Share

New housemate

Kinaumagahan ay nagsimula ng mag empake si Alex ng mga dadalhin niyang gamit. Nagdesisyon siyang lumipat na agad dahil ok na sa kaniya ang lahat at baka maunahan pa siya ng iba at baka makahanap pa ng ibang housemate ang may-ari ng bahay. Naiilang na rin siyang mag stay pa kasama ang kapatid niyang si KD at asawa nitong si Dana

"Happy birthday to you! Happy birthday to you," pagkanta ni KD at Dana habang papalapit sa kanya na may dalang cake. Oo nga pala birthday na niya bukas. Nawala na sa isip niya dahil busy siyang maghanap ng malilipatan.

"Ate hipan mo na tapos magwish ka," sabi ni Dana. Pumikit si Alex ng ilang sandali at hinipan na ang kandila.

"Anong wish mo ate?" tanong ni Dana.

"Ang wish ko na sana sa susunod kong buhay maging isa akong pagong, para hindi ko na maranasan mapalayas sa sarili kong bahay," sagot ni Alex.

"Wow ate grabe ka. Buntis siya. Gusto mo bang bigyan siya ng stress. Ito ang isa sa dahilan bakit ayaw ko na sama-sama tayong tumira dito," naiinis na sabi ni KD sabay alis at diretso sa kwarto niya.

Hindi na pinansin ni Alex ang sinabi ni KD. Tapos na siyang mag empake at kinuha na ang mga bag at gamit na dadalhin paalis. Palabas na siya ng bahay ng pigilan siya ni Dana.

"Ate mag-iingat ka. Pasensya na sa nangyari," malungkot na sabi ni Dana. Ngumiti si Alex kay Dana at hinawakan ang kamay nito. May iniabot na sobre. "Heto tanggapin mo, ibili mo ng mga kailangan mo sa pagbubuntis. Mag-iingat din kayo ni KD. Ikaw na ang bahala sa pasaway kong kapatid. 'Wag mo ng subukang tanggihan ang binibigay ko, kung hindi ay magagalit talaga ako.

"Salamat ate, pasenxa na talaga," mangiyak ngiyak na sabi ni Dana.

"Sige na aalis na ako. 'Wag mo na akong ihatid sa labas," unti-unting pumatak ang mga luha ni Dana habang tinitingnan si Alex na palabas ng bahay.

Kahit pa mahirap at may pagtatampo ay mas nangibabaw pa rin ang pag-unawa at pagtanggap ni Alex sa sitwasyon. Mas kailangan ni KD ang bahay na iyon dahil magkakaroon na ito ng sariling pamilya. Nag-aaral pa ito. Hindi katulad niya na sarili lamang ang kailangan intindihin.

Nakarating na si Alex sa bus stop malapit sa kanilang bahay. Hindi niya alam ang kaniyang nararamdaman excited, kinakabahan, nag-aalala at masaya. Dumating na ang bus na sasakyan niya. Dahan-dahan siyang umakyat ng bus dala-dala ang isang malaking bag at isang maleta. Buti na lamang at maluwag ang bus na nasakyan niya. Papunta ang bus sa Hilton Condominium isang kilalang lugar para sa mga mayayaman. Pinapangarap lang dati ni Alex na makatira dito. Ngayon ay mararanasan na niya.

Isa at kalahating oras din ang tinagal ng kaniyang byahe bago makarating dito. Namangha siya sa kaniyang nakita. Napakaganda ng lugar. Para itong katulad ng mga nasa ibang bansa. Nagtataasang mga gusali, malawak na park at playground para sa mga bata, swimming pool at basketball court. Kinikilig siya dahil araw-araw niya itong makikita at mapupuntahan. Habang abala sa nakikita ay tumunog ang kaniyang cellphone. Kinuha niya ito sa bulsa ng kanyang pantalon. Text ito mula sa magiging housemate niya.

"Goodmorning iniwan ko nga pala ang susi sa Admin office sa building 2 ground floor. Sabihin mo na lang unit 502. Kailangan kong umalis dahil marami akong kailangan gawin sa office," nakapaloob sa txt.

Pagkabasa ng text ay hinanap na agad ni Alex ang Admin office. Mabilis naman niya itong nahanap at nakuha ang susi. Dumiretso siya sa elevator. Pinindot ang up button dahil sa 5th floor ang unit ng kanyang housemate. Naghintay siya ng ilang minuto at mayroon ng bakanteng elevator. Sumakay na siya at mag-isa lang siya dito. Salamin ang isang bahagi ng elevator kaya kita niya ang labas mula rito. Lalo siyang namangha habang pataas ang elevator.  Mas lalo niyang nakita ang ganda ng lugar. Nagulat siya dahil kita rin dito ang dagat, may ovean view ito. Napakaganda. Halos magtatalon si Alex sa tuwa ngunit pinigil niya ang kaniyang sarili.

Sandali pa ay nakarating na siya sa 5th floor kung nasaan ang unit. Nasa gawing kanan ang unit 502. Lumapit sa pinto at sinusian ito. Huminga ng malalim bago buksan ang pinto.

Pagbukas ng pinto ay bumungad sa kanya ang magandang bahay. Malawak na sala, magandang kitchen at dining area. Mayroon din itong balcony kung saan kita rin ang dagat na nakita niy kanina. Mayroon itong 3 kwarto, ang dalawa ay nasa kanan at ang isa ay nasa kaliwa naman. Mayroon din itong malawak na laundry area, kalahati nito ay ginawang mini gazebo na may magandang halaman. Habang abala siya sa paglilibot sa bahay tumunog muli ang kaniyang cellphone. Galing muli ito sa may-ari ng bahay.

"Ang kwarto sa kaliwa ay kwarto mo. May makikita kang papel sa dining table. Iyon ang kontrata natin, nakasulat doon ang mga rules and conditions na dapat mong sundin habang nakatira ka sa bahay ko. Kapag natapos mo ng basahin at sang ayon ka. Pwede mo ng pirmahan," saad sa txt.

Nilapitan ni Alex ang papel na sinasabi sa kanya. Humila siya ng isang upuan at sinimulang basahin ito. Sinimulan niyang basahin ang mga nakasulat sa papel. Nakapaloob dito ang mga sumunod:

Rules and Condition

1. Kailangan mong panatilihin malinis ang bahay, ikaw ang kailangang gumawa ng mga house chores. Dahil palagi akong wala sa bahay, wala akong time maglinis dahil sa trabaho ko.

2. Ikaw ang kailangan mag segregate ng mga basura at recyclable materials every other day at ibaba ito sa garbage area ng condominium. At ang panghuli,

3. Kailangan mong alagaan ang aso kong si Snow habang wala ako at nasa trabaho.

Alin man sa rules and conditions na ito ang hindi mo masunod ay automatic terminated na ang contract natin.

Doon na nagtapos ang kontrata lng binasa ni Alex. Madali lang pala ang rules and conditions nito. Pero bakit ang sabi ni Mike ay wala raw itong nagtatagal n housemate. Bakit kaya? Anong klaseng tao kaya ang makakasama niya? Excited at kinakabahan na siyang ma meet ito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status