Share

Finding a new place

Pumunta na lamang siya sa kaniyang kwarto at kinuha ang cellphone para magsimula ng maghanap ng mga apartment online na malapit sa kaniyang trabaho dahil anytime ay pwede siyang tawagan ng Company. Lahat ng nakikita niya ay masyadong mahal dahil business capital ang lugar na ito. Hindi na siya pwedeng tumuloy kay Ms. Katarina dahil tapos na ang project nila na kasama ito. Wala naman siyang ganoon kalaking pera para mangupahan. Nagpunta ang kaniyang Mama sa kanyang kwarto at may inabot na puting envelope sa kanya.

"Heto kunin mo, kailangan mo ng pera pang deposit sa lilipatan mo," sabi ng kaniyang Mama.

Ang Mama Fely lang talaga niya ang nakakaintindi sa kaniya, alam din nito na hindi na magbabago ang desisyon ng kaniyang Papa lalo pa at lalaki ang magiging apo nito kay KD. Ayaw din ng Mama Fely niya na umuwi siya ng probinsya nila dahil alam nito kung gaano kahalaga sa kanya ang pangarap niya.

"Maliit na halaga lang iyan, sana makatulong sa iyo. Huwag mo sasabihin sa Papa mo, hindi niya alam iyan," patuloy ng kaniyang Mama.

"Himdi na po Mama itabi ninyo na iyan, mas kailangan mo iyan. Ipangbili mo na lang Mama ng bago mong damit. May ipon po ako na pwede kong gamitin. Ok lang po ako," sagot ni Alex habang ibinabalik ang envelope sa Mama niya.

"Sige na anak tanggapin mo na iyan. Huwag ka ng makulit, iyan lang ang maitutulong ko sa iyo," pagpupumilit ng Mama niya pagkatapos ay lumabas na ito ng kwarto.  Maliit na halaga lamang itong ituring ngunit napakasaya na ni Alex dahil alam niyang may nakakaintindi sa kaniya at may kakampi siya kahit anong mangyari.

Sumunod na umaga ay maagang umalis si Alex para pumunta sa Bangko. Susubukan niya kung makakakuha na muli siya ng loan mula dito.

"I'm sorry Ms. Rivera hindi po kayo qualified para makakuha muli ng loan. Mayroon ka pang remaining balance sa nauna mong niloan, hindi ito maaring ireimburst sa bago mong inaapply na loan. I'm sorry," paliwanag ng Bank Teller.

Sunod na pinuntahan niya ay ang apartment na nakita niya sa isang Advertisment online. maganda ito, malinis at tama lang ang space para sa para sa kanya, ngunit mahal ito at hindi kaya ng kanyang budget. May sumunod pa siyang pinuntahan ngunit masyado naman itong maliit at looban. Mahirap makasakay sa lugar. Nagdesisyon na lang muna siyang kumain dahil lagpas na ng tanghalian at gutom na talaga siya. Pagkatapos na lamang niyang kumain saka siya maghahanap ulit ng malilipatan.

Samantala sa Company naman nila Sam ay may nagaganap na meeting para sa ilulunsad nilang bagong System para sa isang company na client nila.

"4 days na lamang ang meron tayo bago ang deadline para sa project na ito. Sam ikaw ang naka assign sa stabilization ng system. Natapos mo na ba?" tanong ni Carlos.

"Hindi pa, it's in progress," sagot ni Sam.

"Sam dapat natapos mo na iyon ngayon para maitest natin ang system, 4 days na lang meron tayo," giit ni Carlos.

"Imposible iyon marami akong gagawin. Hanggang 8pm lang ang trabaho ko dito. Pagkatapos noon kailangan ko ng umuwi," wika ni Sam.

"Seryoso ka ba Sam kailangan natin mag over time ngayon para maabot natin ang deadline. Alam ko na galit ka sa akin dahil sa housemate na ipinakilala ko na si Mark. Hindi ko naman alam na ganoon iyong tao kapag nalalasing," saad ni Carlos.

"Walang kinalaman 'yan dito Mr. CEO. Kailangan kong umuwi ng maaga dahil kailangan kong pakainin ang aso kong si Snow at magsegregate ng mga recycble materials," sagot ni Sam.

"Anong sabi mo magpakain ng aso at mag recyclable? Seryoso ka ba?" hindi makapaniwalang tanong ni Carlos. Wala siyang nakuhang sagot kay Sam at tiningnan lamang siya nito ng masama.

"Ok hindi na kita pipilitin mag overtime ngayon, pero paano 'yung deadline natin. Kakayanin ba natin matapos?" wika ni Carlos. Hindi niya ito pwedeng pilitin dahil ayaw niya itong umalis sa Company niya. Si Sam ang Ace sa company niya at pinilit lamang niya itong magtrabaho sa kanya.

"Pwede kong idivide sa ibang members ng team ang task na kailangan gawin. Pero ngayon hindi ko talaga kayang mag overtime. Kailangan ko muna makahanap ng bagong housemate na gagawa ng mga gawain ko sa bahay para makapag overtime ako," paliwanag ni Sam sa kaniyang mga ka trabaho at kay Carlos. Natapos ang kanilang meeting na iyon ang napagkasunduan. Bumalik sila sa kani-kanilang office at desk.

Habang nasa office niya si Carlos ay kinuha niya ang kaniyang cellphone. "Ok hahanapan ko ulit siya ng bago housemate at pagtatrabahuhin ko siya ng magdamag at walang tulugan," natatawang sabi ni Carlos habang naghahanap sa kanyang cellphone ng pwedeng maging housemate ni Sam.

Si Alex naman ay nasa isang kainan. Habang kumakain mag-isa at nakatingin sa mga nagtataasang building sa harapan niya.

"Hmm gaano kaya karami ang kailangan kong isulat para makatira sa ganyan kagandang lugar," sa isip-isip sabay buntong hininga. Biglang nagring ang kanyang cellphone. Tumatawag sa kanya si Abby. "Hello Abby.

"Ano nakahanap ka na ba ng apartment?" tanong ni Abby.

"Hindi pa rin eh," malungkot na sagot ni Alex.

"Nakausap ko si Mike meron daw siyang alam na naghahanap ng housemate. Kaibigan daw ng pinsan ni Mike," excited na kwento ni Abby.

"Talaga? Saan daw? Kaya ba ng budget ko? Alam mo naman na katatapos lang ng huli kong project at wala pang na assign sa akin na bago," excited ngunit nag aalalang sabi ni Alex.

" Ang sabi sa akin ni Mike hindi mo daw kailangan magbayad ng deposit. Tapos ang rent ay 10,000 kasama na doon ang monthly bills.  Not bad hindi ba?

"Oo nga not bad talaga noh. Yung mga napuntahan kong apartment kanina 10,000 ang pinakamura pero hindi pa kasama ang monthly bills and expenses. Saan 'yan pupuntahan ko din 'yan ngayon din," saad ni Alex habang nagmamadaling lumabas ng kainan.

"Pero teka Alex nabanggit din ni Mike na marami daw kailangan na rules and conditions na kailangan iconsider para tanggapin ka ng humahanap," paliwanag ni Abby. "Asaan ka ba,magkita tayo para mapaliwanag ko sa iyo lahat. Patapos na'yung shift ko," dagdag pa ni Abby.

"Sige puntahan kita. Magkita tayo sa coffee shop sa harap ng boutique ninyo," sabi ni Alex pagkatapos ay pinatay na ang cellphone at patakbong pumunta sa bus stop para puntahan si Abby.

Nakasakay na si Alex ng bus at wala pang 30 minutes ay nakarating na siya sa coffee shop. Nandoon na si Abby at nakaupo sa isang table katabi ng glass window. Nakita agad siya nito at kumaway sa kaniya. Pagkalapit ni Alex sa table ay nagbeso siya kay Abby at pagkatapos ay naupo siya sa upuan na kaharap nito.

" Kanina ka pa ba? Anong gusto mong kainin o inumin? Mag order ka ng kahit ano, ako na ang bahala," sunod-sunod na pananalita ni Alex dahil sobrang thankful ito kay Abby at Mike.

"Ok lang ako, tapos na akong kumain. Sabi pala ni Mike ay 3 bedroom condominium daw iyon sa isang kilalang building, gusto daw paupahan 'yung  isang kwarto. Pero 'yun nga marami daw rules and conditions yung may-ari at ang gusto pa daw ay lumipat ka agad," pagpapaliwanag ni Abby.

" Ok na ok sa akin iyan, kahit ngayon mismo ay lilipat ako," excited na sagot ni Alex.

"At heto dagdag pa ni Mike, may pagka hindi normal daw 'yung makakasama mo.

" Abby ilang taon na akong nag aassist sa iba't ibang writers. Halos lahat ng tao kaya ko ng pakisamahan mula sa pinaka matino hanggang sa pinaka weird," pagmamalaki ni Alex.

"Haha kung ok naman pala sayo ang lahat itetxt ko si Mike, sasabihin ko na ibigay ang number mo sa magiging housemate mo para kayong dalawa na ang mag-usap.

Pagkatapos nilang mag-usap ni Abby ay umuwi na rin si Alex.

Habang naglalakad pauwi sa kanilang bahay ay may nagtxt sa kanya. Bagong number ito at wala sa contacts niya. Binuksan niya ang message at nagpakilala itong ang may-ari ng bahay na lilipatan niya. Gusto nitong lumipat na agad siya bukas kung wala ng problema at ok na sa kanya ang lahat. Mag rereply na sana siya ng makita niya ang kaniyang Papa sa may kotse nito sa labas ng kanilang bahay.

"Anong ginagawa mo diyan, pumasok ka na sa loob para maayos mo na ang mga dadalhin mong gamit para makaalis na tayo," utos ng kaniyang Papa ng makita siya.

"Papa may sasabihin po ako.

"Ano yon?" tanong ng kaniyang Papa.

"Hindi po ako sasama. May nahanap na po akong malilipatan ko. Mas malapit po sa trabaho ko at bukas po pwedeng-pwede na agad akong lumipat," sagot ni Alex.

"Sigurado ka ba? Baka dahil mo lang iyan dahil ayaw mong umuwi sa atin.

"Hindi po Papa totoo po, kung gusto niyo po pwede ninyong tawagan si Abby. Alam niya po kung saan ako lilipat,"  paliwanag niya.

Lumabas ang kaniyang Mama ng bahay kasama si KD at Dana.

"Halika na Kris baka lalo pa tayong gabihin sa byahe. Tawagan mo ako Alex kapag nakalipat ka na ha. Sige na aalis na kami ng Papa 'nyo," wika ng kaniyang Mama. Nagpaalam na ang mga ito at sumakay na sa kotse. Nauna na si Alex pumasok sa bahay at dumiretso sa kanyang kwarto. Ready na ba siya na lumipat na bukas o nasabi niya lang iyon dahil gusto na siyang isama ng kanyang Papa? Ano kayang klaseng tao ang makakasama niya?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status