Share

Chapter 7

CASSY

Malapit na mag-alas singko ng hapon ay wala pa rin talaga akong nahahawakan na pera. Hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang nangyari kanina na naiwala ko ang ninakaw kong necklace ni Ma'am Rosaline. Nanghihinayang pa rin ako. Pera na sana 'yon ngunit nawala pa. Kung naisangla ko na sana 'yon ay hindi ko na kailangan na mamroblema sa pera na ipapadala ko ngayong hapon na 'to. May perang gagastusin na sana ang mga kapatid ko sa probinsiya. Nakabili na sana sila ng gamot sa labas na kailangan ni mama pero wala, eh. Walang nangyari sa ginawa kong pagnanakaw. Nauwi rin sa wala talaga.

Nilapitan muli ako ng kaibigan ko na si Izza. Ni-remind niya ako kung anong oras na nga. Tinatanong muli niya ako kung magpapadala ba ako sa mga kapatid ko ngayong araw na 'to. Sinagot ko naman nga siya ng totoo.

"Hindi ko nga alam kung makakapagpadala ako ngayong araw na 'to sa mga kapatid ko ng pera dahil hanggang ngayon ay wala pa rin akong nahahawakan na pera, eh," nakangusong sagot ko sa kaibigan ko na si Izza. "Baka nga hindi ako makapagpadala nito sa kanila ngayong araw na 'to. Nangako pa naman ako sa kanila lalo na kay Jona na sigurado akong makakapagpadala ngayong araw na 'to. Naghihintay pa rin sila n'yan sa akin, Izza. Ano ba ang nararapat kong gawin, huh? Sabihin ko na ba sa kanila ang totoo, huh?"

Tinanong ko nga ang kaibigan ko na si Izza kung sabihin ko na sa kanila ang totoo na wala akong maipapadala na pera sa kanila para huwag na silang umasa.

Nagkibit-balikat muna ang kaibigan ko na si Izza bago sumagot sa akin.

"Kung wala ka naman talagang maipapadala sa kanilang pera ngayong araw na 'to ay nararapat na tapatin mo na sila na wala kang pera na maipapadala sa kanila kaysa naman umasa sila sa 'yo, Cassy. Kung kailangan na talaga ng pera ay baka kung may mauutangan muna sila ay mang-utang muna sila. Bayaran na lang nila kapag nakapagpadala ka na nga ng pera," mungkahi ng kaibigan ko na si Izza sa akin. "Huwag ka na sa kanilang magsinunggaling, Cassy. Sabihin mo na ang totoo sa kanila."

Tumango-tango ako pagkasabi ng kaibigan ko na si Izza sa mungkahi niyang 'yon. May punto naman siya sa sinabing 'yon niya sa akin. Puwede ko naman na gawin ang mungkahi niya. Sabihin ko na lang sa mga kapatid ko ang totoo na wala akong maipadadala na pera ngayong araw na 'to. Paano kung magalit sila sa akin kapag sinabi ko ang totoo? Iisipin nila na pinaasa ko sila tapos wala naman pala.

"Kung sabihin ko man nga ang totoo sa kanila sa tingin mo ba ay magalit kaya sila lalo na ang kapatid ko na si Jona? Iisipin nila n'yan na pinaasa ko lang sila na magpapadala ako ng pera ngunit wala naman pala. Nangako pa ako sa kanila ng ilang beses. Hindi lang isa 'yon. Ilang beses akong nangako na magpapadala ngayong araw na 'to. Magagalit kaya sila kapag sinabi ko ang totoo?" tanong ko nga kay Izza na kaibigan ko.

"Hindi naman siguro sila magagalit n'yan sa 'yo, Cassy. Maiintindihan ka naman nila n'yan lalo na kung sasabihin mo ang too sa kanila. Hindi sila magagalit n'yan. Sigurado ako, Cassy. Mas mabuti na siguro na sabihin mo ang totoo sa kanila para hindi na sila umasa pa sa 'yo. Sabihin mo na hangga't maaga pa para makapag-utang sila sa iba kung may mauutangan sila. 'Wag mo nang patagalin pa na aabot hanggang alas otso ng gabi. Tawagan mo na si Jona na kapatid mo at magpaliwanag sa kanya ng katotohanan para maintidihan ka nila. Walang masama sa pagpapaliwanag, okay? Ang masama lang ay ang pagsisinungaling. Iyon ang hindi maganda, Cassy. Humingi ka na rin ng sorry o paumanhin para hindi sila magalit sa 'yo. Kausapin mo ang kapatid mo na si Jona nang maayos. Gawin mo na 'yon hangga't may oras pa. Wala ka naman na sigurong mahahanap o makukuhang pera sa araw na 'to kaya mabuti pa na tawagan mo na ang kapatid mo na si Jona para makapagpaliwanag ka sa kanya ng totoo. Gawin mo na ang sinasabi ko sa 'yo, Cassy. 'Wag ka nang magdalawang isip pa. May oras pa naman, eh," sabi pa sa akin ni Izza na kaibigan ko.

Naiintindihan ko ang sinasabi niyang 'yon sa akin na mungkahi niya kaya napagtanto ko na may tama naman siya sa sinasabi niyang 'yon sa akin. Tawagan ko na lang ang kapatid ko na si Jona at sabihin dito ang totoo para hindi na sila umasa pa sa akin na makakapagpadala ako ng pera sa araw na 'to at makagawa sila ng paraan para magkaroon ng pera kahit umutang muna dahil babayaran naman nila 'yon kapag may perang naipadala na ako sa kanila.

Tumango ako sa harapan ng kaibigan ko na si Izza matapos niyang sabihin muli 'yon sa akin na nararapat kong gawin. Tama naman siya sa sinasabi niyang 'yon sa akin kaya 'yon na lang ang gagawin ko.

'Pag sinabi ko ang totoo sa mga kapatid ko ay hindi naman siguro sila magagalit n'yan sa akin. Ang sabi ni Izza sa akin ay basta sabihin ko lang ang totoo ay hindi ito magagalit sa akin. Iyon naman ang gagawin ko. Magpapaliwanag ako ng totoo sa kanila.

"Sige. Iyon ang gagawin ko, Izza. Tatawagan ko na ang kapatid ko na si Jona para makapagpaliwanag at masabi ang nais kong sabihin. Tatapatin ko na sila na hindi ako makakapagpadala ng pera ngayong araw na 'to. Sana ay maintidihan nila ako. Sana ay hindi ka nagkakamali sa sinasabi mo na basta sabihin ko sa kanila ang totoo ay hindi sila magagalit sa akin," sabi ko kay Izza na mabilis naman nga akong tinanguan.

"Mabuti naman kung ang mungkahi ko sa 'yo ang gagawin mo, Cassy. Sinasabi ko sa 'yo na hindi sila magagalit sa 'yo lalo na kapag nagsabi ka ng totoo. Maiintindihan ka naman nila, eh. Tawagan mo na si Jona. 'Wag mo na ngang patagalin pa hangga't may oras pa," sabi ni Izza sa akin na hinawakan pa ang mga kamay ko.

Muli ko siyang tinanguan pagkasabi niya.

"Oo. Tatawagan ko na talaga si Jona pero—"

"Pero ano, huh?" tanong ng kaibigan ko na si Izza sa akin. Naalala ko kasi ang ginawa kong pagnanakaw ng mamahaling necklace ng amo namin na si Ma'am Rosaline.

Gusto ko na ngang sabihin 'yon kay Izza na kaibigan ko. Siguro kung sasabihin ko na 'yon sa kanya ay hindi naman siguro niya ipagsasabi 'yon kahit kanino. Mapagkakatiwalaan naman ang kaibigan ko at kapag sinabi ko siguro na huwag niyang sabihin 'yon ay hindi naman siguro niya ipagsasabi 'yon kahit kanino. Ititikom niya ang kanyang mga labi.

Huminga ako nang malalim at saka muling nagsalita, "Tatawagan ko na ang kapatid ko na si Jona para sabihin ang totoo sa kanya pero bago ko gawin 'yon may gusto muna akong sabihin sa 'yo."

Kumunot ang noo niya pagkasabi ko.

"Ano? Ano'ng sasabihin mo sa akin, huh?" tanong niya sa akin.

"Gusto ko na kung ano man ang sasabihin ko sa 'yo ay huwag mo sanang sasabihin 'yon kahit kanino. Gusto ko na sa ating dalawa lang 'yon," mahinang sabi ko sa kanya.

Mabilis naman nga niya akong tinanguan.

"Oo. Hindi ko sasabihin 'yon kahit kanino man, Cassy. Mapagkakatiwalaan mo ako, 'no? Basta sinabi mo sa akin na huwag kong sabihin kahit kanino ay hindi ko sasabihin kahit kanino pa man 'yan, okay? Hindi naman ako 'yung klaseng tao na hindi marunong umintindi ng sinasabi sa kanya. Sabihin mo na sa akin kung ano man ang sasabihin mo, Cassy. Gusto ko na marinig 'yon kung ano man nga 'yon na sasabihin mo. Sa ating dalawa lang 'yon na sasabihin mo sa akin. Walang makakaalam kahit sino pa man 'yan, Cassy. Pinapangako ko 'yan sa 'yo," pangakong sagot ng kaibigan ko na si Izza sa akin.

"Talaga ba?" paniniguradong tanong ko sa kanya. Tumango muli siya sa akin at nagsalita, "Oo. Pinapangako ko 'yan sa 'yo, Cassy. Kahit ano pa ang marinig ko sa 'yo na sasabihin mo ay hindi ko sasabihin kahit kanino. Kaya sabihin mo na sa akin 'yon."

Tumahimik muna ako ng ilang segundo bago nagsalita sa harapan ng kaibigan ko na si Izza na hinihintay ang sasabihin kong 'yon sa kanya. Lumunok muna ako ng aking laway at pagkatapos ay huminga nang malalim saka ko binuka muli ang aking mga labi para magsalita sa kanya. Seryosong nakatitig ako sa kanyang mga mata.

"Ninakaw ko ang mamahaling necklace ni Ma'am Rosaline kanina..." dahan-dahan na sabi ko kay Izza na nanlaki ang mga mata matapos kong sabihin 'yon sa kanya.

"A-Ano? Ano'ng sinabi mo, Cassy? Ninakaw mo ang mamahaling necklace ni Ma'am Rosaline?" tanong nga niya sa akin na mabilis ko naman ngang tinanguan.

"Oo. Ninakaw ko nga 'yon kanina sa loob ng kuwarto niya. Hinaan mo ang boses mo baka may makarinig sa 'yo. Malaman pa ang ginawa kong 'yon. Malalagot ako nito. Hindi ako nagsisinungaling sa 'yo, okay? Nagsasabi ako ng totoo na ninakaw ko talaga ang mamahaling necklace ni Ma'am Rosaline kanina," mahinang sagot ko sa kaibigan ko. Umawang ang mga labi niya pagkasabi ko.

Napamura pa nga siya. "Bakit mo ginawa 'yon, huh? Bakit mo ninakaw ang mamahaling necklace ni Ma'am Rosaline, huh? Paano mo ninakaw 'yon, huh?" nagtatakang tanong ni Izza sa akin.

Pinaliwanag ko naman nga kay Izza na kaibigan ko kung paano ko nagawang nakawin 'yon. Hindi siya makapaniwala matapos kong sabihin ang ginawa kong 'yon kanina.

"Wala sa plano ko ang magnakaw kanina, Izza. Hindi ko 'yon pinlano, okay? Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit pumasok na lang ako sa kuwarto nilang mag-asawa kanina. Nakabukas ito, eh. Pakiramdam ko kasi ay may bumubulong sa akin na pumasok doon kaya pumasok na lang ako at nakita ko nga sa sahig sa loob ng kuwarto nila an kumikinang-kinang na necklace na 'yon na kinuha ko naman nga. Naisip ko na puwede ko 'yon na ibenta o isangla para magkapera ako para may ipapadala ako sa kapatid ko sa probinsiya. Dahil kailangan ko talaga ng pera at desperada na ako na magkaroon ng pera na ipapadala ko sa mga kapatid ko kahit alam ko na mali at kasalanan ay nagawa ko na lang na nakawin ang necklace na 'yon ni Ma'am Rosaline," paliwanag ko sa kaibigan ko na si Izza para maintidihan niyang mabuti kung bakit ko ginawa 'yon kanina na nakawin ang mamahaling necklace ni Ma'am Rosaline. Napasapo siya ng kanyang noo matapos marinig ang paliwanag kong 'yon sa harapan niya.

"Hindi ako makapaniwala na magagawa mo 'yon, Cassy. E, nasaan na pala ang mamahaling necklace na ninakaw mo na pagmamay-ari ni Ma'am Rosaline, huh?" tanong niya sa akin. "Nand'yan pa ba sa 'yo, huh? Nasaan na ba ang necklace na 'yon, Cassy? Sagutin mo ako sa tanong ko sa 'yo. Ibinalik mo ba 'yon o hindi. Sigurado ako na nand'yan pa rin 'yon sa 'yo dahil kung naibenta o naisangla mo na ito ay hindi ka na mamroroblema ng perang ipapadala mo sa mga kapatid mo para sa may sakit n'yong ina. Nand'yan pa ba sa 'yo o binalik mo sa kuwarto ni Ma'am Rosaline kung saan mo 'yon napulot kanina?"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status