Share

Rules and Conditions

"Aso? Asaan?" tanong ni Alex sa sarili. Wala naman siyang nakita o narinig na aso. Lumibot muli siya sa buong bahay at pinuntahan ang bawat lugar dito. Sa may gazebo saka lang niya napansin na may maliit na puting dog house sa sulok nito. Hindi niya napansin ito kanina. Nilapitan niya ito at sinilip ang loob, nakita niya rito ang isang puting aso. Isa itong puting shih tzu, natutulog ito sa kaniyang higaan ng silipin ni Alex. Hinawakan niya ito sa ulo ng dahan-dahan at hindi sinasadyang nagising.

"Hello Snow, ako nga pala si Alex ang bago ninyong makakasama dito sa bahay," saad ni Alex habang hinihimas ang ulo ni Snow. Mukhang nagustuhan rin siya agad nito. Maamo ito at malambing.

Samantala sa opisina naman nila Tyler ay busy ang lahat dahil sa tinatapos nilang update sa system ng isang client dahil malapit na ang deadline nito. Lumabas ng office niya si Carlos at pumunta sa office ni Sam.

"Kamusta nakalipat na ba iyong bago mong housemate?" tanong ni Carlos.

"Busy ako wag mo akong abalahin. May deadline tayo na tinatapos hindi ba," sagot ni Tyler habang tuloy-tuloy pa din ang ginagawa sa computer.

"Dapat magpasalamat ka sa akin dahil naihanap kita agad ng bago mong housemate. Sabi pa ni Mike mabait at responsable ang bago mong housemate. Wala kang magiging problema sa bahay mo at sa mahal na mahal mong aso," pagyayabang ni Carlos.

Teka si Mike? Ibig sabihin si Carlos ang sinasabi ni Abby na pinsan ni Mike na ang kaibigan ay nagpapahanap ng housemate. Ibig sabihin si Tyler ang nagpapahanap ng housemate at si Alex ang bagong magiging kasama nito sa bahay. Paano nangyari iyon?

Ang alam ni Alex ay babae ang kaniyang makakasama dahil ipinakita pa ni Abby sa kaniya ang picture nito. At ang alam naman ni Sam ay lalaki ang bago niyang housemate dahil imposibleng ihanap siya ni Carlos ng babaeng housemate.

Sa bahay naman ni Sam ay nakaupo pa rin si Alex sa upuan sa may dining table ng tumunog muli ang kaniyang cellphone. Message muli ito mula sa housemate niya.

"Sa kaliwang kwarto ay magiging silid mo, pwede mong gamitin ang mga gamit na nasa kwarto mo katulad ng aircon at mga cabinet," maikling saad sa message.

Tumayo na si Alex sa dining table at kinuha ang kaniyang mga bag sa sala. Patungo siya sa magiging kwarto niya, nakita siya ni Snow at sinundan siya nito. Binuksan niya ang kwarto at bumungad sa kaniya ang maaliwalas na ambiance nito. Kulay puti lamang ang kwarto at ang mga gamit dito ang nagbibigay ng ibang kulay sa silid. May kama ito na sakto para sa kaniya. May maliit na table kung saan maaari siyang magtrabaho, mayroon na din itong lampshade. May built in cabinet ito na lagayan ng kaniyang mga damit at gamit. At ang ikinatuwa ni Alex ay mayroon itong bookshelf sa gawing kanan ng kwarto. May kakaunti itong mga libro na nakapatong.

Sinimulan na niyang ayusin ang kaniyang mga gamit. Nang sa gayon ay makatapos na siya at makapag simula ng makapag sulat sa kaniyang laptop. Mag gagabi na ng matapos si Alex sa kaniyang ginagawa. Nakaramdam na siya ng gutom kaya't nagbihis siya para lumabas ng bahay para bumili ng kaniyang makakain.

Pumunta lamang siya sa isang malapit na convenience store at bumili ng rice meal na avilable dito at isang orange juice. Sa convenience store na siya kumain. Habang kumakain ay tiningnan niya ang kaniyang cellphone at binuksan ang email niya.

"Hmm wala pa rin email sa akin ang company. Wala pa rin binibigay sa akin na bagong project," wika ni Alex.

Habang nagpapatuloy sa pagkain ay may nareceive siyang message sa group chat nila ng mga kasama niya sa company na Assistant Writer.

Naghahanap daw ang isang Director ng bagong Writer na makakatrabaho nito sa bagong project na gagawin nito. Lahat daw ng Writer ay maaaring magpasa ng kanilang story at pipili ang Director ng isa mula rito. Kahit sino ay pwedeng magpasa kahit Main Writer ka o Assistant Writer.

Heto na ang matagal na hinihintay ni Alex. Ang pagkakataon na makapagsulat siya ng sarili niyang drama at maaaring makilala rito.

Nagmadali na siyang kumain para makabalik na sa bahay para matapos na ang matagal niyang isinusulat na drama. Para maipasa na niya ito sa Director na nangangailangan ng bago nitong makakatrabaho na Writer.

Pagkarating sa bahay ay pinakain muna ni Alex si Snow, nagsegregate ng mga recycble materials at nag vacuum bago siya pumunta sa kaniyang silid. Pagkatapos ng gawain niy ay nagsimula na siyang magtrabaho.

Matagal na niyang isinusulat ang drama na ito. Halos 3 taon na niya itong isinusulat dahil gusto niya itong maperpekto. Napakahalaga sa kaniya ng drama na ito dahil buong puso niya itong ginawa.

Samantala halos hating gabi na ng makauwi si Sam sa kaniyay bahay. Napansin niyang malinis ang buong bahay. Kahit isang kalat ay wala siyang makita. Nakita niya ang contract sa lamesa at may pirma na ito, may katabi din itong note.

"Nalinisan ko na ang buong bahay, nag segregate na din ako ng mga recycble dahil bukas ay schedule natin sa collection sabi ng guard at higit sa lahat napakain ko na si Snow at nakainom na rin siya ng gatas. Alam kong late ka ng makakauwi kaya nag-iwan na lang ako ng note," saad sa papel. Natuwa si Sam dahil nasunod lahat ng gusto niya at maayos itong nagawa. Mukhang nakakuha na siya ng maayos na makakasama sa bahay.

" Totoo nga ata ang sabi ni Carlos na ikinuha niya ako ng maayos na housemate at responsable. Sana hindi lang ito sa simula, ang hirap maghanap ng housemate," wika ni Sam.

Nakita niya si Snow na papalapit sa kaniya. Binuhat niya ito at isinama papunta sa kaniyang kwarto.

"Ano Snow nagustuhan mo ba ang bago nating kasama sa bahay?

Pagpasok ng kwarto ay isinara na ni Sam ang kaniyang pinto para makapagpahinga kasama si Snow. 

Sa kwarto kabilang kwarto naman ay nakatulog na si Alex sa kaniyang table kaharap ang kaniyang laptop. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status