The Proposal

The Proposal

By:  Kimberly De Leon  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
2 ratings
11Chapters
1.2Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Si Alex Rivera ay isang Assistant Writer sa isang Television Company. Pangarap niyang makapagsulat ng sarili niyang drama at makilala rito. Mabait, pursigidong maabot ang pangarap, at mabuting anak sa mga magulang. Tutol ang ama ni Alex sa pagiging writer niya. Sa hindi inaasahang pangyayari ay kinakailangan niyang umalis sa tinitirahan niya. Kailangan niyang humanap ng bagong niyang matitirahan kung hindi ay pauuwiin siya ng kanyang ama sa probinsya at patitigilin siya nito sa pagsusulat. Nakahanap siya ng taong naghahanap ng housemate sa tulong ng kaniyang kaibigan. Lumipat agad siya sa bahay nito ng hindi inaalam ang ibang detalye sa magiging kasama niya. Dahil sa magkasalungat na lifestyle ay hindi sila nagkikita ng housemate niya. Isang araw ay nalaman niya na lalaki pala ang housemate niya. Lalaki? Paano, isang babae at isang lalaki sa iisang bahay? Paano kapag nalaman ito ng kanyang ama? Paano ang kaniyang mga pangarap? Dahil sa pagiging desperado ay tinanong niya ang lalaki " Pwede mo ba akong pakasalan?"

View More
The Proposal Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments
user avatar
pring ogra
Update please author
2022-04-01 02:31:10
0
user avatar
MATECA
Nice story. Upload more chapters.
2022-03-02 11:24:57
0
11 Chapters
Start of Hardship
"Sa wakas natapos ko na din!" sigaw ni Alex habang nag-uunat. Isang Assistant Writer si Alex sa isang Television Company. Halos limang taon na siyang nagtatrabaho dito.Si Ms. Katarina ang kaniyang Boss, siya ang Head Writer na kumuha sa kaniya. Dalawang buwan ding tumira si Alex kay Ms. Katarina dahil sa tinatapos nilang drama sa TV. Dalawang buwan na din siyang hindi umuuwi sa sarili niyang bahay."Hmm papayagan na kaya niya akong umuwi? Siguro naman kasi napasa ko na sa kanya ang final draft. Tapos na din naman ang mga kailangan kong gawin," wika ni Alex.Inayos na niya ang kaniyang mga gamit. Pagkatapos ay lumabas na siya ng kwarto bitbit ang bag niya at isang maliit na maleta at lumapit kay Ms. Katarina na busy sa ginagawa niya sa computer."Ms. Katarina excuse me po, naipasa ko na po ang final draft. Pwede na po ba akong umalis?" mahinang tanong ni Alex kay Ms. Katarina."Saan ka pupunta?" tanong ni Ms. Katarina na hindi man lang siya nililin
Read more
Impression
"Ang kapal ng mukha ni KD na ikaw ang gusto niyang umalis. Eh isa pa lang naman siyang estudyante at wala ring trabaho," nanggigigil na sabi ni Maddy."Alex hindi ba sa iyo nakapangalan ang bahay na iyon. Ikaw ang nagbabayad sa monthly expense at maintenance ng bahay. Kaya siya ang dapat umalis hindi ba Maddy," wika naman ni Abby.Inayang lumabas ni Alex ang mga kaibigan niyang sina Maddy at Abby para may mapagsabihan at  makausap tungkol sa kaniyang problema. Sina Maddy at Abby ay mga matatalik na kaibigan ni Alex simula pa noong highschool. Sa Manila na rin nagtatrabaho ang mga ito. Si Maddy ay isang Supervisor sa isang Advertising Company. Samantalang si Abby naman ay Manager sa isang Fashion Boutique."Hmm hindi sa akin nakapangalan ang bahay kung hindi kay KD," malungkot na wika ni Alex."Ha? Hindi ba ikaw ang nagbayad ng bahay na iyon. Nagloan ka pa nga para mabayaran agad iyong bahay na iyon, hindi ba?" nagulat na sabi Maddy."Naku Madd
Read more
Finding a new place
Pumunta na lamang siya sa kaniyang kwarto at kinuha ang cellphone para magsimula ng maghanap ng mga apartment online na malapit sa kaniyang trabaho dahil anytime ay pwede siyang tawagan ng Company. Lahat ng nakikita niya ay masyadong mahal dahil business capital ang lugar na ito. Hindi na siya pwedeng tumuloy kay Ms. Katarina dahil tapos na ang project nila na kasama ito. Wala naman siyang ganoon kalaking pera para mangupahan. Nagpunta ang kaniyang Mama sa kanyang kwarto at may inabot na puting envelope sa kanya."Heto kunin mo, kailangan mo ng pera pang deposit sa lilipatan mo," sabi ng kaniyang Mama.Ang Mama Fely lang talaga niya ang nakakaintindi sa kaniya, alam din nito na hindi na magbabago ang desisyon ng kaniyang Papa lalo pa at lalaki ang magiging apo nito kay KD. Ayaw din ng Mama Fely niya na umuwi siya ng probinsya nila dahil alam nito kung gaano kahalaga sa kanya ang pangarap niya."Maliit na halaga lang iyan, sana makatulong sa iyo. Huwag mo sasabih
Read more
New housemate
Kinaumagahan ay nagsimula ng mag empake si Alex ng mga dadalhin niyang gamit. Nagdesisyon siyang lumipat na agad dahil ok na sa kaniya ang lahat at baka maunahan pa siya ng iba at baka makahanap pa ng ibang housemate ang may-ari ng bahay. Naiilang na rin siyang mag stay pa kasama ang kapatid niyang si KD at asawa nitong si Dana"Happy birthday to you! Happy birthday to you," pagkanta ni KD at Dana habang papalapit sa kanya na may dalang cake. Oo nga pala birthday na niya bukas. Nawala na sa isip niya dahil busy siyang maghanap ng malilipatan."Ate hipan mo na tapos magwish ka," sabi ni Dana. Pumikit si Alex ng ilang sandali at hinipan na ang kandila."Anong wish mo ate?" tanong ni Dana."Ang wish ko na sana sa susunod kong buhay maging isa akong pagong, para hindi ko na maranasan mapalayas sa sarili kong bahay," sagot ni Alex."Wow ate grabe ka. Buntis siya. Gusto mo bang bigyan siya ng stress. Ito ang isa sa dahilan bakit ayaw ko na sama-sama tayo
Read more
Rules and Conditions
"Aso? Asaan?" tanong ni Alex sa sarili. Wala naman siyang nakita o narinig na aso. Lumibot muli siya sa buong bahay at pinuntahan ang bawat lugar dito. Sa may gazebo saka lang niya napansin na may maliit na puting dog house sa sulok nito. Hindi niya napansin ito kanina. Nilapitan niya ito at sinilip ang loob, nakita niya rito ang isang puting aso. Isa itong puting shih tzu, natutulog ito sa kaniyang higaan ng silipin ni Alex. Hinawakan niya ito sa ulo ng dahan-dahan at hindi sinasadyang nagising."Hello Snow, ako nga pala si Alex ang bago ninyong makakasama dito sa bahay," saad ni Alex habang hinihimas ang ulo ni Snow. Mukhang nagustuhan rin siya agad nito. Maamo ito at malambing.Samantala sa opisina naman nila Tyler ay busy ang lahat dahil sa tinatapos nilang update sa system ng isang client dahil malapit na ang deadline nito. Lumabas ng office niya si Carlos at pumunta sa office ni Sam."Kamusta nakalipat na ba iyong bago mong housemate?" tanong ni Carlos.
Read more
Opportunity
Maganda ang pamumuhay ni Sam, mula siya sa isang may kayang pamilya. Stable na rin ang kaniyang pamumuhay at trabaho. Nakapag pundar na siya ng sasakyan at sariling bahay. Isang taon na lamang ang kailangan niyang bayaran sa kaniyang bahay. Kahit pa may kaya naman ang pamilya nito ay hindi siya umaasa sa mga magulang niya. Isa sa dahilan bakit siya kumuha ng housemate ay dahil na rin dito. Ang plano niya ay kapag fully paid na ang bahay ay hindi na siya kukuha pa muli ng housemate. Isa pang dahilan ay kuripot ito. Sa halip na kumuha ng kasambahay ay housemate ang kaniyang kailangan.Tatlo naman ang kwarto sa kaniyang bahay at ang isa ay hindi nagagamit. Ang kasambahay ay kailangan niya pang bayaran samantalang ang housemate naman ay siya pa ang babayaran. Nagagawa na ang mga gawain sa bahay ay kumikita pa siya.6 am pa lamang ay umaalis na si Sam ng bahay para pumasok sa Company nila. Samantalang si Alex ay masarap pa ang tulog sa kabilang kwarto.10 am ay nagising
Read more
New Writer
Pagkatapos ng pakikipag usap ni Maddy sa kanyang cellphone ay agad niyang pinaandar na ang kaniyang sasakyan paalis ng grocery."Anong nangyari?" tanong ni Maddy kay Alex."Hmm nakasabay ko sa grocery kanina sila Ms. Katarina at Ms. Amber," sagot ni Alex. Sinabi na niya ang totoo dito dahil alam na nito ang kanyang pagkato. Alam na nito kung may problema siya o wala. Hindi siya maaaring maglihim dito. Simula pagkabata ay kaibigan na niya ito at si Abby kaya alam na nito kapag may problema siya."Ano na naman ginawa o sinabi nila sayo. Gusto mo ba na balikan natin ha," galit na sabi ni Maddy. Nakilala na nito si Ms. Katarina at Ms. Amber at nasaksihan na rin nito kung paano siya itrato ng mga ito. May isang beses pa nga na muntikan ng awayin ni Maddy ang mga ito."Maddy focus ka na lang sa pagda drive mo okay. Mamaya sasabihin ko sayo pagdating natin sa resto," wika ni Alex."Hmm okay. Pero bakit parang ang dami mo yatang binili sa grocery. Parang sobra sobr
Read more
The Confession
Alas dos na halos ng madaling araw. Sa kwarto ni Alex ay nakatulugan na niya ang kaniyang ginagawang pagsusulat. Sa working table na rin siya nakatulog. Sa wakas ay natapos na niya ang kaniyang auditioned story. Finishing na lang ang kailangan at proofreading. Kailangan na niya itong maipasa upang makasali ang story niya sa audition. Samantalang si Sam naman ay pauwi pa lamang ng bahay mula sa trabaho. Binuksan niya ang pintuan ng bahay at nakita niya si Snow na nag-aabang sa kaniya. Kinuha niya ito at agad na dumiretso na sa kanyang silid. Agad nahiga si Sam sa kama at mistulang pagod na pagod."Hay naku Snow napakahaba ng araw na ito at nakakapagod," tumagilid siya ng higa upang tingnan si Snow. Nagpunta ito sa carpet at nahiga na tila handa ng matulog. Parang hinintay lamang nito na dumating si Sam. Ngumiti lamang si Sam at unti unti ng pumikit ang mga mata. Nakatulog na lamang ito ng hindi man lang nakapagpalit ng damit. Dahil na rin siguro sa sobrang pagod.Kinaumagahan
Read more
Accidental Kiss
Halos ayaw tumigil ng agos ng luha ni Alex sa kaniyang mga mata. Parang pinipiga ang kaniyang puso. Ngayon lamang niya naramdaman ang ganito. Ang buong akala niya ay gusto din siya nito dahil sa mga ipinakikita at ikinikilos nito kapag kasama siya. Napaka maasikaso sa kaniya at sweet nito. Sa kaniya lamang ni Tyler ito ginagawa. Bakit si Ms. Amber pa sa lahat ng tao.Unti-unti siyang tumalikod at naglakad palayo habang pinupunasan ang mga luha. Dumiretso siya ng Comfort room dahil natatakot siya na may makakita sa kaniya sa ganoong itsura. Maigi na lamang at palabas na ang mga taong naabutan niya doon. Nakayuko siyang pumasok at dumiretso sa harapan ng salamin. Kumuha ng tissue upang pahiran ang kaniyang mga luha. Huminga siya ng malalim at binuksan ang kaniyang bag. Kinuha niya ang face powder at inayos ang kaniyang mukha. Iiyak na naman siya ng may pumasok sa CR. Mga kasamahan niya ito sa company."Oh Alex nandito ka pala. Hinahanap ni Director Allan ang lahat ng writ
Read more
The First Meeting
"Hello Abby, bakit hindi mo sinabi sa akin na lalaki pala ang housemate ko? Sa lahat ng tao bakit siya pa?" natatarantang sabi ni Alex habang nasa kwarto niya at kausap sa cellphone si Abby."Ano ba ang sinasabi mo Alex? Lalaki? Sino?" sunod-sunod na tanong nito."Yung housemate ko na inirekomenda ninyo ni Mike. Lalaki siya!" wika ni Alex."Teka sandali lang Alex kausapin ko si Mike tapos tatawagan kita. Naguguluhan din ako sa sinasabi mo," sagot ni sa kaniya.Doon na natapos ang pag-uusap nila. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyayari.Sa kabilang kwarto naman ay kausap ni Sam si Carlos."Ano na naman itong kaguluhan na dinala mo sa bahay ko. Wala ka bang matinong housemate na ibibigay sa akin?" wika ni Sam."Look hindi ko alam na babae siya. Walang sinabi sa akin si Mike o baka hindi namin napag-usaoan talaga haha," natatawang sabi nito."May gana ka pa na tumawa talaga. Ang laking problema nito. Hindi siya pwede dito. Babae siya," naiinis na wika n
Read more
DMCA.com Protection Status