Share

Chapter 3

CASSY

Habang nagtatrabaho ako sa loob ng mansion ay walang ibang laman ang isip ko kundi ang mama ko na may sakit sa probinsiya. Nag-aalala ako sa kanya nang sobra. Namroroblema rin ako kung saan ako kukuha ng pera na ipapadala ko sa kanila doon. Wala naman akong mauutangan dito sa mansion. Wala ring pera na sobra ang kaibigan ko na si Izza kaya wala talaga akong maipadadala sa kanila ngunit hindi naman puwedeng wala. Kailangan na may maipadala ako sa kanila. Umaasa pa naman ang kapatid ko na si Jona na may ipapadala ako ngayong araw na 'to sa kanila na pera para may panggastos sila sa ospital. Hindi ko dapat sila biguin. Wala na nga ako doon sa probinsiya para tumulong sa kanila, wala pa akong maibibigay o maipapadala na pera sa kanila. Hindi naman maganda 'yon na ako ang nagtatrabaho tapos ay ako pa ang walang maipadadala. Kailangan ko na gumawa ng paraan. Saan kaya ako makakahanap nito ng pera na maipadadala sa kanila?

Ayaw ko naman na subukan na manghiram ng pera sa mga kasamahan namin na mga katulong dahil sigurado ako na wala rin sila n'yan na pera. Hindi pa naman kami sumasahod. Nakakahiya naman na manghiram ako sa mga amo ko ng pera. Baka hindi naman ako nila pahiramin n'yan. Hindi ko talaga alam kung saan ako kukuha ng pera. Dapat mamayang hapon ay may naipadala na akong pera para sa gastusin nila sa ospital. Hinihintay ko ang tawag ng kapatid ko na si Jona kung nadala na nga nila sa ospital ang mama namin. Nasa bulsa lang ng uniporme ko ang cell phone ko dahil kapag tumawag na ang kapatid ko sa akin ay masasagot ko kaagad 'yon.

Makalipas ang isang oras ay tumunog na nga ang cell phone ko na nasa loob ng bulsa ng uniporme na suot ko. Hindi naman naka-volume ang pagtunog ng cell phone ko kaya hindi naman narinig 'yon ng mga kasamahan ko. Kahit hindi ko pa nakikita kung sino ang tumatawag sa akin ay alam ko na kung sino 'yon. Walang ibang tatawag sa akin ngayon kundi ang kapatid ko na si Jona.

Itinigil ko muna ang ginagawa ko para sagutin ang tawag ng kapatid ko na si Jona. Inilabas ko na ang cell phone ko sa loob ng bulsa ng uniporme ko. Tumungo ako sa may gilid kung saan walang tao na makakarinig sa akin at doon ko sinagot ang tawag ng kapatid ko.

"Ano'ng balita d'yan, Jona? Nadala n'yo na ba si mama sa ospital?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"Opo, Ate Cassy. Nadala na po namin si mama dito sa ospital. Naka-admit na po siya sa isang room," imporma sa akin ng kapatid ko.

Nakahinga ako nang maluwag kahit papaano matapos na sabihin ni Jona na kapatid ko na naka-admit na sa ospital ang mama namin. Wala na akong kailangan na ipag-alala para sa kanya sapagkat nasa ospital na siya. Ang mga doctor at nurse na lang ang bahala sa kanya doon. Ang problema ko na lang talaga ay ang pera na ipapadala ko sa kanila na panggastos nila sa ospital.

"Mabuti naman kung ganoon, Jona. Salamat sa Panginoon na nadala n'yo na si mama d'yan sa ospital," sabi ko sa kapatid ko na may kasamang pasalamat sa Panginoon. "Sino'ng kasama n'yong dalawa d'yan sa ospital ni Alvin, huh?" tanong ko pa sa kanya.

"Si Aling Sonia at ang anak niya na si Mira ang kasama namin dito sa ospital, Ate Cassy. Tinulungan po niya kami na dalhin si mama dito sa ospital," sabi pa ng kapatid ko sa akin.

"Ah, okay. Pakisabi kay Aling Sonia at anak niyang si Mira na maraming salamat sa pangtulong sa inyo," sabi ko kay Jona.

"Opo, Ate Cassy. Sasabihin ko po 'yon kina Aling Sonia. 'Wag ka pong mag-alala, makakarating po 'yon sa kanila," sabi niya sa akin.

"Sige, Jona. Maraming salamat," sabi ko sa kanya na may pasalamat.

"Walang anuman po 'yon, Ate Cassy. Magpapadala ka po ba ngayong araw na 'to ng pera?" tanong pa ng kapatid ko sa akin.

Napasinghap ako sa tanong niyang 'yon.

"Oo naman, Jona. Magpapadala ako ng pera ngayon sa inyo. Hindi puwedeng hindi," sabi ko sa kanya na nakaawang ang mga labi. Kahit hindi ako sigurado na makakapadala ako ng pera sa kanila ngayong araw na 'to ay sinabi ko pa rin na magpapadala na ako. Hindi puwedeng sabihin ko na hindi. Umaasa sila sa akin kaya kailangan ko talaga na gumawa ng paraan na magkaroon ng pera na ipapadala sa kanila.

"Sige po, Ate Cassy. Tawagan mo na lang po ako kung magpapadala ka na po," sabi niya sa akin.

"Oo, Jona. Tatawagan kita kapag magpapadala na ako sa 'yo. Sa 'yo ipapangalan ang perang ipapadala ko,'' tugon ko pa sa kanya.

"Opo, Ate Cassy. Maghihintay lang po kami dito sa Padala mo," sabi pa niya sa akin.

"Okay. Sige na, tatawag na lang ako sa 'yo, Jona. Hindi ako dapat magtagal sa pakikipag-usap sa 'yo ngayon dahil may trabaho pa ako. Mapapagalitan ako nito kapag nahuli ako ng mga amo ko na may kausap sa cell phone. Baka mawalan pa ako ng trabaho," sabi ko sa kanya.

"Sige po, Ate Cassy. Ayaw ko naman po na mawalan ka ng trabaho kaya putulin na muna natin ang pag-uusap natin ngayon," sabi niya sa akin.

Tinapos na muna namin ang usapan na dalawa sa kabilang linya. Huminga ako nang malalim matapos 'yon. Nagpapasalamat muli ako sa Panginoon na nadala na ng mga kapatid ko ang mama namin sa ospital sa tulong nina Aling Sonia. Ang po-problemahin ko na lang talaga ngayon ay ang pera na ipapadala ko sa kanila. Saan kaya ako kukuha ng pera na ipapadala ko sa kanila? Wala naman akong malalapitan na iba, eh.

Ibinalik ko na ang cell phone ko bulsa ng uniporme ko para bumalik sa ginagawa ko. Dali-dali naman akong bumalik doon. Ginulat pa ako ng kaibigan ko na si Izza.

"Bwisit ka talaga, Izza! Ginulat mo pa talaga ako. Akala ko kung sino na," sabi ko sa kanya na hawak-hawak ang dibdib ko.

Tinawanan pa ako ng kaibigan ko na si Izza na ang sarap hampasin nitong mop na hawak-hawak ko.

"Saan ka ba kasi galing, huh?" tanong niya sa akin kung saan ako galing. Itinuro ko naman sa kanya kung saan na gilid ako pumunta para kausapin ang kapatid ko sa kabilang linya bago ako nagsalita sa kanya kung bakit ako pumunta doon.

"Doon mo pa talaga kinausap ang kapatid mo sa gilid," sabi niya sa akin.

"Oo. Doon na ako pumunta sa gilid para walang makakita at makarinig sa akin na may kausap sa cell phone. Gusto mo ba na doon ako sa labas kung saan maraming makakita sa akin na may kausap sa cell phone, huh? Mapapagalitan ako nito ng mga amo natin, Izza," protesta kong sagot sa kanya.

"Alam ko naman 'yon, Cassy. Puwede naman doon sa labas basta mag-iingat ka lang. Kung hindi ka mag-iingat ay talagang makikita ka ng mga amo natin at siguradong mapapagalitan ka," sabi pa niya sa akin.

"E, kahit na, mahirap na doon sa labas. Maraming puwedeng makakita. May mga s****p pa naman tayong mga kasamahan na katulong sa mga amo natin baka isumbong pa ako kaya mabuti na doon ako sa gilid para sigurado na walang makakakita at makaririnig sa akin na may kausap sa kabilang linya. Mabuti na ang sigurado kaysa magtitiwala tayo," katwiran ko pang sagot sa kanya.

"May tama ka naman sa sinabi mong 'yon, Cassy. Mabuti na nga siguro na ganoon na doon mo na lang kinausap ang kapatid mo sa may gilid para sigurado na walang makakakita at makaririnig sa 'yo. Anyway, ano na pala ang balita sa mama n'yo? Nadala na ba ito sa ospital, huh?" sagot ng kaibigan ko na si Izza sa akin.

Tinatanong niya ako kung nadala na ba sa ospital ang mama namin. Bago ko sinagot ang katanungan niyang 'yon sa akin ay huminga muna ako nang malalim. May trabaho pa kaming gagawin kaya hindi ko na patatagalin pa.

"Oo. Nadala na ang mama namin sa ospital sa tulong ng kapit-bahay namin na si Aling Sonia kasama ang anak niya na si Mira. Salamat sa Panginoon dahil tinulungan kami nila. Ang pino-problema ko talaga ngayon ay kung saan ako kukuha ng pera na ipapadala ko sa kanila ngayong araw na 'to. Umaasa ang dalawang kapatid ko na magpapadala ako ngayong araw na 'to. Ayaw ko naman sila na biguin kaya kailangan na gumawa ako ng paraan para magkaroon ng pera na ipapadala ko sa kanila," sabi ko kay Izza na nagsisimulang mapanguso sapagkat namroroblema ako sa pera na ipapadala ko sa mga kapatid ko na kailangan nila para sa pagpapagamot ni mama sa ospital at iba pang gastusin nila doon.

"May alam ka ba pa na puwede kong mahiraman ng pera, Izza?" tanong ko pa sa kanya.

Umihip siya ng malamig na hangin bago nagsalita sa harapan ko. "Wala naman akong alam na puwedeng mahiraman mo ng pera, Cassy. Ba't hindi mo kaya subukan na humiram ng pera sa mga amo natin, 'no? Baka sakaling pahiramin ka nila. Subukan mo lang naman. Malay natin maawa sila sa 'yo. Pahiramin ka nila," mungkahing sagot ni Izza sa akin.

"Naisip ko rin naman 'yan, eh, kaso nga lang ay mukhang hindi ako pahihiramin nila n'yan. Katulong lang naman ako, 'di ba? Iisipin nila n'yan na ano naman ang ibabayad ko sa utang ko sa kanila, eh, ang baba lang naman ng sahod natin. Kulang pa nga na ipadala natin sa pamilya natin, 'di ba? Sigurado ako n'yan na hindi nila ako pauutangin, Izza. Hindi ako maghihiram sa kanila ng pera. Tatanggihan lang nila ako n'yan," sabi ko sa kanya na nakanguso. "Umutang na lang ako sa iba, huwag lang sa kanila. Mukhang makukunat pa naman silang utangan. Halata naman, 'di ba? Kaya huwag na lang sa kanila. Sa iba na lang, Izza."

"Sabagay ay may punto ka naman sa sinabi mo, Cassy. Tatanggihan ka lang naman nila n'yan kaya huwag na lang siguro. Alam mo sa totoo lang ha, kung sino pa ang may mga pera ay sila pa ang mahirap utangan, 'di ba? Tayong mga mahihirap kahit mahirap ay nagpapautang kung kailangan talaga ng nangungutang sa atin. Palibhasa hindi naman nila nararanasan ang hirap na dinadanas nating mga mahihirap kaya sila ganyan," sabi ni Izza na kaibigan ko sa akin na totoo naman talaga. Sang-ayon ako sa kanya. Kung sino pa nga ang may pera ay sila pa ang napakahirap utangan.

"Paano ka n'yan, Cassy? Saan ka kukuha ng pera n'yan na ipapadala mo sa inyo sa probinsiya? Umaasa pa naman ang mga kapatid mo na magpapadala ka ngayong araw na 'to," tanong niya sa akin.

"Iyon nga ang problema ko, Izza. Kailangan na kailangan ko talaga ng pera ngayon. Wala naman akong maibebenta na mga gamit ko kaya wala akong maibebenta para magkapera lang. Ibenta ko na lang kaya ang katawan ko para magkapera ako ngayon," problemadong sabi ko sa kaibigan ko na napamura sa panghuli na sinabi ko sa kanya.

"Gaga ka ba, Cassy? Gusto mo na ibenta ang katawan mo para lang magkapera ka, huh?" kunot-noong tanong niya sa akin na tinanguan ko naman kaagad.

"Oo. Kailangan ko talaga ng pera kaya kahit 'yon ay gagawin ko. Wala akong choice, 'no? Maghihintay ba ako sa wala, huh? Wala ba akong gagawin para sa mama ko? Hindi puwedeng wala. Kailangan ay may gawin ako kahit buhay o katawan ko pa ang kapalit para lang gumaling ang mama ko at may perang panggastos sila. Titiisin ko 'yon para sa kanila dahil mahal ko sila lalo na ang mama ko. Ayaw ko pa siyang mawala, 'no? Kaya gagawin ko talaga ang lahat ng magagawa ko basta magkapera lang para sa kanya," paliwanag ko sa kaibigan ko na si Izza na hindi sang-ayon sa sinabi kong 'yon sa kanya.

Naisip ko ang bagay na 'yon sapagkat kailangan ko talaga ng pera para sa mama ko. Hindi bale na ako ang magsakripisyo o magtiis, huwag lang sila. Kaya kong pasanin 'yon para sa kanila dahil mahal ko sila lalo na ang mama ko. Gagawin ko ang lahat para sa kanila.

"Huwag mong gawin 'yon, Cassy. May iba pang paraan. Huwag kang mawalan ng pag-asa, okay? May mahahanap ka rin n'yan na pera na ipapadala mo sa kanila. Magtiwala ka lang," sabi niya sa akin.

Wala na akong sinabi sa kanya pagkasabi niya. Pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa kong trabaho. Bahala na talaga.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status