I CANT BREATHE... Tulala lang ako habang nanlalaki ang mga matang nakatitig kay Alexis. Pakiramdam ko pa nga ay tinakasan ako ng kaluluwa ko at basta na lang iniwan na tila itinulos sa daan. Hindi ako makahinga. Ang lakas din ng kabog ng dibdib ko dahil sa kaba."I said get in the car," muling sabi ni Alexis sa tila napipikong tono.Sa inis ko naman sa kanya ay napairap ako at iningusan siya. Matapos niya akong i-sabmarin. Matapos niya akong palayasin. At matapos niya akong baliwalain, heto siya at hahabol-habol din naman pala. Sana aware siya na maganda nga ako, pero never akong naging kaladkarin tulad ng mga naging babae niya."Neknek mo!" baliwalang sagot ko saka tumawid papunta sa kabilang kalsada.Hindi sa nagmamaganda ako dahil alam ko naman na matagal na akong maganda. Ang akin lang, matuto naman siyang manuyo. Ano lang ba sa kanya 'yong ibili niya ako ng isang dosenang rosas, chocolate, at sincere na sorry?"Malamang big deal 'yon sa kanya!" tanong ko, sagot ko na rin.Hello,
IT'S 12:55 MIDNIGHT. HE WAS DRIVING HIS CAR.Hindi pa rin ako mapakali sa kinauupuan ko. Paulit-ulit pa rin na nag e-echo sa isip ko 'yong sinabi niya kanina. Wala namang malisya para sa akin 'yong pagyakap ko sa kanya, simpleng tsansing lang pero hanggang doon lang. Hindi rin naman mahigpit. Hindi magaang. Saktong yakap lang.Pero bakit niya nasabing kapag nagtagal kami sa ganoong posisyon ay maaari niya akong mahalikan?Hidden crush kaya ako ng kupal na 'to?Mula sa pagkakasandal ko sa kinauupuan ko'y napabaling ako sa kanya. Pinagmasdan ko siya kahit alam kong alam niya na nakatingin ako sa kanya. Seryoso lang siyang nagmamaneho habang nakatutok ang tingin sa daan. Magulo ang buhok niya na parang hindi na pinagkaabalahang suklayan. Ang damit niya naman ay t-shirt na puti at grey na jogger, tipong pang tulog niya lang, pero keri pa rin naman.Simple lang naman ang ayos niya. Simple lang ang itsura niya. Pero ang lakas pa rin ng dating niya at nakakapangliit pa rin kapag katabi siya.
SORRY...Paulit-ulit kong sinasabi sa isip ko 'yon pero wala akong lakas ng loob upang sabihin 'yon sa kanya ng harapan. Kinakain ako ng aking konsensya. Binabagabag ang loob ko. "Minzi..."Hindi ko rin alam kung paano ba ako hihingi ng sorry sa kanya. Paano kung magalit siya? Kung tuluyan niya na akong tanggalin sa Club-V?"Hey, Minzi..."Paano kung dahil sa panghuhusga ko sa kanya ay hindi niya ako bigyan ng suweldo? Paano ko maipapagamot ang Mama ko? Simpleng salita, limang letra, pero bakit hindi ko kayang bigkasin sa kanya?"MINZIRETH PAJE!""I do Sir!" sa gulat ay iyon ang nasabi ko. Pero ano raw? May sinasabi ba siya? "Huh? A-ano nga kasi 'yong tanong mo?" His cold eyes grinned with amusement. Para bang natatangahan siya sa akin na hindi ko maintindihan. Basta, may something sa mga mata niya na hindi ko mabigyan ng kahulugan."Tatanungin pa lang sana kita kung saan na ba tayo..." Tinuro niya ang daan kung saan nasa harap na namin ang arko ng Masinloc. "But then you said I do,
MINZI WAKE UP!Malalakas na tapik sa pisngi at tila ako inaalog ng kung sino mang buwisit na istorbo sa mahimbing na pagkakatulog ko."Minzi, are you okay? Hey, can you hear me?"Idinilat ko ang isa kong mata ngunit muli lang din napapikit dahil sa liwanag ng ilaw na tumama sa aking mata. Anong oras na ba? Bakit parang ang sakit na sa balat ng liwanag?Sa ikalawang pagkakataon ay dahan-dahan kong idinilat ang isa kong mata. Naaninag ko ang pamilyar at guwapong mukha ng lalaki, kaya lang malabo. Kaya naman iminulat ko na rin ang isa pa at doon ay malinaw ko nang nakita ang mukha ng lalaki. Ngumiti siya sa akin kaya naman napangiti na rin ako."Hi, sir!" bati ko sa kanya.Kaagad niya akong isinandal sa pader saka binuhusan ng tubig. Sa gulat ay nanlaki ang mga mata ko. Late na akong nakatili dahil hindi ko naman inaasahan ang gagawin ng pisteng yawa na ito!"What the-" kusa akong natigilan nang takpan niya ng palad niya ang bibig ko."'Wag kang titili, baka magising ang buong barangay,"
Panay ang singhal ko kay Alexis nang dahil sa nangyari kay Mama. Ni hindi niya man lang kasi naisip ang magiging reaksyon ni Mama sakali mang lumabas siya mula sa banyo ng nakatapis lang ng tuwalya."I told you, hindi ko sinasadya," muli niya namang paliwanag na kababakasan ng pagka-irita. "Malay ko ba na gising na ang Mama mo. Isa pa, hindi ko naman kasalanan kung hinimatay siya dahil guwapo at hot ako.""Kung makarampa ka naman kasi ng katawan akala mo nasa isang body show ka!" Inismiran ko siya habang patuloy pa rin sa paghihilot sa likod ni Mama.Itinuro ko na rin ang silid ko kay Alexis na kaagad niya namang pinuntahan. Ilang beses pa muna akong nakarinig ng sunud-sunod na pagbabagsakan ng kung anu-ano sa loob bago siya muling lumabas.Suot niya na ang light pink kong t-shirt na may mukha ni Patrick at pajama na polka dots. Kahit mukha siyang sumang ibus sa t-shirt at tila kinapos sa tela ang pajama na nagmukha na ring tokong sa kanya ay palong-palo pa rin naman. Bagay pa rin sa
"Okay lang ba kayo d'yan?"Nahihiyang tumango lang ako kay Alexis. Mula sa salamin ng sasakyan ay nakatingin siya sa amin ni Mama na nakaupo sa bandang likuran niya. Nagmukha pa tuloy siyang driver habang kami naman ni Mama ay ang nagkakapalang mukha na pasahero niya."Okay, then let's go," aniya saka ngumiti.Putakte, muntik ko ng hindi kayanin ang ngiting iyon na iginawad niya sa akin mula sa salamin. Napahawak tuloy ako sa dibdib ko ng wala sa oras.Pakiramdam ko'y lalabas na ang puso ko dahil sa kaharutan ni Alexis. Ni hindi man lang siya mag dahan-dahan, kapag ako talaga na fall sa talipandas na ito... sira ang pangarap kong makapagpatayo ng mansiyon!"Sir, hindi ba nakakahiya sa'yo? Masyado na kitang naabala. Kaya ko naman ng samahan si Mama sa ospital, isa pa-""Isa pang ganyan mo, maiinis na talaga ako sa'yo," agap niya.Naka ilang beses na kasi ako sa pagtatanong sa kanya at kasasabi ng nakakahiya. Pero kahit naman paulit-ulit akong umapela, hindi pa rin siya pumapayag na iwa
"Hey, are you okay?"Ilang beses akong kumurap at sa ika-apat ay doon pa lang bumalik ang aking katinuan. Doon pa lang ako tila nagising sa malalim na pagkakatulala at pag-iisip. Sa katotohanang wala ako sa langit at hindi si San Pedro ang ka face to face ko kun'di si Alexis na maang na nakamasid din sa akin."Ha?" wala sa huwisyong saad ko sa kanya. "Ano nga ulit 'yong sinasabi mo?" dagdag ko pa.Nakakahiya mang aminin, pero oo, natulala ako sa harap ni Alexis. Parang tumigil nang ilang minuto ang mundo sa pag-ikot at na-stock ako sa kinatatayuan ko habang nakatitig lang sa kanya. 'Di ko lang sure kung may tumulo bang laway sa akin, pero nang kapain ko naman ang labi ko ay napaka-dry. So ibig sabihin, hindi ako naglaway."Gutom ka na nga siguro," aniya naman sabay hawak sa kamay ko at hinila na ako. "Tara na, ilibre mo na ako ng kahit ano."Sa isang food cart kami huminto. Isang lalaki na sa tingin ko ay nasa edad fifty plus na ang may-ari niyon. Iba't ibang street foods din ang tind
TAPOS NA ANG OPERASYON.Tuwang-tuwa ako nang sabihin sa amin nang doktor na okay na si Mama. Ligtas na siya at tapos na ang operasyon niya. Parang sa sobrang saya ko ay mapapasimba ako kahit na nga ba tuwing birthday at pasko lang ako nagagawi sa simbahan."Kailan po puwedeng lumabas ang Mama ko?" tanong ko sa doktor pagkatapos niyang sabihin sa amin ang mga dapat tandaan at hindi dapat na gawin ni Mama para mas mapadali ang pag galing niya."Kahit bukas na bukas ay puwede na siyang lumabas," sagot naman ng doktor saka ngumiti.Sa totoo lang ay may itsura siya. Maputi, matangkad, natural ang pagkabrown ng kanyang mga mata, at higit sa lahat... pogi. "Maraming salamat po-" kusa akong natigilan nang akbayan ako ni Alexis na ngayon ay nasa tabi ko na. Nang tingalain ko siya ay mataman siyang nakatitig sa doktor na akala mo'y may ginawa itong masama sa kanya."Ngayon ba?" ani Alexis na sa doktor pa rin nakatingin. "Hindi ba namin siya puwedeng ilabas? May private doctor naman kami na puw