Share

Chapter 5

CASSY

Pagkatapos ko ng aking trabaho sa baba ay tumaas naman ako sa taas kung saan dumako ako sa harapan ng kuwarto nina Ma'am Rosaline at Sir Antonio. Pagkatapat ko doon ay napansin ko na nakabukas ang pinto ng kuwarto nilang mag-asawa. Napakunot-noo tuloy ako pagkakita ko. Napatanong tuloy ako sa isipan ko kung nakalimutan ba nila isara ang pinto ng kuwarto nila kanina bago sila umalis kung saan man nga sila pupunta. Imposible naman na makalimutan nila na isara ang kuwarto nila lalo na at aalis sila. Hindi pa naman sila bumabalik kung saan man nga silang dalawa pumunta. Wala namang ibang magbubukas ng kuwarto nilang dalawa na mag-asawa kundi sila lang kaya imposible na may pumasok ditong iba. Wala naman siguro silang pinapasok na mga kasamahan ko kasambahay sa loob ng kuwarto nilang mag-asawa.

Napakamot tuloy ako ng aking ulo pagkakita ko na bukas 'yon. Hindi ko talaga alam kung bakit nakabukas 'yon na pinto ng kuwarto nilang mag-asawa. Isasara ko na sana nang tuluyan ang pinto ng kuwarto nilang mag-asawa nang biglang may bumulong sa tainga ko na huwag ko munang isasara 'yon.

Pakiramdam ko pa nga ay may nag-uudyok sa akin na pumasok sa loob ng kuwarto nilang mag-asawa hanggang sa matagpuan ko ang aking sarili na nandoon na sa loob.

Nandoon na ako sa loob kaya hindi na ako lumabas pa. Inilibot ko ang aking mga mata sa loob ng kuwarto nilang mag-asawa. Malinis doon sa loob. Mabango at ang ganda ng kuwarto nilang mag-asawa. Hindi naman na unang pasok ko sa kuwarto nila. Maraming beses na akong nakapasok sa kuwarto nilang mag-asawa kapag maglilinis o ano pa na pinagagawa nila sa akin dito sa kuwarto nila.

Ang tahi-tahimik doon sa loob. Palibhasa ay walang tao at tanging aircon lang ang maririnig sa loob. Hindi naman gaano kalamig sa loob dahil siguro binawasan nila ang lamig tutal wala naman silang mag-asawa. Mayaman naman sila kahit hindi sila magtipid sa kuryente ay may pambayad sila.

Habang nandoon ako sa loob ay naglakad-lakad ako. Mayaman ay dumako ang mga mata ko sa sahig at may nakita akong kumikinang-kinang na necklace na napakaganda. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakakita ng ganoong klaseng kumikinang-kinang na necklace na halatang mamahalin talaga. Nanlalaki ang mga mata ko na nakatingin sa kumikinang-kinang na necklace na nasa sahig.

Nagtaka muli ako pagkakita ko sa kumikinang-kinang na necklace na 'yon kung bakit nandoon sa sahig. Nahulog ba 'yon ni Ma'am Rosaline sa sahig kanina bago sila umalis ng mansion? Hindi ko alam ang sagot. Bukas na nga ang pinto ng kuwarto nilang mag-asawa tapos nasa sahig pa ang mamahaling necklace na kumikinang-kinang pa. Nakapagtataka nga lang talaga na ganito ang nakikita ko sa kanilang kuwarto na mag-asawa.

Pinulot ko nga ang kumikinang-kinang na necklace na 'yon at sinuring mabuti. Mamahalin talaga ang necklace na 'yon na hawak-hawak ko.

Naalala ko na nangangailangan pala akong pera. Bigla kasing nawala sa isipan ko 'yon pagkakakita ko sa kumikinang-kinang na necklace na pagmamay-ari ni Ma'am Rosaline. Ibabalik ko ba ang hawak-hawak kong kumikinang-kinang na necklace? Saan ko naman ito ilalagay kung ibabalik ko? Baka kung ibalik o ilagay ko sa kung saan man dito sa loob ng kuwarto nila ay baka magtaka pa si Ma'am Rosaline kung bakit nandoon na nakalagay. Iisipin niya na may gumalaw sa pagmamay-ari niyang mamahalin na necklace.

Naisip ko na pera ang mamahaling necklace na 'to kapag binenta o sinangla ko. Magkakaroon na ako ng pera na maipapadala ko sa mga kapatid ko para sa panggastos nila sa ospital na kailangan ng mama namin. Hindi na ako mahihirapan pa na maghanap ng pera na ipapadala sa kanila.

May pagkakataon na ako na magkaroon ng pera na ipapadala ko sa mga kapatid ko para sa may sakit namin na ina. Ano'ng gagawin ko? Kukunin ko ba ang necklace na 'to para magkaroon na ako ng pera? Kung hindi ko kukunin ang mamahaling necklace na hawak-hawak ko ay wala ako nitong maibebenta o maisasangla para magkapera. Wala naman pati akong mauutangan pa.

Alam ko naman na masama ang magnakaw ng gamit na hindi naman sa akin ngunit wala naman akong choice ngayon. Kailangan na kailangan ko talaga ng pera na ipapadala sa mga kapatid ko sa probinsiya para kay mama. Inaasahan nila na ngayon ako magpapadala kaya hindi ko dapat sila biguin. 'Pag kinuha ko ang mamahaling necklace na 'to na pagmamay-ari ni Ma'am Rosaline ay magkakapera na ako. Hindi na ako mamroroblema pa kung saan kukuha ng pera. Hindi ko na dapat sayangin ang pagkakataon na meron ako.

Kasalanan ang pagnanakaw ngunit wala na akong ibang choice para magkapera ako. Kailangan ko na talaga ng pera. Kukunin ko na talaga ang mamahaling necklace na 'to. Ibebenta o isasangla ko ito. Bahala na. Bahala na kung magkasala ako. Patawarin sana ako ng Panginoon sa gagawin ko na 'to na pagnanakaw sa mamahaling necklace na pagmamay-ari ni Ma'am Rosaline. Kailangan ko na talaga ng pera.

Ipinasok ko kaagad sa bulsa ng uniporme ko ang mamahaling necklace na hawak-hawak ko na pagmamay-ari ni Ma'am Rosaline. Nanakawin ko 'yon para magkaroon ng pera. Iyon ang desisyon ko na gawin kahit alam ko na kasalanan 'yon at hindi tama. Alam naman ng Panginoon ang dahilan kung bakit ko gagawin 'yon.

Huminga ako nang malalim at dali-daling lumabas sa kuwarto ng mag-asawa na amo namin.

Wala namang tao pagkalabas ko sa kuwarto ng amo namin. Nakahinga ako nang maluwag. Kinakabahan na tuloy ako pagkalabas ko sa kuwarto nila. Palibhasa ay may ginawa akong hindi maganda kaya natatakot ako na may makakita sa akin ngayon. Inilibot ko muli ang mga mata ko sa labas. Sinigurado ko talaga na walang nakakita sa akin.

Nang masigurado ko na wala ngang tao ay dali-dali akong umalis doon. Mahirap na may makakita sa akin na galing sa kuwarto ng amo namin na sina Ma'am Rosaline at Sir Antonio dahil kapag nalaman nilang mag-asawa na nawawala ang necklace ni Ma'am Rosaline ay ako ang ituturo ng mga nakakita sa akin dahil ako ang nakita nila na galing doon sa loob ng kuwarto. Malalagot ako nito. Ninakaw ko pa naman ang necklace na 'yon.

Nagtrabaho muna ako sa loob ng mansion matapos 'yon. Hindi muna ako umalis para ibenta o isangla ang mamahaling necklace na ninakaw ko kay Ma'am Rosaline. Minu-minuto kong kinakapa ang ninakaw ko na necklace sa bulsa ko para masigurado na hindi mawawala ito sa bulsa ko. Hindi ko naman sinabi kay Izza na kaibigan ko ang ginawa kong 'yon.

Kung lalabas man ako sa mansion ay dapat walang makakita sa akin na mga kasambahay o kahit sino pa. Kailangan ko na makuha ng tiyempo na makalabas ako nang maayos na walang nakakita sa akin. 'Pag may nakakita kasi sa akin na kasamahan namin ay mag-uusisa sila sa akin kung saan ako pupunta. Paghihinalaan nila ako nito lalo na kapag nalaman na nila na nawawala ang mamahaling necklace ng amo namin na si Ma'am Rosaline.

Tahimik lang ako na nagtatrabaho sa loob ng mansion at naghihintay na magkaroon ng tiyempo na makalabas ako na walang nakakita sa akin. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan talaga ako. Makalabas kaya ako nito na walang nakakakita sa akin? May oras pa naman ngunit kailangan na makalabas na ako bago pa dumating ang mag-asawa na amo namin na sina Ma'am Rosaline at Sir Antonio kung saan man nga ito pumunta. Hindi dapat dumating sila na wala ako. Kailangan na nandito na ako.

Naghintay ako ng isang oras bago tuluyang nakalabas sa loob ng mansion. Sinigurado ko na walang nakakita sa akin. Abala ang lahat ng mga kasambahay sa pagtatrabaho sa loob ng mansion.

Pagkalabas ko sa loob ng mansion ay dali-dali akong lumayo doon. Naglakad ako ng kaunti bago ako nakasakay ng jeep para ibenta o isangla ang mamahaling necklace na ninakaw ko kay Ma'am Rosaline.

ZACH

Natanaw ko na pumasok sa loob ng kuwarto ng mga magulang ko ang kasambahay namin na si Cassy habang pababa ako ng hagdan mula sa aking kuwarto. Nagtaka kaagad ako sa pagpasok niya doon. Wala naman siyang dala na panglinis sa loob ng kuwarto nina mommy at daddy.

I was curious kaya ang ginawa ko ay sinundan ko siya pagkababa ko sa floor kung saan ang kuwarto ng mga magulang ko. Natatanaw kasi sa may hagdanan ang kuwarto nila kaya kitang-kita ko si Cassy na pumasok doon. Cassy is one of our maids in our mansion. Limang buwan na siyang nagtrabaho sa amin. Simple siya. Maganda. Crush ko siya. Hindi niya alam 'yon dahil hindi ko naman sinasabi sa kanya.

Bihira ko siyang kausapin pero madalas na nasa kanya ang paningin ko. Siya ang palaging pinagpapantasyahan ko. I really want to feel her lips on mine. Hindi lang naman 'yon ang nais ko sa kanya. Gusto ko na maangkin siya pero nag-aalangan ako na gawin 'yon. Hindi tama na makipagrelasyon ako sa isang kagaya niya na kasambahay. Hindi rin naman ako sigurado na papayag siya sa nais ko na mangyari. Nagpipigil lang talaga ako ng sarili ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status