Share

The Confession

Alas dos na halos ng madaling araw. Sa kwarto ni Alex ay nakatulugan na niya ang kaniyang ginagawang pagsusulat. Sa working table na rin siya nakatulog. Sa wakas ay natapos na niya ang kaniyang auditioned story. Finishing na lang ang kailangan at proofreading. Kailangan na niya itong maipasa upang makasali ang story niya sa audition. Samantalang si Sam naman ay pauwi pa lamang ng bahay mula sa trabaho. Binuksan niya ang pintuan ng bahay at nakita niya si Snow na nag-aabang sa kaniya. Kinuha niya ito at agad na dumiretso na sa kanyang silid. Agad nahiga si Sam sa kama at mistulang pagod na pagod.

"Hay naku Snow napakahaba ng araw na ito at nakakapagod," tumagilid siya ng higa upang tingnan si Snow. Nagpunta ito sa carpet at nahiga na tila handa ng matulog. Parang hinintay lamang nito na dumating si Sam. Ngumiti lamang si Sam at unti unti ng pumikit ang mga mata. Nakatulog na lamang ito ng hindi man lang nakapagpalit ng damit. Dahil na rin siguro sa sobrang pagod.

Kinaumagahan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status