Share

The Proposal
The Proposal
Author: Kimberly De Leon

Start of Hardship

"Sa wakas natapos ko na din!" sigaw ni Alex habang nag-uunat. Isang Assistant Writer si Alex sa isang Television Company. Halos limang taon na siyang nagtatrabaho dito.

Si Ms. Katarina ang kaniyang Boss, siya ang Head Writer na kumuha sa kaniya. Dalawang buwan ding tumira si Alex kay Ms. Katarina dahil sa tinatapos nilang drama sa TV. Dalawang buwan na din siyang hindi umuuwi sa sarili niyang bahay.

"Hmm papayagan na kaya niya akong umuwi? Siguro naman kasi napasa ko na sa kanya ang final draft. Tapos na din naman ang mga kailangan kong gawin," wika ni Alex.

Inayos na niya ang kaniyang mga gamit. Pagkatapos ay lumabas na siya ng kwarto bitbit ang bag niya at isang maliit na maleta at lumapit kay Ms. Katarina na busy sa ginagawa niya sa computer.

"Ms. Katarina excuse me po, naipasa ko na po ang final draft. Pwede na po ba akong umalis?" mahinang tanong ni Alex kay Ms. Katarina.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Ms. Katarina na hindi man lang siya nililingon at naka focus pa rin sa computer nito.

"Uuwi po," sagot ni Alex. Pagkasabi nito ay saka lang siya nilingon. Nakita nito ang dala niyang bag at maleta.

"Oo nga pala ngayon ang uwi mo, nakita ko na ang finala draft na ipinasa mo. Sige pwede ka na umuwi, mag-ingat ka.

"Sige po Ms. Katrina, salamat po. Aalis na po ako," paalam ni Alex. Habang palabas siya ay nakita niya itong bumalik na sa ginagawa sa computer.

Walang kasing saya si Alex habang pauwi na sa bahay nila. Sa wakas tapos na ang project nila at makakapagpahinga na siya. Pumunta agad siya sa bus stop para makasakay papunta sa kanilang bahay. Mahigit isang oras na byahe ay nakababa na siya ng bus. Konting lakad pa ay nasa bahay na nila siya. Halos tumakbo na siya papuntang bahay sa sobrang saya.

"Hay wala akong gagawin sa bahay kung hindi magpahinga at matulog. Sobrang miss ko na ang kama ko.

Nakarating na ng bahay si Alex. Pagbukas ni ng pinto ay nawala ang ngiti niya dahil sa kalat na nakita sa buong bahay. May nakalagay nadamit sa upuan at sahig. May kung ano-ano din na nakapatong sa lamesa at tambak na hugasin na plato sa lababo. Kasama niya ang kaniyang bunsong kapatid na lalaki na si KD. Isang College student sa kursong Architecture. Magkasama silang magkapatid na naninirahan sa Manila, samantalang ang mga magulang nila ay nasa probinsya. May maliit silang farm sa Laguna at munting grocery store. Silang magkapatid naman ay naninirahan sa Manila para magtrabaho at mag-aral.

"Akala ko makakapagpahingan na ako, iyon pala mas marami pa akong gagawin dito sa bahay. Nakakainis ka talaga KD!" saad ni Alex habang nagliligpit ng kalat. Habang nagdadampot ng mga damit sa sahig at upuan may nakita siyang pulang bra, pinagmasdan niya ito mabuti. Ito ay hindi sa kaniya, dahil malaki ang size nito para sa kaniya. Habang napapaisip ay may narinig siyang kalabog sa kwarto ni KD. Pinuntahan niya ito at kinatok ang pintuan.

"KD kanina pa ako dito sa bahay, hindi ka man lang lumabas para batiin ako," wika ni Alex habang kumakatok sa pintuan. Lumabas ka diyan ang daming kalat dito, tulungan mo akong maglinis," nakarami na siya ng katok ngunit hindi pa rin siya pinagbubuksan. Malakas ang music sa kwarto nito at baka hindi siya naririnig na kumakatok kaya napagdesisyunan niyang buksan na lamang ito at baka naglalaro ito ng online games.

"Wah KD," malakas na sigaw ni Alex pagbukas ng pinto. Nagulat siya sa kaniyang nakita. Ang kapatid niya ay may kasamang babae sa kwarto at nasa kama. Walang suot na damit at natatabunan lamang ng kumot ang dalawa. Gulat na gulat din ito at ang kasama nitong babae. Sobrang taranta nila ay hindi nila alam ang gagawin.

Samantalang si Alex ay tumakbo patungo sa kaniyang silid. Bitbit pa rin ang pulang bra sa kamay niya. Sinara niya ang pinto at naupo sa gilid ng kaniyang kama. Hindi niya alam ang kaniyang nararamdaman sa kaniyang nakita. Halo-halong emosyon.

Nagulat siya ng biglang kumatok si KD sa kaniyang kwarto. Hindi sumagot si Alex kaya pumasok na lamang si KD sa silid nito.

" Okay lang ako, gusto ko na mapag-isa muna. Tapusin nyo na kung anong ginagawa ninyo,"  saad ni Alex habang hindi makatingin kay KD.

"Ano ka ba ate, anong sinasabi mo. Halika labas ka, ipapakilala kita sa kaniya,"  pag-aaya ni KD.

"Sino yung babaeng n*******d? Naku hindi-hindi. Naalala ko aalis nga pala ako KD, may usapan pala kami ng mga kaibiggan ko na magkikita," natatarantang sabi ni Alex habang hinahanap ang bag niya. Pagkakuha ng bag ay nagpaalam ito kay KD.

"Sabihin mo na lang sa kaniya na aalis ako, late na ako makakauwi. Kaya hindi niya kailangan magmadaling umalis pauwi sa bahay nila," patuloy ni Alex.

"Ate hindi siya aalis o uuwi, dahil dito na siya nakatira sa bahay," wika ni KD. Lalo itong ikinagulat ni Alex. "Sabi ko ate dito na siya nakatira sa bahay natin, nagsasama na kami. Asawa ko siya.

"Anong sabi mo? Kailan pa?" tanong ni Alex.

" Halos 2 bwan na siya dito ate, simula noong umalis ka para sa trabaho mo. Dito ko na siya pinatira," paliwanag ni KD. " At saka ate magiging Tita ka na. Buntis siya!" dagdag pa ni KD na nakangiti.

Binato ng unan ni Alex si KD. " Anong sinasabi mo? Buntis siya? Tapos matagal na siyang nakita dito ng hindi mo man lang sinasabi sa akin. Hindi ba nag-aaral ka pa. Ilang bwan lang akong nawala ganito na ang nangyari. Hindi ka pa tapos sa pag-aaral mo KD. Ano ka ba!" pagalit na sabi ni Alex kay KD. Nagagalit siya rito dahil ano ba ang alam nito sa pagpapamilya, nag-aaral pa ito at umaasa lang din sa kaniya at sa kanyang magulang.

"Shh ate yung boses mo. Ano ka ba baka marinig ka niya. Makakasama sa baby namin ang mga sinasabi mo. At saka alam na rin naman nila Papa at Mama matagal na at tanggap na rin nila  lalo na si Papa," nakangiting sabi ni KD na parang proud pa sa sinasabi.

"Hah bwisit ka KD. Lumabas ka ng kwarto ko," naiinis na saad ni Alex habang pinagtutulakan si KD palabas ng pinto.

Kinagabihan ay dumating ang mga magulang nila Alex at KD sa bahay ng mgkapatid mula sa probinsya. Tinawagan pala ang mga ito ni KD at sinabi kung ano ang nangyari. Halos 4 na oras ang binyahe ng mga magulang nila papunta sa kanila. Oras ng hapunan at naghahain na ang Mama nila. Nakaupo na si Alex, KD, kanilang ama na si Kris at si Dana, ang babaeng kasama ni KD sa kwarto kanina.

Inilapit ni Dana ang mga ulam kay Kris isa-isa. "Papa sigurado po ako nahirapan at napagod kayo sa pagda drivepapunta dito," sabi ni Dana.

"Naku hindi naman. Heto ikaw dapat ang kumain ng marami anak," sagot ni Kris kay Dana habang inilalapit ang mga pagkain dito.

Nakatingin lamang si Alex sa dalawang nag-uusap. "Papa? Anak?" tanong ni Alex sa Papa niya. Kailan pa naging parang close ang mga ito.

"Sa tingin ko narinig mo na lahat kay KD. Hindi namin nasabi agad sayo ng Mama mo dahil alam namin na busy ka masyado sa trabaho mo," tugon ni Kris kay Alex. "Ngayong kumpleto na tayo dito, lahat ng miyembro ng pamilya ay nandito ang masasabi ko lang ay sana maging maayos ang pagsasama ninyong tatlo dito sa bahay," patuloy ni Kris.

"Ha? Ano? Kaming tatlo sa iisang bahay? Ayoko hindi ako papayag," halos sabay na sinabi ni Alex at KD.

"Papa ayoko, mag-asawa sila at buntis pa siya. Hindi pwede," tutol ni Alex sa sinabi ng kaniyang Papa.

"Mas lalo ng ayoko Papa, wala kaming privacy ni Dana," saad ni KD.

"Oh anong gusto ninyong gawin namin ng Mama ninyo? Anong gusto ninyong mangyaring dalawa? Kailangan may umalis sa inyo ganoon ba?" sunod-sunod na tanong ng kanilang Papa. Silang tatlo lamang mag-aama ang nag-uusap, ang Mama na si Fely at Dana ay nakikinig lang sa pag-uusap nila.

"Basta ako Papa ayoko at hindi kami pwede umalis ni Dana dito dahil nag-aaral ako. Si ate tapos na 'yung project niya kaya pwede siguro siyang," naputol ang sinasabi ni KD dahil napansin niyang masama na ang tingin ni Alex sa kanya.

"Yun naman pala Alex tapos na ang trabaho mo, pwede ka na munang umuwi sa atin sa probinsya. Para matulungan mo din kami ng Mama mo," pagsang ayon ng Papa nila ni KD. Nakita niyang lumaki ang ngiti ni KD. Si KD na naman ang kinampihan nito. Bata pa lamang sila ay ganon na ito. Paborito nito si KD dahil lalaki ito at naniniwala ang Papa nila na ang lalaking anak ang swerte ng pamilya. Dapat itong mas pinahahalagahan dahil ito ang magdadala ng kanilang apelyido at lahi.

Hindi pwede, ayaw niyang umuwi ng probinsya nila dahil sigurado siyang hindi na siya pababalikin ng Papa niya sa Manila. Kukunin nito ang oportunidad na patigilin siya sa kaniyang pagsusulat. Dahil talagang tutol ito sa pagiging writer niya. Paano na lang ang kaniyang pangarap?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status