Share

Chapter 74.1

Ava’s Point of View

“Coffee.” Paglapag ko ng isang basong tasa sa bilog na mesang pinagigitnaan namin ni Shaelza. Narito kami sa veranda.

Napabaling siya sa akin. “Salamat.” Ngumiti siya. 

Nakuha ko ang kaniyang atensyon mula sa panonood niya kina Jemuel at sa mga bata, na wala na yatang kasawaan sa pagpapalipad ng saranggola. Mukhang ang Tito Jemuel nila ang napapagod para na kanila. Hindi mo naman masisisi ang mga bata dahil bago lamang sa kanila ang ganitong bagay at kinagigiliwan na nila. Kahit na nakikita mo na sa kanila ang pangangawit sa katitingala ay para bang tuwang-tuwa pa rin sila sa kanilang nakikita sa itaas. 

It was cool afternoon for everyone. Mainit pero hindi masakit sa balat ang sinag ng araw dulot ng lamig ng hanging sumisipol sa paligid. Iba talaga kapag nasa mataas na bahagi ka ng lugar naroroon at napaliligiran ng mga puno. May malaking kapatagan na puwedeng takbuhan ng mga bata o malatagan para sa isang picnic.

<
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status