Share

Chapter 6

ZACH

Dahan-dahan akong lumapit sa may pinto ng kuwarto nina mommy at daddy. Sinilip ko sa loob ang kasambahay namin na si Cassy at nakita ko ang ginagawa niya doon. Napulot niya sa sahig ang mamahaling necklace na pagmamay-ari ni mommy. Hawak-hawak niya 'yon ng ilang segundo. Pinagmamasdan niya 'yon. Nagagandahan siguro siya sa kumikinang-kinang na necklace na 'yon ni mommy.

Akala ko ay ibabalik niya 'yon o kaya ay ilalagay sa madaling makita ni mommy ngunit hindi niya ginawa 'yon. Imbis na ibalik o ilagay sa madaling makita ng mga magulang ko lalo na si mommy ay inilagay niya 'yon sa bulsa ng uniporme niya. My eyes got bigger when I saw her put it inside her pocket. Napamura pa nga ako.

Ano'ng gagawin niya? Is she going to steal my mom's necklace?! Why did she put it inside her pocket? Hindi naman sa kanya ang necklace na 'yon. Sa mommy ko ang necklace na 'yon at wala nang iba pa.

Hinintay ko siya na ilabas muli 'yon mula sa loob ng bulsa ng uniporme niya ngunit hindi niya ginawa 'yon.

Dali-dali siyang tumungo sa may pinto ng kuwarto nina mommy at daddy para lumabas na. Patakbo naman akong umalis doon sa kinaroroonan ko upang hindi niya ako makita. Nagtago ako sa may hagdan kung saan hindi niya ako makikita kapag baba na siya.

Sinisilip ko pa rin si Cassy pagkalabas niya sa loob ng kuwarto ng mga magulang ko. Sinisigurado niya na walang nakakita sa kanya na galing sa kuwarto ng mga magulang ko. Nang masigurado niya na wala ngang nakakita sa kanya na gaming sa loob ng kuwarto ng mga magulang ko ay dali-dali siyang umalis doon. Akala niya siguro ay walang nakakita sa ginawa niya ngunit nagkakamali siya. I saw her what she did. Ninakaw niya ang mamahaling necklace ng mommy ko.

Nakaramdam ako ng pagkadismaya sa ginawa niyang 'yon na pagnanakaw ng mamahaling necklace ng mommy ko. Akala ko ay hindi siya ganoon ngunit mali pala ako sa inaakala ko. Magnanakaw pala siya.

Bumalik ako sa kuwarto ko at hindi na ako mapakali doon. Hindi ako makapaniwala na ang kasambahay na crush ko na pinagpapantasyahan ko gabi-gabi ay isa palang magnanakaw. I'm so disappointed with her! Kailan pa siya naging magnanakaw na kumuha ng mga gamit o bagay na hindi naman sa kanya? Matagal na ba niyang ginagawa 'yon? Marami na ba siyang nabiktima? Kung matagal na niyang ginagawa ang pagnanakaw ay hindi pala siya mapagkakatiwalaan. Maraming mawawala na mga gamit dito sa loob ng aming mansion kapag nandito siya. Baka pati ako ay maging biktima niya. Nakawan rin niya ako nito.

Ano kaya ang gagawin niya sa ninakaw niyang necklace ni mommy? Posibleng ibenta o isangla niya 'yon. Iyon naman ang puwedeng gawin niya. Kung ibebenta o isasangla niya ang mamahaling necklace na pagmamay-ari ni mommy ay sigurado ako na ngayon niya gagawin 'yon. Kailangan ko malaman 'yon.

Sumunod na ginawa ko ay kinuha ko 'yung pabilog na upuan na nasa loob ng kuwarto ko. Inilagay ko 'yon sa may bintana. Hinawi ko 'yon. Kitang-kita ko doon sa bintana ng kuwarto ko kung sino ang lalabas at papasok sa mansion namin. Kaya kung sakali man ngang lumabas si Cassy sa mansion namin ay makikita ko siya.

Naghintay ako ng mahigit isang oras doon sa may bintana para makita kung lalabas nga siya sa mansion namin para ibenta o isangla ang mamahaling necklace na ninakaw niya sa mommy ko. Hindi nga ako nagkamali sa inaasahan ko. Nakita ko si Cassy na lumabas sa mansion namin. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mawala siya. Napatayo pa nga ako pagkakita ko sa kanya.

Saan kaya pupunta ang babaeng 'yon? Sigurado ako na ibebenta o isasangla na niya ang ninakaw niyang necklace sa mommy ko. Gusto ko pa sana siyang sundan ngunit hindi ko na ginawa pa. Baka mahalata pa nito na sinusundan ko siya.

Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na magagawa niyang nakawin ang necklace ng mommy ko. Hindi naman kasi halata sa kanya na makati ang mga kamay niya. Kung titingnan mo nga siya ay para bang isang anghel siya. Hindi mo iisipin na magagawa niya na magnakaw ng hindi naman sa kanya.

CASSY

Pagkababa ko sa nasakyan kong jeep ay naglakad na ako patungo sa pawnshop na pagsasanglaan ko nitong mamahaling necklace na ninakaw ko kay Ma'am Rosaline. Kinapa ko muli 'yon para masigurado kung nasa bulsa ko pa rin 'yon. Nasa bulsa ko pa rin nga 'yon.

Habang naglalakad ako ay pinagpapawisan ako kaya kinuha ko ang kulay puting panyo ko na nakalagay rin sa bulsa ko. Doon rin nakalagay ang ninakaw kong necklace ni Ma'am Rosaline. Pagkakuha ko sa panyo kong 'yon ay pinunasan ko kaagad ang mga pawis ko lalo na sa aking noo habang naglalakad ako. Hindi ko na binalik pa 'yon sa bulsa ko hanggang sa makapasok ako sa pawnshop na pagsasanglaan ko ng ninakaw kong necklace.

Kukunin ko na ang necklace na ninakaw ko para isangla 'yon sa pawnshop na 'yon ay hindi ko makapa sa bulsa na nilagyan ko 'yon. Kinabahan na ako. Napamura pa nga ako ng mahina na pilit hinahanap kung nasa bulsa ko ba 'yon. Tiningnan ko na sa sahig ng pawnshop baka kasi ay nahulog doon ang necklace na ninakaw ko na pagmamay-ari ni Ma'am Rosaline ngunit wala, eh. Hindi ko makita doon. Nakailang pasok na rin ako sa bulsa ng uniporme ko ngunit wala talaga ang mamahaling necklace ni Ma'am Rosaline na ninakaw ko.

Isa lang ang ibig sabihin kaya wala na ito sa bulsa ko at 'yon nga ay ang nahulog ito habang naglalakad ako kanina. Naisip ko na baka nahulog 'yon kanina nang kunin ko ang kulay puting panyo ko na nasa bulsa nitong uniporme ko. Posible ngang nahulog ito kanina nang kinukuha ko ang panyo ko para punasan ang pawis ko. Shit! Bakit ngayon pa nawawala ang necklace na 'yon? Hindi puwedeng mawala 'yon sapagkat kailangan ko na maisangla 'yon para magkapera ako.

Ang ginawa ko sumunod ay imbis na malungkot ay dali-dali akong lumabas ng pawnshop na 'yon. Binalikan ko ang dinaanan ko kanina para hanapin 'yon. Binalikan ko naman nga ang dinaanan ko patungo sa pawnshop na 'yon ngunit hindi ko na talaga nakita ang mamahaling necklace na 'yon na ninakaw ko. Wala na ito.

Napasapo na lang ako ng aking noo habang nakatayo sa harapan ng bakery na naamoy ko ang masasarap na bagong lutong tinapay. Nanghihinayang ako sa totoo lang. Napamura muli ako. Sigurado ako na may nakapulot na ng necklace na 'yon na ninakaw ko kung nahulog man nga ito kanina habang naglalakad ako. Diyos ko! Saan ko naman hahanapin 'yon?

Labis ang panghihinayang ko sa naiwala kong necklace na ninakaw ko kay Ma'am Rosaline. Wala na ito. Kailanma'y hindi ko na makikita pa ito. Ano'ng gagawin ko ngayon?

May pera na sana akong ipapadala sa mga kapatid ko para sa panggastos nila sa mama ko na nasa ospital kung hindi nawala ko ang necklace na 'yon. Ang tanga-tanga ko talaga. Bakit ko hinayaan na mawala 'yon? Gusto kong umiyak sa labis na panghihinayang sa necklace na 'yon ngunit kahit umiyak ako ay wala na akong magagawa pa kung wala na nga ito ay may nakapulot na ngang iba. Wala na akong magagawa pa.

Sinubukan ko pa rin talaga na hanapin 'yon ngunit hindi ko na talaga nakita pa. Hindi na sa akin nagpakita pa ang necklace na 'yon na ninakaw ko. Napunta na ito sa iba. Hindi ko man nga lang napakinabangan. Sigurado ako nito na ibebenta o isasangla rin ang necklace na 'yon ng nakapulot nito. Ano naman ang gagawin niya sa necklace na 'yon, 'di ba? Walang ibang gagawin doon kundi ang ibenta o isangla ito lalo na kung lalaki ang nakapulot.

Wala naman na ang necklace na 'yon kaya kailangan ko nang bumalik pa sa mansion. Kung may nakapulot na nga nito ay hindi ko na makikita o mababawi pa 'yon. Naiwala ko na ito. Sayang talaga. Manghinayang man nga ako ay wala na akong magagawa pa. Naiwala ko na ang dapat na isasangla ko para magkapera ako.

Sumakay ako muli ng jeep para makabalik sa pinagtatrabauhan ko na mansion. Habang nasa biyahe ako ay walang ibang laman ang isipan ko kundi ang kung saan ako makakakuha ng pera na ipapadala ko sa mga kapatid ko ngayong araw na 'to. May pera na sana akong ipapadala para sa kanila ngayong araw na 'to kaso nga lang ay nawala pa. Naiwala ko pa ito.

Malungkot ako na bumalik sa mansion. Wala namang nakakita o nakapansin sa akin na lumabas ako. Kung ano ako lumabas kanina ay ganoon rin sa pagbalik ko. Hindi ko naman pinahalata na malungkot ako sa kanila lalo na sa kaibigan ko na si Izza. Nagkunwari ako na wala lang kahit nalulungkot at labis ang panghihinayang ko sa nangyari kanina. Kasalanan ko naman 'yon kung bakit nawala ang ninakaw ko na necklace. Pera na 'yon sana ngunit nawala pa.

Namroroblema muli tuloy ako ngayon kung saan ako kukuha ng pera na ipapadala sa mga kapatid ko. Kahit sisihin ko pa ng sampung beses ang sarili ko ay wala na akong magagawa pa. Naiwala ko na ang dapat na pera na sana ngayon. Nagpatuloy pa rin ako sa pagtatrabaho ko sa loob ng mansion kahit namroroblema ako.

Nilapitan ako ng kaibigan ko na si Izza para magtanong kung may pera na akong nahanap o nakuha na ipapadala ko sa mga kapatid ko sa probinsiya na kailangan nila. Hapon na kasi, eh.

"Hapon na, 'di ba? May nahanap ka na bang pera na ipapadala mo sa mga kapatid mo para sa mama n'yo na may sakit na nasa ospital ngayon, huh? Tinatanong lang naman kita, eh," tanong sa akin ng kaibigan ko na si Izza.

Pinalipas ko muna ang ilang segundo bago sinagot ang katanungan niyang 'yon sa akin. Nagpakawala ako nang malalim na buntong-hininga at saka nagsalita, "Hapon na nga, eh. Alam ko naman 'yon, Izza. Wala pa talaga akong nahahanap o nakukuhang pera na ipapadala ko ngayong hapon na 'to sa mga kapatid ko sa probinsiya. Kailangan na kailangan na talaga nila, eh. Bibili sila ng gamot sa labas ng ospital para sa mama namin dahil wala raw ng gamot na 'yon sa ospital na 'yon. Problemadong-problemado na talaga ako, bessie. Hindi ko na alam ang gagawin ko," nakangusong sabi ko sa kaibigan ko. Napanguso na rin tuloy sa harapan ko ang kaibigan ko na si Izza pagkasabi ko.

"Kung may pera talaga ako ay pinahiram na kita kaso nga ay wala rin talaga ako, Cassy. Parehas lang tayong dalawa walang pera," sabi ni Izza sa akin.

"Naiintindihan naman kita, Izza. Alam ko naman na wala kang pera, eh. 'Wag mong problemahin ang problema ko, okay? Problema ko 'to..." malungkot na sabi ko sa kanya.

"Mabait ang Panginoon kaya sigurado ako n'yan na makakahanap ka rin ng pera na ipapadala mo sa mga kapatid mo para sa mama n'yo. Magtiwala ka lang, Cassy," sabi niya sa akin. Tinanguan ko naman nga siya pagkasabi niya.

Umihip ako ng hangin at nagsalita, "Sana nga talaga ay may mahanap akong pera. Tulungan sana ako ng Panginoon lalo na ngayong araw na 'to dahil kailangan na kailangan ko na talaga."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status