala muli nang malalim na buntong-hininga. Gusto ko na umiyak sa sitwasyon namin ngayon ngunit pinipigilan ko lang ang sarili ko sapagkat ayaw ko na mapansin 'yon ng mga kasamahan ko na kasambahay lalo na ang kaibigan ko na si Izza.

Hindi na ako nagtagal pa sa likod ng mansion. Pumasok na ako sa loob ng mansion para ipagpatuloy ang pagtatrabaho ko. Tahimik akong nagtatrabaho sa loob kahit ang isipan ko ay walang ibang laman kundi ang mama ko na may sakit at nasa ospital ngayon at kung saan ako kukuha ng perang ipapadala ko sa kanila. Hindi ko na sinabi 'yon sa kaibigan ko na si Izza. Baka kung ano pa ang isipin niya sa akin kapag sinabi ko 'yon sa kanya. Sapat na ang mga sinabi ko sa kanya kanina. Ayaw ko na dagdagan pa 'yon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status